Date: October 1, 2014 rewritting
CHAPTER 1
Corrinne's POV
"Ma, alis na po ako!" Masaya kong sabi sa Mama namin na abala sa kusina. Pero laking gulat ko nang biglang magpati-una ang kakambal ko sa paglabas ng bahay. Papasok na din kase ito sa eskwela.
"Hindi sya nagmamadali huh!?" Inis ko sa kanya. At gaya ng lagi at paulit-ulit na nangyayari, isang sports car ang hihinto sa tapat ng bahay at doon sasakay ang ubod ng angas kong kakambal.
Pagkaalis nila ay saka lang ako lalabas ng gate tapos sasakay ako dito sa bff skateboard ko. At malayang lalanghapin ang ihip ng hanging sumasalubong. School at bahay, doon lang umiikot ang buhay ko. Pag-aaral at pamilya, doon ko naman ginugugol ang atensyon ko. Bilang nineteen years old palang naman ako e. Pero minsan, naghahanap din ako ng thrill sa buhay, kaya sa tulong ng gay bestfriend kong si Dani ay nagagawa kong magpunta sa mga nakakatuwang lugar, gaya ng pagdi-disco. Saka, College na rin naman kami e, at isa pa, nakakatuwa magdisco at magpaka-wild paminsan-minsan.
DANI'S POV
"Heto na naman tayo e!!" Dismaya ko na naman. Ewan ko ba, hindi na ako nadala. Alam ko na ngang may sa halimaw 'tong si Corrinne 'pag nalalasing tapos sama pa din ako nang sama sa kanya.
FLASHBACK:
"Tama na, Corrinne. Uwi na tayo, lasing ka na naman e. 'Yan na nga bang sinasabi ko e." Inis ko habang pilit ko syang hinahatak palabas. Pero napakalayo pa ng exit door at hetong lasingerang 'to ay enjoy na enjoy pa sa pagwa-wild nya sa dance floor.
"Ahh!! Gusto ko pa magdance-dance, Dani. Samahan mo nalang kase ko... sayaw ka din!! Dali na!!" Pamimilit pa nya sa akin. Bwisit talaga 'to, nang aya pa lasing na nga.
"Haayy!! Iiwan na kita 'pag 'di ka pa nag-ayos dyan!!" Pananakot ko sa Corrinne na ito.
Pero walang epek!! Nakaka-asar na talaga sya.
"Aalis na ako, Corrinne!!" Muli kong pananakot na konware ay paalis na ako. Naglakad pa ako ng bahagya paalis ngunit nang lingunin ko sya---------
Hayun!!! Nasa kandungan na sya nang isang lalaki. Tulala na tila nakikipagtitigan sa isang lalaki.
"My gosh, Corrinne!!!" Kaya dali-dali akong napatakbo pabalik. Pero ang mas nakaka-shock sa lahat ay ang biglang paghalik ng lasing na si Corrinne sa lalaking 'yon. At hindi lang basta kiss ang tawag sa ginawa nya, kundi INTENSE KISS!!! Makalaglag pangang KISS!!!
Pero laking gulat ko nang Makita ko ng malinaw ang mukha ng lalaking hinahalikan nya.
"SI TYRONE!!"
"Patay kang bata ka!!" Iyon ang nasambit ko habang nanlulumo akong nakatitig sa ginagawa ni Corrinne kay Tyrone.
END OF FLASHBACK
CORRINNE'S POV
That's where the trouble started!!!!
"The Initial Searching"
Hindi ko naman talaga sinasadya 'yon e!! At isa pa, lasing ako nun, napaka-big deal naman nun para sa kanila, para nahalikan lang sa bar ganyan na sila makapag-react?? Hindi ba malayong mangyari din iyon sa iba??
Pilit kong pinagtatanggol ang sarili ko sa aking pag-aalala habang papasok ako sa school, ni hindi ko nga maalala 'yong nangyari e, pero heto ako ngayon, para akong naiipit sa isang sitwasyong hindi ko naman alam kung paano nangyari.
YOU ARE READING
WANTED: My First Kisser
Randomthis is the story of TYRRINNE... A lovestory of two unusual people na pagtatagpuin ng isang aksidenteng sitwasyon... may mga magbabago dahil sa nangyari,, isang deal ang tutuparin... mga paghahanap ang lulutas... at sa bandang huli.... matatagpuan a...