Ang Tahanan ko'y Ikaw

60 7 4
                                    

5:00 Am. Lunes.

Umaga na naman.... Kailangan ko na namang bumangon mula sa mahimbing kong pagkakatulog upang pumasok sa trabaho na ako mismo ang nagsimula. Pinagmamasdan ko ang mga dibuho na nakasabit sa dingding nang aking kwarto. Ito'y gawa nang mga sikat na pintor sa ating bansa at regalo ito sa akin nang mga malalapit kong kaibigan na alam ang hilig ko sa ganitong sining.

Tumunog ang aking cellphone. Si Secretary Sanchez ang tumatawag. Simula nang maging presidente ako nang kompanya na itinayo nang aking ama,si Secretary Sanchez na ang isa sa pinagkakatiwalaan na tauhan ni Papa. 5 taon narin mula ang araw nang namatay si Papa. Pero sariwa parin ang sakit na idinulot nito sa aking puso. Bata pa ako nung nawala si Mama. Nasangkot siya sa isang aksidente kaya si Papa na ang nakagisnan kong magulang. Nag-iisang anak lang ako. Marami ang nagsasabi na malungkot daw ang buhay ko. Hindi sila nagkakamali.

"Good Morning Secretary Sanchez. Ala-singko palang nang umaga may meeting ba ako ngaun?"

"Sir Mikko, May natanaggap po ako nang email kagabi. Naka-address pos a pangalan niyo pero sa akin po pinadala. Hindi ko po alam na sa inyo hanggang sa nabasa kop o ang laman"

" Sige. I-forward mo sa akin yang e-mail na yan. May dadaanan ako sa Taguig kaya mga 10am na ako makapasok"

"Maliwanag Sir. Basahin nyo na sir agad yung e-mail. Mukhang kilala niyo ang nagpadala"

"Okay. Paalam"

Binaba ko na ang linya. Sino kaya ang nagpadala nun? Wala akong naiisip na magpapadala sa akin nang email dahil madalas tinetext nalang ako nang mga malalapit kong kaibigan. At kung kamag-anak ko naman ito, imposible na dahil wala akong nakagisnang kamag-anak namin. Natanggap ko na agad ang email. Nagulat ako sa pamagat nang sulat "Zach" Iisang tao lang ang alam kong tumatawag sa akin nun

Mayo, 13,2020

Dear Zach,

Kamusta ka na? Sobrang tagal na nating hindi nagkikita. Halos 5 taon na din. Simula nang mawala ang papa mo hindi na tayo nakapag-usap. Alam ko naman na ako ang may kasalanan kung bakit. Umalis ako nang Pilipinas nang hindi nagpapaalam sayo. Napag-kwentuhan naman kasi natin dati na kapag aalis ako hindi ako magpapaalam sayo dahil alam kong malulungkot ka lang. Kakauwi ko lang ngayong araw mula Romania. Nagulat ka siguro kung ano ang ginawa ko sa bansang yun. Ito ang number ko. Kung gusto mo akong makita, tawagan mo lang ako. Dahil ako. Sobrang gusto kitang makita.

Nagmamahal,

Mikasa Ackerman

P.S.

Kaarawan mo bukas. Alam ko yun dahil lagi kitang pinagwiwish sa tuwing dadarating ang kaarawan mo. J

Matapos kong mabasa ang sulat. Hindi pa rin ako makapaniwala. Makalipas ang 5 taon ay maalala niya pa ako. Dahil hindi ko na inaasahan na maalala pa niya ako. Tinawagan ko agad ang numerong binigay niya.

"Good morning. Si Mikasa ba itong nasa linya. Si Zach Jaeger ito, malapit niyang kaibigan"

"Magandang umaga po. Ako po ang kanyang tagapag-alaga. Si Nurse Joy po ang aking pangalan"

"Tagapag-alaga? Nasan na siya gusto ko siyang makausap!"

"Huminahon po kayo Mr. Jaeger. Mas mapapaliwanag ko po ang lahat kapag nagkausap tayo nang personal. Imemensahe kop o ang lugar nang tirahan ni Ms. Ackerman. Sana'y makarating po kayo"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Tahanan ko'y IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon