Chapter 14

97 8 0
                                    

Nasa byahe pa kami ngayon dahil sobrang layo ng Moalboal. Kailangang 5 lugar ang dadaanan niyo para makarating ng moalboal at nasa Barili pa kami ngayon. Ang dadaanang lugar kasi ay Mantalongon, Barili, Dumanjug, Ronda at tsaka Alcantara. At nasa barili pa kami ngayon.

Medyo tumahimik na kami ngayon dahil napagod. Meron namang nag-uusap pero mahina lang. Biglang tumonog ang cellphone ni Reigna.

"Hello Ate Di. Oo nandito. Papalipatin mo jan? O sige²" at binaba niya ang cellphone. Magtatanong sana ako ng bigla siyang magsalita."manong e'hinto mo raw ang Van" tumango naman si Manong at huminto.

At bigla ring huminto ang van na sinsakyan nila Kim. At lumabas si Momshie Divine. Kasama si Katey. Agad ko namang binuksan ang pinto at lumabas.

"Ano pong problema Momshie?" nakakunot ang noo kung tanong.

"Ahm wala naman hija. Mag swap kayo ni Katey. Ikaw na sa sinakyan namin. At si Katey na jaan" at matamis pang ngumiti si Momshie.

Napa-awang naman ang bibig kong nakatitig sa kanya."Pero Momshie pano si Kat--,,..."

"Aysus malaki na yan. Nanjan naman si Reigna. Tara na pasok na tayo"

Hinigit niya ako papunta sa sinasakyan nila. At nang lumingon ako sa sinasakyan ko kanina ay pumasok na si Katey at ngumisi siya sa akin.

Pag dating namin ay agad binuksan ni Momshie at pinatabi niya ako kay Kim at tumawa lang siya. Siya naman ay umopo sa front seat katabi ng driver.

"Hmmm anak feel better now?" may halong tuksong sabi ni Momshie kay Kim.

Ngumisi naman siya at nakatingin lang sa bintana."What are talking about Mom?"

"Hmmm hahaha kinilig ako sa inyo. Ang cute niyo lemme take you a picture" kinuha niya ang cellphone sa bag niya at itinutok niya ang camera sa aming dalawa ni Kim."one....two...three smile" nag smile naman ako.

At na click na yung camera. Bumuntong hininga naman ako. Panay tili ng Mommy ni Kim sa picture namin. Di ko ma explain anong nararamdaman ko dahil mag katabi kami ngayon. 3 lang kaming babae ngayon rito kasama na si Momshie. Kinalabit naman ako ni Joanna na katabi niya yung boypren niya at kaibigan ng boypren niya.

"Ayiiieeekkkk" mahina niyang bulong at tinaas-taas niya ang kilay niya.

Umirap lang ako at tumingin sa bintana. Ganon rin si Kim sobrang tahimik naming dalawa. Ang mag ingay lang sila Joanna lang sa likod. Di ako sumali sa usapan nila. Minsan naman ay sumabat si Kim sa kanila.

Panay tingin ko sa mga view at mountains na nadaanan namin. Minsan kinuha ko ang cellphone ko binuksan ang bintana at kinuhaan ng pictures ang magandang tanawin. May space ang upoan namin ni Kim dahil dalawa lang kami. Sumiksik ako sa may bintana dahil nahihiya ako.

Dahil sa sarap ng hangin ay nakapikit na ako ngayon dahil sa antok. Di ko alam kong sino yung humawak sa buhok ko at ni lagay sa tainga ko. Kaya binuksan ko ang mata ko. At nanlaki iyon. Agad akong napabangon dahil sa hiya. Uminit ang pisngi ko.

"I'm sorry di ko namalayan na naka higa pala ako sa lap mo sorry ta--talaga" nauutal ko pang sabi. At umayos sa pagkaupo.

"Hihihi don't be sorry hija ang cute niyo nga eh" kinilig pang sabi ng Mommy ni Kim.

"Mom stop it, mas lalong nahiya si Zaya dahil sa inyo" pigil ni Kim sa Mommy niya.

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now