Prologo

168 16 2
                                    

Black Matter...

Salitang ingles na ayon sa aking guro sa Kasaysayan ay katawagan ng siyensiya sa bagay na nagkokonekta sa lahat na bumubuo sa kalawakan. Teoryang hindi mahanapan ng matibay na paliwanag kung paano nito napag-uugnay at napag-hihiwalay ang mga bagay na paikot-ikot sa kalawakan.

Ayun sa ginawang pag-aaral sa larangan ng astronomya, ang black matter ay kasa-kasama natin palagi. Sa paglalayag sa karagatan, paglalakad sa mabatong daan, pagtatanim sa bukid at maging sa pagtulog. Wala pang ipinanganak na henyo ang nakapaglatag ng totoong anyo ng black matter ngunit iisa lamang ang malinaw para sa lahat, ito ang sentro ng balanse sa kalawakan. Ang pinakamalaking misteryo sa ating paghinga na pinanatiling palaisipan sa mga nilalang na uhaw sa bagong kaalaman.

Pinukaw umano nito sa ilang siglong pagkakatulog ang nakaraan. Ang bagay na hanggang ngayon ay nakahilera sa listahan ng may malaking kontribusyon sa silid aklatan ng bayan ng Kroza. Maliban sa hanay ng astronomya, may mga librong pasok sa kasaysayan ng nakaraan na nagtatalakay ng isang lugar na tinatawag din na Black Matter. Kagaya ng pagkakasalaysay sa paraang agham, sentro rin ito ng lahat.

Marami itong bersyon na isinalin ng limang salin-lahi at isa rito ang pinakamatandang bersiyon na tinawag ng matatanda na sinumpang libro at may pamagat itong "Alamat ng mangkukulam". Punit ang kalahating parte ng libro at tanging mababasa rito ay ang itaas na bahagi ng pahina na nagsasabing may isang hibang na mangkukulam na sumumpa ng limang tribu at pumaslang ng tatlong hari kapalit ng susi patungo sa sentro ng kalawakan, ang Black Matter. Pagkatapos noon ay hindi na malinaw ang mga pahina at nilalaman dala marahil ng katandaan nito. Katandaan na parte ng nakaraan at nakaraang hindi ko akalaing patuloy na pagbabayaran ng kasalukuyan.

Bawat tribu't pamilya ay may istorya. Bawat istorya may kaniya kaniyang paraan ng pagtalakay ng pangyayari. Maaaring may naiiba at naidudugtong ngunit sa aking bersyon, tutubusin ko ang pagkakamali sa bawat tabas ng pluma ng kasalukuyan upang mailigtas ang bersyon ng susunod na henerasyon.

Ako si Renzi at ito ang kwento ng Kroza..


Reference:
©Discovery Channel
—The Theory of Dark Matter was under the documentary of a TV program, How Universe Works.
©Photo
—Google

The Black MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon