Blove (12)

163 7 0
                                    

Blove (12)

Nakapagmove-on ka na ba?

Ang sarap sabihing oo. Pero kahit anong pagkukumbinsi mo sa iyong sarili o sa ibang tao lumalabas pa rin ang katotohanan sa isip mo. Dahil kapag nag-iisa ka na lang minamahal mo pa rin ang mga ala-ala ninyo, ang mga masasaya o masasakit na ala-ala. Niyayakap mo pa rin ang mga hindi inaasahang kaligayahan na tinamo mo sa kanya, hinahalikan mo pa rin ang pagmamahal niyang naglaho na.

Kung sa bawat paghinga mo siya ang may dahilan nito, kung sa bawat pag tingin mo sa iyong cellphone text niya ang hinihintay mo, kung sa bawat lugar na pinupuntahan mo kusang bumabalik ang mga ala-ala ninyo at kung sa bawat pag ngiti mo lungkot ang nasa katotohanan nito. Mahirap siyang kalimutan kung buong buhay at oras mo inilaan mo na sa kanya, masakit tanggapin ang katotohanang wala na siya sa iyo, hindi mo na hawak ang puso niya at lahat ng mga pinagsamahan niyo ay mananatili na lang ala-alang pilit mong kinalilimutan.

BloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon