Things You Should Know

2 2 0
                                    

Love... Pag-ibig... I don't even know the meaning of that, kahit pa nga ata sa tagalog. But that was before, maybe six years ago? Ewan.

Six years ago, I was just sixteen and still exploring my childhood days. Tipong neneng days, gano'n?

I first felt a crush on someone when I was on my sophomore year. He's name is Evan. I first met him when my grandmother brought me at the church, church ministry kasi noon ang lola ko (gatherer).

Sa pag-aalay ko siya unang nasilayan. Napa isip pa nga ako ng "sa simbahan ka pa lumadi!" I don't know, but I got attracted at him on the first look. The smiles, the seriousness, his tanned skin color and the style. Kaya nga no'ng may pagkakataong nangailangan ang simbahan ng mag se-serbisyo agad kong kinausap ang lola ko na gusto kong mag alay ng serbisyo sa simbahan at sa panginoon, natuwa siya at agad akong ini-rekomenda kay Father.

Halos isang linggo din ang itinagal ng training para sa pagiging gatherer, pero hindi ako nag-reklamo dahil araw-araw ko naman siyang nakikita.

Umabot  na sa point na tipong obsessed na ata ako sa kanya kasi lahat inaalam ko? Naging close din naman kami dahil sa mga event at gatherings na nagaganap sa labas at loob ng simbahan ang kaso, hindi ata talaga kami meant to be. Third year highschool na ako, crush ko pa din siya pero wala namang ganap kaya kusa na akong nag give up at hindi na um-attend ng mga pag se-serbisyo sa simbahan dahil naging busy na din ako sa pag-aaral.

Napansin kong kusa na lang nag-fade yung pagkaka-crush ko kay Evan kaya hayun, kung sino nalang ang gwapong makita sa campus yun na lang ang sinusundan.

Mag e-edad naman na akong labing-pito ng makilala ko ang una kong naging kasintahan. Partida, sa lamay pa ng lolo-lolohan ko. Inabot naman ng ilang buwan bago siya nag-paramdam na may nararamdaman siya para sa akin, uso pa ang sendan ng quotes through text messages noon. AYOKO talagang patulan si kuya ang kaso, talaga namang malakas mangantiyaw ng kaibigan kong si Anne. Pano ba naman, matanda sakin ng apat na taon si kuya.

But my mind said "Try lang natin, wala naman sigurong mawawala, di ba?" Then it happened. July 23, naging kami... Walang ligawang naganap and I wasn't expecting a lot about our relationship kasi I don't really feel anything at all. Awkward pa nga kami nung una sa isa't-isa, eh. Nagulat na lang ako ng tumagal naman ang relationship namin ng more than five months.

Ace is good at playing guitar, he tried to teach me but failed. Kusa akong natuto ng walang nagtuturo sa akin kung paano tumipa ng gitara. May itsura naman si Ace ang tanging bagay lang para sa akin ay ang edad niya. Siguro dahil bata-bata pa ako noon kaya medyo age conscious ako at may age preference.

One thing I love doing when we were still together is, sending him love letters. Ewan ko ba kung bakit... But our relationship got shallow and blur when I was sent to Cavite to cater one of our relative who just gave birth. I don't know but when I got back home from Cavite, di ko na bigla ramdam yung saya pag kasama ko siya. Simple kiss from the cheeks annoys me already and makes me feel fithy. When I felt something was wrong, kusa akong nanlamig kaya parang unti-unti akong nag hanap ng paraan para hiwalayan siya.

He already prefer being with his so called "tropa" nang makauwi ako galing Cavite, kung saan hindi ko inaasahan na papipiliin ko siya between me and his new found friends. He didn't answer all my phone calls, instead he keeps on hanging up and shut his phone down for me to unable to contact him. It took us days to fix the problem, pero sadyang wala na talaga akong maramdamang saya. Should I admit na minahal ko naman siya or napamahal? Kasi yung pakiramdam kong pag mamahal sakanya ay iba. Tipong mag barkada lang...

First week of January. He asked me for a date then I said "Osige ba." Kasi sa isip ko, "Ito na ata yung tamang timing para sa maayos na breakup."
But that date didn't happen dahil nagka-sakit ako. He called me that day of our date and I told him that I can't, I thought he'd understand, but to my dismay... He got mad. I tried explaining things to him but only to fell on deaf ears.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon