Chapter II

58 3 0
                                    



Eurydicé
[Flashback]

Ultimate crush ko talaga si Orpheus. Hay nako bakit ko nga ba siya crush?

"Inlove ka."

"Ha? umayos ka nga Psyche! kung ano ano nalang yung sinasabi mo eh, kumain ka na nga lang" Natatawang saad ko kay Psyche pero may part sa akin na kinakabahan. Sa lahat ng kaibigan ko, si Psyche ang hindi ko maloloko.

Naka poker face parin siya sa akin.

"Matagal ko nang sinabi sayo diba na hindi mo ako maloloko" Sabi niya habang nakatingin sa akin ng deretso habang wala paring expression yung mukha niya. Nandito kami sa canteen kumakain, kami lang dalawa ni Psyche dahil magkasama ngayon si Artemis at Hestia, ewan ko kung saan na lumandi ang mga yun.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan Psyche, nakakaloka ka na ha"

"Inlove ka kay Orpheus. Siguraduhin mo lang na hindi ka mahulog sa kanya ng sobra dahil pareho naman nating alam na masasaktan ka lang" Seryosong sabi ni Psyche at nagsimula nang kumain.

Napayuko ako sa sinabi niya. Alam ko naman na masasaktan talaga ako. Ganon naman ata sa pag ibig diba? masasaktan at masasaktan ka talaga.

"Paano mo naman nasabi na inlove ako sa kanya?" Tanong ko ulit kay Psyche.

"Halata naman sa mga mata mo eh. Makita mo lang si Orpheus bigla nalang mag spark ang mga mata mo. Babala lang Eury ha? ayaw kong masaktan ka pero wala naman tayong magagawa doon, sana lang ay hindi dadating ang panahon na iiyak sa harapan namin habang sinasabi mong nasasaktan ka" Sabi ni Psyche. Kahit naman may pagka maldita at mahangin ang babaeng ito ay ayaw niya rin naman na umiyak ako.

Pero anong magagawa ko?

[End]

Artemis

Nakataas ang kilay ko habang nakatingin ako kay Eury na nakatulala sa pagkain niya. Dalawang bagay lang ang dahilan kung bakit siya tulala.

Una, may iniisip siyang mga nonsense na mga bagay.

Pangalawa, iniisip niya si Orpheus.

Kung ako ang tatanungin, I'll go with the number two kasi halata naman sa expression ng mukha niya. Inlove na inlove talaga siya kay Orpheus. It's been one week noong nalaman namin na magka klase sila.

Ibinaling ko ang paningin ko kay Psyche na nasa harapan ko. Actually magkatabi kami ni Hestia at nasa harapan namin si Psyche at Eury.

Tinaasan ko ng kilay si Psyche at ibinaling ko ang tingin ko kay Eury na kulang nalang ay ang umiyak. Napansin naman agad yun ni Psyche at kahit si Hestia ay napansin yun.

"Eury" Tawag ko sa kanya.

"Eury" Ulit ko. Umikot ang mga mata ko dahil hindi parin niya ako pinapansin.

"Eurydice!"

"Ay! Orpheus" Gulat niyang sigaw. Tumaas ang kilay ko sa kanya at tinignan naman niya ako na may halong pagtataka.

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon