Ala una na ng madaling araw ng maalimpungatan si Robert..
binuksan ang kanyang cellphone at inilawan ang paligid..
inilawan nya ang kanyang gilid at laking gulat nya ng ..
makita ang mukha ng matanda sa kanyang harapan kaya napasigaw sya...
at hinanap si Dixie..
"Juzko po !! tulungan nyo ko !! Dixie asan ka ?!" nagsisigaw nitong sabi..
at kinapa-kapa ang paligid..
"Ano ka ba?! iba nayang nahahawakan mo!! sakin huh !! nandito lang ako sa tabi mo..!! bakit ba?!" galit nitong sabi ..
"Ang dilim kasi ..bakit ba katabi ko tong matandang to..?"naiiritang tanong ni Robert.
"Hayaan mo na nga sya..!! matulog ka na nga lang ..inaantok pa ko..baka magalit ulit yang matandang yan.." -Dixie.
Natulog muli si Robert..
Mga bandang alas'tres ay naalimpungatan naman si Dixie..
At nakita nyang bukas ang kandila sa bandang pintuan natanaw nya ang matanda na nakaupo sa wheelchair..habang mayhawak-hawak na papel at nagsasalita ngunit hindi nya maintindihan..
"Ano bang ginagawa ng matandang yan ?! alastres palang ah ?" bulong ni Dixie sa sarili..
Ginising ni Dixie si Robert..
Ngunit hindi ito magising..
."Ano ba yan mukhang kinukulam na ata kami ng matandang bruhang to.." bulong muli nito sa sarili..
Tumayo si Dixie at lumapit sa matanda..
Upang mapigilan ang orasyun nito..
"Inang Junalen anong orasyun po yang ginagawa nyo?" tanong ni Dixie habang sinisilip ang papel na hawak ng matanda..
"Ah! eto ba ija ? sinasaulo ko kasi itong kanta ni Justin Bieber na LOVE ME, favorite ko to ee!" masayang sabi ni Inang Junalen..
nakahinga ng maluwag si Dixie dahil hindi naman pala ito isang orasyun..
"Akala ko naman kung ano na .."-Dixie.
"BAkit anong akala mo? kanta ni Katy perey ?hindi ko idol yun..meron akong songbook dito puro Justin Bieber lang.."masayang sabi ni inang junalen..
at tangka nitong kukuhanin sana ang songbook ngunit agad syang pinigilan ni Dixie ..
"Naku ..hindi na po inang junalen..pagod po ako ..at puyat pa.."-Dixie
"Ano ba ang ingay nyo!! kanina pa ko di makatulog ng maayos.. magpatulog nga kayo !!"galit na sigaw ni Robert kaya napalingon ang dalawa sa direksyon nito..
"Naku inang junalen pagpasensyahan nyo na yang boyfriend ko masyadong highblood.."paliwanag ni Dixie..
"Boyfriend mo yan? eh mukhang bakla naman yan..hahaha"napasimangot si Dixie sa tinuran ng matanda..
*pastforward*
Alas sinko na ng umaga ng magising ang dalawa nakaupo sila sa wheelchair at mga mukhang bangag dahil sa kulang sa tulog kaya parang maihahambing mo sila sa mga zombie..dahil sa lalaki ng mga eyebags..
lumapit sa kanila ang matanda..
"Oh..kakain kayo?" tanong ng matanda sa dalawa..
"HINDI NA HOOO!!!"sabay na sabi ng dalawa..
Nagpaalam na sila sa matanda..
bago sila umalis ay binigyan sila ng matanda ng tigisang anting-anting..
makakatulong daw ito sa kanila ..
tinanggap na lamang ng dalawa ang bigay ng matanda kahit hindi sila naniniwala dito..
BINABASA MO ANG
My Epic Love (Comedy)
AventuraAng kwentong ito ay nabuo lamang dahil sa walang magawa ang mga sumulat. Kaya may posibilidad na makornihan kayo at maewanan.... Feeling seryoso lang po ang kwentong ito. Ngunit ano't-ano pa man, nirerekomenda ko pading basahin nyo ito.... ♥♥♡♬♬☆★♤♠...