Kabanata 10

247 5 0
                                    

Happy reading momsh 😘

Jennie Sarang

Madilim-dilim pa sa labas ng magising ako, hindi naman kami nagpuyat kagabi dahil salitan lang ng araw ang pagpitas.

Tulad ng madalas kong gawin bago simulan ang anumang nag-aantay na gawain para sa araw na ito ay inasikaso ko muna ang sarili ko: nagsuot ng bra, nagsuklay ng buhok, naghilamos at toothbrush, umihi at maghugas.

So whatever goes ahead, I am confidently beautiful with the heart to face it. May mga babaeng naging mama lang nakalimutan na ang sarili. Dapat hindi ganun. Paano ka magbibigay ng bagay na wala ka? Oo priority mo na ang anak mo pero huwag mong kalimutang mahalaga ka rin.

Kahit ang limang iyon lang ang gawin mo bago magsimula ang araw, malaking bagay na iyon... Huwag isiping waste of time iyon, isipin mo na lang nalate ka ng gising.

Matapos kong uminom ng kape ay maaga akong tumungo sa ilalim ng manggahan para tumulong sa paglinis ng sukal, isa ito sa paraan para magkaroon ng maraming ani ang mangga na pwedeng ibenta.

Lahat ng tuyo na dahon at hilaw na damo o halamang gubat ay pagsasamahing sunugin sa paraang usok lang ang lalabas at hindi apoy. Ang usok ang magsisilbing taga pagbugaw o itaboy ang mga insekto na madalas dumapo sa bunga ng mangga tulad ng hopper.

"Wow ang sosyal naman niyan Jennie! Kailangan talaga naka-gloves pa?" Biglang sulpot ni Keith pangit sa harap ko habang naka-upo akong hataw magbunot ng dalupang.

Mabuti na lang talaga at umulan kahapon saglit dahilan ng paglambot ng lupa kung hindi aray ko po! kung ngayon ngang malambot na humahapdi pa ang mga palad ko, ewan na lang kung matigas pa, malamang papalatos naman ang kamay ko sa gulok kung magtabas ako.

"Natural! Gusto mo pa atang matulad ang mga palad ko sa palad mong puro kalyo." Nakangisi kong sagot

"Hoy ate! Masipag ang palad na may kalyo!" Mabilis niyang sagot at mabilis din ang takbo ng pag-iisip kong napasulyap sa kanya sabay tingin sa pagitan ng hita niya bago napangiting yumuko at nagpatuloy sa pagbunot

"Grabe! Iba naman ang naisip niya. Ang aga pa minamanyak mo na naman ako. Kung kailangan mo ang katawan ko, magsabi ka lang willing naman akong pagbigyan ka." mahangin nitong sabi na ikinawala ng ngiti ko kapalit ng pag usok ng ilong at taenga ko sa narinig.

"Woah! Iyan ba ang tingin mo sa akin?" Masama ang tingin kong ini-ukol sa kanya, agad naman siyang nakataas ng dalawang kamay

"H-hindi iyon ang ibig kong sabihin jen-jen. Ikaw kasi ee!" Pabulong ng huli niyang sabi

"Ano palang ginagawa mo rito?" Usisa ko

"Magbubukas ng pintuan ng langit."

"Huh?" Napatanga ako sa sagot niya na ikinatawa niya naman, batuhin ko nga ng damong hawak ko

"Ako ang magti-trim ng sanga sa gitna para makapasok ang sikat ng araw sa loob at makapag-ani ng maraming matamis na mangga." Tumango ako bilang pagtugon. Isa rin kasi iyon sa technique ng hitik sa bunga na may quality.

"Huwag titingala ha? Mamaya di ko namalayan binubusuhan mo pala ako." Dugtong niya pa

"Woah! Hiyang-hiya naman ako sa iyo!" Irap ko sa kanya at ipinagpatuloy na ang ginagawa, kailangan kong matapos ang qouta ko ngayong araw: isang puno isang araw, para isang linggo lang tapos na ito.

Pitong puno ng mamalaking puno ng mangga na ini-spray-han nila ni manong Saming at tatay ang naglinis nito last year kaso inatake ng uric niya, namaga ang mga paa kaya ngayon problemado ang nanay ko.

Woo Hot Mama (Momshie Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon