"When someone is in your dreams, it's obviously because they are dreaming about you...
So when someone is in your dreams and it's not the dream you want to be having...
That means that person misses you...
***
[Ryuu's POV]
Yumakap si Rae sa akin. Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla.
"Ryuu, salamat ha. Kita tayo bukas." Humigpit ang pagkayakap niya sa akin bago ay humiwalay siya mula sa akin. Ngumiti siya sa akin. Bago ay naglagay ng earphones at inayos ang backpack niya.
"Babye~"
Tumalikod siya sa akin. Naglakad at tumawid sa kabila.
Nagulat na lang ako sa sumunod na nakita ko pagkadilat ng mata ko...
Nakahandusay si Rae sa kalsada na walang malay at puro dugo ang katawan.
==============================
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko.
Agad kong hinanap ang cp ko tinawagan siya.
"Hello?" Sagot niya na halata na mukhang naalimpungatan siya.
"Nasaan ka? Okay ka lang ba?" Tarantang tanong ko sa kanya.
"R-ryuu? Nasa bahay ako. Natutulog ako. May pupuntahan ba ako sa ganitong oras? Ryuu bukas ka na tumawag. Tutulog na ko, 3 am pa lang... Good night"
"Huwag mo muna ibaba. Huwag ka muna matutulog ha. Basta ..."
Napabangon ako ng wala sa oras at kumuha ng T-shirt sa cabinet.
To be continue