-Ikauna-
Reena Jean Velasco
"Jean, anong gusto mong kainin?" Tanong sa'kin ng katabi ko.
"Anything, basta nakakabusog," sabi ko na lang tsaka binuklat yung libro na hiniram ko sa library.
Nandito kami ngayon ni Rhys sa cafeteria at kasalukuyan siyang bumibili ng food na kakainin namin, habang ako ito nag-aaral.
Malapit-lapit na rin pala iyong first exam namin, nakakastress lang dahil nitong mga nakaraan sobrang busy namin sa paggawa ng research title.
Nakakatamad mag-aral kapag stressed.
"Ito oh, kain ka na dali baka magutom ka niyan!" Sabi niya sabay lapag nung binili niyang sandwich at bottled water.
Sandali akong napatingin kay Rhys...
Nakita ko naman na nagtataka siya dahil napatingin ako sa kaniya.
"Bakit Jean? May dumi ba ako sa mukha?"
I heave a sigh bago ako nagsalita.
"Hindi wala, naisip ko lang na ang swerte ko sayo. Ang swerte ko kasi of all people God gave me you as my bestfriend," sabi ko at parang gusto kong maiyak... "Kahit na minsan nakakainis yung ibang taong hindi nakakakilala sa atin kasi, pinagkakamalan nila tayong magboyfriend, girlfriend still hindi ka nag-isip na iwan ako," after saying those words, tuluyan na ngang pumatak ang luha ko.
Medyo nagpanic naman siya.
"Jean ano ka ba! 'Wag kang umiyak mamaya isipin nila, I made you cry!" Sabi niya at inabutan akong tissue. "Alam mo Jean, I'm always here no matter what okay? I can be your father, brother aside from being your bestfriend because I love you..." He said as he held my hand.
Grabe, ang swerte ko lang talaga na si Rhys ang naging kaibigan kong lalaki. Though nandiyan si Kelly na bestfriend ko rin pero iba kasi si Rhys. He treated me like his sister talaga. Sobrang maalaga niya kasi sa'kin tapos may mga times pa na one call away lang talaga siya.
"Sorry, I just can't help," sabi ko naman at pinunasan na yung luha ko gamit yung tissue na binigay niya.
"Hahaha! Ano ba 'yan Jean hindi bagay umiyak sayo. Look! Tumutulo ang uhog mo," sabi niya ng sobrang tawang-tawa.
Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Hays kahit kailan talaga 'to!
"Eh ikaw kasi eh, by the way nag-aral ka na ba?"
"Yes ako pa ba?" Sabi niya at nagwink pa.
Tignan mo 'tong isang 'to, napakayabang talaga!
"Edi ikaw na"
"Ikaw bakit kasi nag-aaral ka pa? Eh kayang-kaya mo naman sagutan 'yon kahit hindi ka na mag-aral," he said and smiled.
Hindi ko alam kung compliment ba 'yon o pang-uuto lang eh.
"Kailangan ko mag-aral 'no! Tsaka si ano kasi inaaya niya ako sa kanila mag-aral," sabi ko at umiwas ng tingin.
"Si Dapter?" He asked.
I nodded.
Biglang nagbago yung reaction niya. From smiling to I don't know lungkot or pagkadismaya?
But anyway, I used to that. Actually nitong buong week ngayon na lang ulit kami nagkasama ni Rhys since si Dapter talaga ang lagi kong kasama. Naiintindihan naman ni Rhys iyon dahil alam niya kung gaano ko kamahal ang boyfriend kong si Dapter. Siguro nalulungkot lang siya dahil nga minsan ko lang siya makasama at alam ko naman naiintindihan niya 'yon dahil alam kong supportive siya sa lovelife ko.
"Rhys..."
Agad naman siyang napatingin sa akin.
"Sorry ah, kasi lately konting oras na lang tayong nagkakasama dahil sa kaniya. Don't worry babawi ulit ako sayo," sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya.
