Chapter Five

13 1 2
                                    

Kinabukasan

Maaga akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock sa akong tabi. Si-net ko ito ng 7:30 am para maaga din akong matapos sa pamimili ko ng gamit. Sa ngayon ililista ko muna mga bibilhin ko para wala na kong makalimutan pa. Kumuha ako ng sticky notes sa may computer set at isa-isang sinulat dun ang aking bibilhin mamaya.

-20 notebooks
-1 box of black, pink, and blue ballpen
-Pencil
-Marker
-Highlighter
-Tape
-Glue
-Scissors
-4 tablet paper, 4 1/2 crosswise & lengthwise, 4 1/4 sheet of paper
-Case (long & blue)
-Bond paper (long & short)
-Colored paper(long & short)
-Cartolina/Manila paper for reports
-Korean Bag
-Extra notebook for my Diary
-Pouch
-Toothbrush & toothpaste
-Powder
-Perfume
-San Rio, hair clip, garter head band
-Sling bag
-Wallet

Since 5k naman yung perang binigay, siguro kasya na yan dun. Pipili lang ako ng medyo mura. Di ako mahilig mag lipstick dahil natural ng mapula pula ang labi ko.

Pagkatapos ko mag asikaso ay bumaba na ko para makakain. Nagsuot lamang ako ng short at puting v-neck at sapatos na white. Pagkababa ko ay sinalubong agad ako ni Yaya Mirna.

"Ang aga niyo naman Ma'am. Kumain kana po muna bago umalis." Ngumiti ako at tumango at dumeretso na sa dining area. Amporkchop, don't tell me..

"Good morning iha, upo ka. Sumabay kana samin" sabi ni Mayor

"Ah hehe, mamaya nalang po tuloy ako. Baka may magalit nanaman." Pagpaparinig ko sa lalaking nasa side na mahinhing kumakain ng agahan.

Napatingin naman siya agad kaya umiwas ako ng pagtingin at tinignan si Mayor.

"Naku Joyanne, ako bahala."

"Ah okay lang po ako. Mama--"

"Sumabay kana daw saamin diba? Bat ba ang kulit mo?" Nag make face ako kaya natawa si Mayor

"Sorry po Mayor."

"Hahaha ewan ko sayo iha, tara na't sumabay kana samin" sabi ni Mayor kaya naupo na ako. Naupo ako malayo sakanya. Baka kung ano pang masabi niya eh.

Nagsimula na akong kumain ng hotsilog. Paborito ko to eh. Anong pakialam ko kung may chicken o baboy, basta eto gusto ko. Matapos kong kumain ay bumalik ako sa taas at nagsipilyo ulit. Pagbaba ko ay tinawag ko si Yaya Mirna upang tawagin si Manong Raul para magpahatid na sa Mall. Mag na-9 na din naman. Ang alam ko eh mga 9 bumukas mall dito sa Manila.

"This way ma'am." Iginaya ako ni Yaya Mirna sa parking lot ng bahay nila Mayor. Ang laki talaga neto.  "Manong Raul, hatid niyo na po siya. Samahan mo siya sa pamimili dahil medyo madami dami ang bibilhin niyang gamit.

"Sige,Mirna." Mas matanda si Manong Raul kesa kay Yaya. Si Yaya ay mukhang 36 at si Manong Raul ay 52.

Sumakay na ko ng sasakyan sa likod at binuksan ang tinted na binta para makalasap ng hangin. Puro nalang ako aircon sa loob eh. Nakakamiss din pala lumabas. Habang bumabyahe kami at di ko maiwasang ma-amaze sa lalaki at tataas ng mga buildings dito. Tama nga sila, maganda dito at malawak. Kumuha ako ng mga litrato hanggang makaabot kami sa mall. Pinagbuksan ako ng pinto ni Manong Raul ng nakapark na ng tuluyan at pumasok na kami sa mall. Ang laki dito. Sobrang laki. Hinanap ko agad ang bookstore. Nasa likod ko lang lagi si Manong na akala mo bodyguard. Hyyy. Hinayaan ko nalang siya at pumasok na sa bookstore at kumuha ng cart para sa mga school supplies. Pagkatapos ay nagbayad na ko at inabot ito ng 1,563.00. Pumunta naman kami sa penshoppe kung saan doon ako bumili ng pabango. Pagkatapos ay sa supermarket ng mall para kumuha ng pulbo at san rio. Ang nagastos ko lahat ay 678.00. Pagkatapos ay yinaya ko si Manong kumain muna dahil nakakaramdan na ako ng gutom. Tinanong ko si manong kung saan niya gusto kumain.

"Kahit saan nalang po Ma'am" sagot niya. Tumango nalang ako at nagtungong restaurant. Pagkapasok at pagkapasok palang namin ay nakita ko agad si Keith na may kasamang 2 babae at isang lalaki. Double date ah? Iniwas ko nalang ang tingin ko sakanila at dumiretso ng counter section. Nag order ako ng 2 B6 set para saaming dalawa ni Manong Raul. May lumapit saaming waitress.

"Table for two ma'am?"

"Yes please."

Iginaya niya kami at amporkchop magkatabi pa table namin nung supladong yun. I do not know lang ah? Kakainis na.

"Hey Manong Raul" sabi ni suplado

"Ay Sir! Sinamahan ko lang po mamili ng school supplies si Ma'am Joyanne."

"Who is she Keith?" Tanong nung babaeng katabi niya na parang higad kung makadikit sakanya.

"Uhm, kasambahay? Ewan. Di ko yan kilala eh." Amporkchop! Ginigigil ako linteeeek na yan!

"FYI, di ako kasambahay. Tumira lang ako sa bahay niyo dahil tutulungan ako ni Mayor sa pag-aaral ko." Sagot ko kay Keith

Tinignan ako nung babaeng katabi ni Keith mula paa hanggang ulo. Kung makatingin tong higad na to akala mo kinaganda niya pagtaas baba ng mata niya. Tinarayan niya ko at humalik sa pisngi ni Keith. Napangiwi nalang ako. Ewwwwwww! Masyadong PDA.

Nang dumating na yung order ay kumain na kami. Habang kumakain ay di ko maiwasang mapatingin kay Keith. Napakalanding Keith. Nagsusubuan at masyadong magkadikit ang katawan. Urgghhh! Apo ba talaga to ng Mayor? Panira naman ng image tong lalaking to. Natapos na din kami kumain at sila hindi pa. Inuuna kasi ang landi buseeeet!

"Sir, mauna na po kami ni Ma'am Joyanne" baling ni manong kay Keith na ngayon ay lumalandi pa. Tumango lang siya at kinuha na ni manong yung ibang mabibigat na gamit ko.

Paglabas namin ay nakarinig ako ng tawanan. Nakita kong naglalagay sila ng icing sa mga mukha nila, parang mga tanga. Nagsasayang lang ng pagkain. Grrr

Sumakay na ko ng sasakyan pag dating namin sa parking lot. Medyo napagod ako ng konti kaya nakatulog ako. Nagising nalang ako dahil sa pagyugyog saakin ni manong hudyat na gumising na daw ako dahil andito na kami. Tinulungan niya ko sa mga gamit ko paakyat sa kwarto ko.

"Salamat po Manong"

"Salamat din po Ma'am at walang anuman." Sabi niya ng may ngiti. I smiled back at sinara na ang pinto. Isa isa kong inalis sa paper bag ang mga pinamili ko at inayos ito. Hayyy salamat! Ang gaganda ng gamit ko. May 2k+ pa akong natitira dito sa wallet na binili ko. 3 binili kong wallet in case na masira ang isa. Itinago ko ito lahat sa drawer ng kama ko. Nakita ko lang na may drawer ito nung may nahulog eh. Binuksan ko iyon at may mga unan, punda, bedsheets, at kumot. Sa kabilang drawer ay walang laman kaya dun ko ito inilagay. Pagkatapos ay nahiga na ko sa kama at nagpahinga.

-keyseecorn💙

Please don't forget to vote and comment mga bebs!

HE'S GROUCHY BUT SWEET (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon