Behind

243 5 7
                                    

There's this young lady who dreamed of having her own story when she was in high school. She kept on writing, thinking of new stories and dreaming.

Until one day, she realized that maybe becoming an Author isn't really for her. Maybe there's something that she can fit in so this girl decided to forget her heart in writing.

But little did she know that after how many years of forgetting her first love and her passion, her heart is wanting her to be back in writing. But then again, she didn't follow her heart because she already engraved in her mind that writing will never be in her favor.

Another years have passed then this young lady found an application named, Wattpad. She doesn't know why there's something in that app that keeps on telling her to install it and so she did.

Nag hanap ng mga mababasa, minsan naman ay hindi nya nagugustuhan ang mga napipili ngunit merong isang libro na pumukaw sa kanyang damdamin. Masyado nyang minahal ang istoryang iyon, katulad ng ibang kabataan, pinag puyatan, kinilig, naiyak at di malimutan ang istorya nang matapos ito.

Bigla na namang umusbong ang kanyang pagmamahal sa pagsusulat. Siguro nga ay kapag mahal na mahal mo ang isang bagay ay hinding hindi mo ito malilimutan. Ngunit kahit anong pag uudyok ng kanyang puso na muling mag sulat ay kinalimutan nya pa rin ito.

Wala na syang tiwala sa kanyang sarili. Nawala na ang kumpyansang napaka tibay noon kaya't nagagawa nyang mag sulat ng mag sulat. Tipong hindi sya pinatatahimik ng kanyang isip dahil sa mga linyang kanyang maidadagdag sa kanyang istorya.

Nanatili syang isang taga hanga ng isang Author. Naging magkabigan sila at naging inspirasyon nya ang angking kagalingan ng Author sa kanyang pagsusulat. Muli, nangarap na naman syang maging isang magaling na manunulat na maraming magbabasa ng kanyang gawa.

Ngunit napakababa na ata ng kanyang tingin at kumpyansa sa sarili kaya't pilit nyang kinalilimutan ang kanyang pangarap.

Nakuntento sya sa pagiging tagapag basa, taga suporta at sikretong nangangarap maging isang magaling na manunulat. Kahit pa maging isa sa mga manunulat ng Wattpad.

Dumating ang araw, nagkaroon ng nobya na sa Wattpad din nakilala. Nangarap din iyon na maging isang manunulat kaya naman ay kanyang sinuportahan. Tagapag gawa ng book cover, tagapag suporta at alalay sa kanyang ginagawa.

Hanggang sa naging sikat ang kanyang mga gawa na syang naging dahilan ng pagkalimot nya sa kanyang pinag mulan at kung sino ang taong tumulong at nanatili sa kanya ng mga panahon na nagsisimula pa lamang sya.

Nag hiwalay sila at nag simula ng umigting ang kanyang pagmamahal sa pagsusulat. Hindi nya na ito mapigilan hanggang sa gumawa sya ng panibagong account at dito ay nag simula ang lahat.

Wala syang ibang inaasahan kundi ang subukan lamang ito. Huling subok, para nag iigting na kanyang pangarap.

Nag sikap itong gawin ang lahat para sa kanyang kagustuhang maging bahagi ng manunulat sa Wattpad. Hindi sya humingi ng tulong na kahit na kanino man at nanatili syang tahimik ukol dito.

Ipinangalan nya ito bilang RealIdentity at ipinangako nyang wala syang pagsasabihan kundi ang pinaka pinagkakatiwalaan na tao sa kanyang buhay kundi ang kanyang pinsan.

Hindi rin nag tagal ay nag bunga ang kanyang paghihirap, nagkaroon ng pwesto sa ranking ng istorya. Nagkaroon ng taga suporta at nag karoon din ng walang sawang tagapag subaybay.

Pag pupuyat, pagod at sariling gawa at imahinasyon ang kanyang pina iral sa pagsusulat. Inspirasyon ang kanyang puhunan.

Galak na galak ang kanyang puso dahil kung para sa iba ay isang napakaliit na bagay lang ng kung anong meron sya ngunit para sa kanya ay isa itong natupad na pangarap.

Kapag ang utak nya ay gumana at hindi sya pinatigil tungkol sa susunod na mangyayari sa kanyang mga istorya ay hindi sya makakatulog dahil kahit pa sya ay nakapikit o kaya naman ay antok at pagod na ay hindi pa rin sya patatahimikin hanggang sa isulat nya ito.

Natatapos nya ang isang chapter sa loob ng isa hanggang dalawang oras. Hinahayaan nya lamang ang kanyang utak ang mag desisyon ng mga kasunod o ang magiging daloy ng istorya.

Hindi nya lubos akalain na marami ang nagkagusto rito. Masayang masaya sya na lumaki ng lumaki ang nagbabasa sa kanyang mga gawa.

Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang narating ay nanatili syang tahimik sa kanyang tunay na pagkatao. Dahil hindi nya alam kung paano at saan sisimulan. Pakiramdam nya ay hindi pa sya karapat dapat dahil wala syang tiwala sa kanyang sarili na kaya nya din maging isang magaling na manunulat.

Hanggang sa puntong sa dinami rami na ng nagbabasa sa kanyang mga gawa ay hindi pa din sya kumbinsido na ang kanyang mga gawa ay magaganda at sya ay may angking potensyal sa pagsusulat.

Marami ang nag tatanong sa kanya ng kanyang social media accounts bukod sa Wattpad. Ngunit hindi nya ito maibigay dahil nahihiya sya sa sasabihin ng mga tao. Baka hindi nya maabot ang expectation ng taong pag bibigyan nya ng kanyang account.

Maraming bagay ang pumasok sa kanyang isipan at isa na doon ang paglalabas ng totoong pagkatao nya sa mundo ng Wattpad, siguro nga ay may panahon para sa lahat ng bagay.

Isang malaking katanungan ang kanyang nasa isip kapag inilabas nya ang kanyang tunay na pagkatao.

Paano kung hindi matanggap ng mga taong sumusoporta sa akin?

Sa loob ng dalawang taon na pagtatago ay dama nya pa din ang suporta ng kanyang tagapag basa. Nakakataba ng puso ang kanyang nararamdaman sa tuwing may mga sumusubaybay na nag lalagay ng comment ukol sa kanilang nabasa.

Sa loob ng dalawang taon ay pilit nyang binago ang kanyang pangalan, edad at katauhan. Ngunit isa lamang ang hindi nagbabago, ang kanyang puso. Ang kanyang mga binibitawang salita sa mga nakakausap nya at nagsasabi sa kany ng problema.

Doon lumalabas ang tunay na katauhan nya. Sa tuwing may taong naglalakas loob na mag sabi at pagka tiwalaan sya sa kanilang problema.

Lahat ng payo nya galing sa tunay nyang katauhan. Walang halong pagkukunwari at buong puso nyang ibinibigay.

Marahil karamihan ng kanyang tagapag basa at taga suporta ay nagtataka kung ano nga ba ang tunay na anyo ng Author na kanilang sinusuportahan.

Sa mundong ito kung saan nya nararamdaman ang kapayapaan, kung saan malaya nyang naipapahayag kung ano ang nasa isipan nya ng walang nanghuhusga.

Masaya syang nakaka alis pansamantala sa magulong mundo nya. Masya syang tahimik na nag susulat na nakakapag pasaya sa nakakarami.

Ito ang kwento ko.

-RealIdentity.

Behind the Mask Where stories live. Discover now