Nagkatitigan kaming dalawa mula ng Ako ay kanyang hinila sa aking kamay papalapit sakanya.
Mga ilang minuto kaming hindi nagkaimikan, Ako'y Nakatingin sa kanyang mapupungay na mata pero ito ay malapit ng lumuha.
"Seven can i tell you something?" saad ni marga.
Napalunok ako ng mariin, dahil ako ay kinakabahan kung mayroon ba akong nagawang mali.
"S-sure what is it?" saad ko.
Bigla na lamang Tumakas ang mga luha nya sa kanyang mga mata at ako ay tuluyan na kinabahan kung ano nga ba ang aking nagawang mali.
"Sev, I'm sorry". dahilan na pagyakap nya sakin ng mahigpit at pagtuluyan na pagpatak ng kanyang mga luha.