Kabanata 25

3.7K 183 23
                                    

Parang tumigil ang oras, maging ang pagtibok ng aking puso ay parang nagulat.

"Ayos ka lang ba celestine?" Bulong na tanong sa akin ni elena.

Bayolente akong napalunok bago ako napatingin sa kanya at dahan dahang tumango.

"Oo, ayos lang" paninigurado ko sa kanya.

Magkakasabay na umakyat ang mga buenaventura kasama sina mr. Fagen at ang pekeng celestina.

Habang paakyat ito ng hagdan ay hindi ko maiwasang hindi mapatulala sa kanya. Sobrang kisig ni ginoong antonio, ang kanyang tindig ay lalaking lalaki din. Plantsadong plantsado ang kanyang suot. May katangkaran din ito.

"Ang gwapo talaga ni ginoong antonio, infairness" pangaasar sa akin ni elena.

Napabalikwas kami pareho ng bigla kaming hinarap ng pekeng celestina.

"Ano pang tinatayo tayo niyo diyan? Ayusin niyo na ang hapag" masungit na sabi niya sa amin pero sa akin siya matalim na nakatingin.

Napalunok ako pero hindi ko inatrasan ang tingin ni felicia, nakipaglaban ako sa kanya. Hanggang sa tinawag siya ni donya consolacion.

"May problema ba diyan celestina?" Malambing na tanong nito.

Kaagad na tumamis ang ngiti ni felicia. "Wala ito donya consolacion, kinakausap ko lang ang mga kasambahay na ayusin ang hapagkainan" sabi pa nito.

Kaagad niya kaming tinalikuran para lapitan ang mga ito na ngayon ay nasa may salas na. Naikuyom ko ang aking kamao. Kung hindi niya lang hawak anh aking mga kapatid at si cedes ay paniguradong hindi ko siya aatrasan. Alam ko na ngayon, naiintindihan ko na kung bakit hinayaan ni celestina na gamitin ni felicia ang kanyang pagkatao.

Hindi sila basta basta kalaban. Hindi sila takot pumatay ng tao. Basta at makuha lamang nila ang kanilang gusto. Masyadong makasarili ang magamang fagen.

Habang matalim ang tingin ko kay felicia ay hindi naiwasang nahagip ng aking mga mata si ginoong antonio, nakatayo ito sa katabing upuan ng kanyang mga magulang. Ang kanyang dalawang kamay ay nakatago sa kanyang likuran.

Biglang nanlambot ang aking mukha, humupa bigla ang galit dahil sa pagtingin nito sa akin. Maya maya ay tinanguan pa niya ako at nginitian kaya naman halos mapasinghap ako. Kaya naman tuloy imbes na ngitian siya pabalik ay kaagad ko na lamang hinila si elena papasok sa may kusina.

"Oh bakit ka ba bigla biglang nanghihila? Nakikipagmatamisan pa ako ng tingin kay ginoong simoun eh" pagrereklamo niya sa akin.

Naglakad ako ng pabalik pabalik sa kanyang harapan kaya naman nagtataka itong nakatingin sa akin.

"Ano bang nangyayari sayo lestine?" Tanong niya pero halos manginig ang kamay ko.

"Hindi ko alam" natatarantang sabi ko sa kanya at pilit na pinakalma ang aking sarili.

Nilapitan ako ni elena tsaka niya ako hinawakan sa aking magkabilang balikat para iharap ako sa kanya.

"Lestine..." may pagbabantang tawag niya sa akin.

"Si ginoong antonio...nginitian niya ako" alanganing sagot ko sa kanya kaya naman kaagad na napahagalpak ng tawa ito.

"Kinikilig lang naman pala ang luka!" Natatawang pangaasar niya sa akin kaya naman kaagad na naginit ang aking pisngi.

Kaagad kong hinampas si elena dahil duon. "Hindi mo naiintindihan elena, hindi tama ito...hindi ko pwedeng maramdaman ito" pagpapaintindi ko sa kanya.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon