"Putek! Seryoso ba? Sa gym ang sunod nating lilinisin," gulantang na tanong ko kay Rafaela.Sa mga oras na ito, dapat ay kanina pa kaming nakauwi ni Rafaela, subalit dahil mabait kaming mga bata at marunong sumunod kay Principal Dima, naglilinis kami ngayon.
Two weeks of cleaning the entire school as punishment for attempting to cut class is seriously such a pain in the arse. Nakakalungkot subalit alam naming wala na kaming magagawa. Simula Lunes pa kami naglilinis, at ngayon nga ay pangatlong araw na namin. Natapos na naming linisin ang cafeteria at athletic field.
"Oo. Iyon ang nakalagay dito sa listahan ni Principal Dima," nakasimangot na winagayway ni Rafaela sa mukha ko ang kapiraso ng papel.
Tinampal ko ang kamay nito. "Nakakainis naman! Ayoko do'n!"
"As if naman may magagawa ka kahit umayaw ka." Nakangusong dinampot ni Rafaela ang nalaglag na kapiraso ng papel.
"But Nikos is there!" Pinadyak ko ang mga paa ko at tinuro ang direksiyon papuntang gym.
"So what? Kung may dapat mahiya, ako 'yon! Kasi two weeks akong hindi makaka-attend ng basketball practice dahil sa'yo! Tapos napagalitan pa ako ni Coach!" Tinago ni Rafaela sa kanyang bulsa ang kapiraso ng papel bago dinampot ang mga pamunas at water spray.
"Pero kasi..."
"Huwag ka nang mag-inarte diyan. This is your fault." Umiling si Rafaela. "Hayaan na natin kasi kabalitaan naman na sa buong school na pinaparusahan tayo ngayon." Nagsimula na itong maglakad papunta sa gym.
Hay, naku. Badtrip. Napanguso ako. Dinampot ko ang mga bag namin at sumunod sa kanya.
"Come on, Antonina. You can do this," I assured myself.
"Why are you anxious, by the way?" Rafaela suddenly asked. Naglalakad na kami ngayon patungo sa gym.
I sighed. "I don't know. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito." Because in all honesty, I really have no idea.
"Hindi ka naman naging ganyan sa mga naging crush mo.Dati rati, kung hindi ka gusto, wala kang pakialam at balewala lang sa'yo. You didn't give a damn in the slightest." Rafaela gave me a sideway glance. "I just don't understand you. Bakit itong kay Nikos, sobrang OA mo," pairap na sabi nito.
Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "Sino'ng OA?" Sumusobra na 'tong kumag na'to. Palibhasa wala ako sa mood na makipagsagutan sa kanya.
"Sino ba'ng kausap ko ngayon?"
"I'm not OA. I'm just uncomfortable." Inayos ko ang dalawang bags na nakasukbit sa magkabilang-balikat ko ngayon.
"Bakit nga? Para namang hindi makapal ang mukha mo kung maka-arte ka diyan ngayon. All of our schoolmates and teachers know how stubborn and self-assured you are."
"Ay, wow. Should I take that as a compliment? Makapagsalita ito, walang filter, ah. Akala mo naman—"
"Just stay that way. Act normal, and stop being chicken-hearted," seryosong sabi nito habang diretso pa rin ang tingin sa daan.
Hindi ako sumagot. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"At saka wala ka namang ginawang masama kay Nikos, so you don't need to be frightened," dagdag na sabi pa ni Rafaela.
Rafaela was right, and it's not everyday that I get to hear his reproach. Minsan talaga, mahirap ding hulaan kung kailan seryoso si Rafaela at kung kailan hindi. Oftentimes, I honestly don't listen to his rebuke. I have to admit that I am stubborn. Well, most of the time. We're the same, but I'm just worse than him. I am aware of this flaw, pero hindi ko maiwasang hindi pa rin ito gawin. Kahit ilang beses akong pagsabihan, hindi talaga ako nakikinig. I do things my way. That's just how I am.
BINABASA MO ANG
The Jerk Next Door
Humor"Tangina. Sa 7 bilyon na tao sa mundo, sa 105 milyon na tao sa Pilipinas, bakit ikaw pa? Bakit sa'yo pa?" © ScribblerMia, 2014 Book Cover by: Colesseum