Hindi na bago sa'min ang maging sweet ni Rhys kaya rin siguro napagkakamalan kaming may relasyon minsan ng mga taong 'di nakakakilala sa amin.
I saw that he's now smiling.
"It's okay, I understand. Alam ko namang masaya ka kapag nakakasama mo siya kaya masayang masaya na rin ako kasi nakikita kong masaya ang bestfriend ko," sabi niya at ngumiti ng malawak.
Iyan ang isa sa mga nagustuhan ko sa kaniya. Kaya talagang 'di ako nagkamali na gawin siyang boy bestfriend ko dahil sinusuportahan niya talaga ako sa mga bagay-bagay.
Most of the time kasi, indecisive ako sa mga bagay na hindi ko alam kung makakabuti ba sa'kin kaya thankful ako kasi nandito siya para gabayan ako.
"Thank you talaga," I said and hugged him.
Pagdating sa bestfriend ko, lalaki man o babae 'di ako nahihiyang maging clingy even in public places. I just want to express my love for them.
After that, bumalik na kami sa classroom since we're classmates.
We are currently in our senior high. And graduating na kami.
Pagdating namin sa classroom saktong nandoon na yung teacher namin sa philosophy.
He just gave the pointers na kailangan naming aralin for the upcoming exam at binigay niya na lahat ng oras niya para makapagreview kami.
"Bessy!" Tawag sa akin ni Kelly sa likod ko.
"Uy Kelly!"
"Bessy, ano na? Manonood ba tayo mamaya ng game ng boyfriend mo?"
Oo nga pala, hays nakalimutan ko. Masyado kasing overload yung utak ko dahil sa mga subjects na nirereview ko.
Magsasalita pa lang sana ako ng bigla siyang magsalita.
"Don't tell me you forgot? Oh my! Akala ko ba love mo 'yon?"
"Oo naman love ko 'yon, it's just that medyo nawala lang sa isip ko. At tsaka oo naman manonood tayo, kasi magtatampo 'yon kapag wala ako doon."
"Ayun naman pala, so after class diresto tayo ah?"
Minsan hindi ko maintindihan si Kelly eh. Minsan mas excited pa siyang makita si Dapter kaysa sa akin na mismong girlfriend.
"Kasi you know, hindi pwedeng palagpasin ang game ng husband ko don!" Sabi niya at nagdaydream.
Biglang nanlaki yung mga mata ko. What the?!
"Seriously Kelly? Bakit 'di ko alam?"
"Ih kasi naman masyado kang busy sa kaibigan mong si Rhys, minsan nga nakakatampo na, e. Kaya 'yan tuloy you're not even updated sa lovelife ko," sabi niya at umaktong kunwaring nasasaktan.
Hays. Ang laki talaga ng pagkakaiba ng pagkakaroon ng boy bestfriend sa girl bestfriend. I cannot.
"Kelly tumigil ka nga! You're my bestfriend 'wag ka ng magtampo. Sorry na, pero sino ba kasi yung tinutukoy mo?" Sabi ko naman. May natitipuhan na pala 'to hindi ko man lang alam.
"Ih si number 28," she said then I saw her blushing.
Omg.
"Kaya naman pala gustong-gusto mo manood ng game nila ha," sabi ko at tinusok ko siya sa tagiliran.
Crush nga pala niya yung teammate ni Dapter. Kaya naman pala.
"Yeah, so tara ah?"
I just nodded. Namiss ko rin kahit papaano si Dapter kahit isang araw lang kaming 'di nagkita dahil nga nagpractice sila sa gym.
And mamaya makikita ko na ulit siya, I'm so excited.
YOU ARE READING
Just The Two of Us
Teen FictionBeing in love is so much complicated. Do you really believe that you're destined with someone else you really love? What if there is also someone else believed that you're destined with him? Does destiny would look on your way or rather his wish?