Chapter 32 - Sky Cruisin'

2.4K 102 42
                                    

Warning: Longer than usual

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Warning: Longer than usual...

Dio Mondragon

Alas-tres na ng madaling araw, kakauwi ko lang sa aking pad. Pagbukas ko ng pinto ay agad kong tinawag si Sky.

"Babe I'm home!"

Iniwan ko ang aking coat sa sabitan at nilagay ang sapatos ko sa rack. Nang mabuksan ko ang ilaw ay dun ko narealize na wala pala si Sky dito.

"Hayyys, I miss you so much baby ko"

Tinignan ko ang aking cellphone, hindi pa nagmemessage ang lokong yun ngayong week na ito. Andami ko nang message sa kanya pero di pa niya nakikita. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon dun at pinaliwanag naman niya sa akin.

Luminga-linga ako sa paligid, andaming nagkalat na tissue paper.

"Manang? Nandito ka ba?" walang sumagot. Simula kasi ng umalis si Sky ay pinahiram muna ni Dad si Manang Tess sa akin, pumupunta siya pag umaga upang maglinis at atupagin ang laundry ko at para narin asikasuhin itong mga baby doggo's ko. Umaalis din siya pag gabi na pero minsan ay dito narin siya natutulog pag alam niyang busy ako sa ospital.

"Nak nak teteng naman oo, DRACO!"

Naka-ilang tawag din ako bago may tumahol at tumakbo sa gawi ko. Talon siya ng talon sa paanan ko kaya naman binuhat ko na ito. "Bad boy, such a bad boy" dinilaan niya lang ako sa mukha. "Yuck"

Maya-maya pa ay may isa ulit na lumapit sa akin, paika-ika man ito ay gusto ring magpalambing. "Hey baby girl Shio" tumahol din ito. Oo dalawa na ang baby doggo namin, napulot ni Sky si Shio sa isang bakanteng lote malapit sa Family House namin. Sugatan ito noon at parang nagulungan ang mga paa - isa itong Samoyed Puppy. Si Sky mismo ang nag-opera dito na akala mo naman ay isang eksperto sa veterinary medicine. Kasama niya noon si Sab at sa AMR 6 nila ginawa ang procedure. Galit na galit noon si Doc Albert dahil mas inuna pa ni Sky ang pag-opera sa aso kesa sa pag-iintindi sa revalida niya.

At heto ako ngayon, hawak hawak ang dalawang aso sa aking mga braso habang sarap na sarap sila sa pagdila ng aking mukha. Nakatayo ako sa harap ng sofa at nagbubuntong hininga. Hanggang sa mapangiti nalang ako, na para bang bumabalik ang mga ala-ala nung mga araw bago lumipad si Sky pa ibang bansa.

10 months earlier:

Prime Corals Residences

Nakaupo ako noon sa sofa at nagbabasa ng isang Journal habang si Sky naman ay nakaunan sa aking mga binti at abala sa pagrereview para sa kanyang revalida. Yung isang kamay ko ay nakahawak sa journal habang yung isa naman ay humahawi sa buhok ni Sky.

"Dio"

"Yes baby?"

"I think I messed up"

"It's ok, love parin naman kita"

I saw how his eyes rolled.

"Limang araw na ang nakakalipas pero wala pa akong message na natatanggap mula sa screening committee ni ha ni ho wala. Kahit naman sana rejection letter ok na yun"

One in a Million Chances (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon