Ako si Lucy, 15 years old, senior student from 13th High School at isang side character.
Mahilig ako sa mga romance stories, lalo na kapag shoujo manga or anime. Gusto ko yung mga story na nakakakilig, yung mararamdaman mo na tumitibok talaga yung puso mo. Yung bigla ka na lang mapapangiti hanggang tenga dahil parang naramdaman mo yung scene. Basta yun na yun.
Kaya naman di ko maiwasan na i-compare ang real life sa mga love stories na binabasa ko. Binibigyan ko ng role bawat makita kong interesting na tao. And right now? Complete na ang cast ng story ko.
Si Shirley, 4th year student din but from the other section. Maganda, matalino, mabait at friendly. Lagi syang kasama sa mga honor students, active sa school programs and very down to earth. Sya ang epitome ng mga shoujo heroine.
Syempre kung may heroine, kaylangan nya ng love interest, or simply, a hero. Si Kyle, classmate ko, madaming may crush sa kanya (sa mga naririnig ko lang), MVP ng basketball team, with looks, matalino (lalo na sa Math), "Prince" ng school namin.
To keep the story going, may villains din. For the "bitchy" character, Jeanelle got it. Sa class ko rin sya. Sya yung tipo ng girl na di makakaalis ng bahay nila hangga't di sya naka makeup, complete accessories, may matapang na perfume at madalas laman ng guidance office for inappropriate attire. But don't get me wrong, di lang sa appearance ko binebase ang role nila but from my own observation (and some rumors too).
Present din sa story ang best friend ng hero na may secret crush sa heroine, si Michael. Always kabuntot ni Kyle, "Mr. Nice Guy", madaming connection in every year and class. Sa ibang class sya pero laging nasa room namin tuwing break time.
At kung tatanungin nyo kung anong role ko? Isang side character. Hindi ako pwedeng maging best friend ng heroine na laging takbuhan nya tuwing may love problem sya dahil ako yung tipon ng tao na di marunong mag-advice.
*Insert memory from my Freshmen year*
School Canteen. 3 girls kaming nakapalibot sa isang girl na umiiyak.
"WAAAAH! Sabi nya break na daw kami! Mas gusto daw nya si Girl 5" sabay hagulgol ni Crying girl.
"Tama na Crying girl, he doesn't deserve you." Comfort ni Girl 1.
"Oo nga, mas maganda ka kaya kay Girl 5. Right Lucy?" Sang-ayon ni Girl 2 while dinamay pa ako.
"Ah. Oo naman yes syempre." awkward kong sagot. Ano pa bang sasabihin ko? Nakatingin silang tatlo sakin na parang inaanticipate nila na may maganda akong sasabihin. Ah bahala na.
"..Ri..right..um.. Di ka naman mamatay kung magbreak kayo diba? Isa pa, kabata bata mo pa, yan agad inaatupag mo? Mahiya ka sa parents mo!" I blurted out.
BINABASA MO ANG
13th High's Paranormal Club
Teen FictionJoin Lucy's mishaps (and possible romance) as she got involved in the secret Paranormal Club of 13th High School.