Hindi naman ako insensitive. Sadyang ayaw ko lang talaga na makikita mo na mahina ako o apektado sa isang sitwasyon. Hindi mo alam kung gaano kahirap magkunwari sa harap ng maraming tao, maipakita lang na ok ako at patuloy lang ang buhay. Hindi mo alam kung gaano ka katagal namamalagi sa utak ko. Wala kang ideya sa lahat ng pinagdadaanan ko. Kaya wala kang karapatang sabihan ako na walang kwentang tao dahil wala ka namang alam.
Dalawang taon na akong nanunuyo sa ‘yo, mapa-personal o sa panaginip. Ang dalawang taon ko ay punong puno ng kalungkutan dahil wala ka. Hindi ko naman sinasadyang ganon ang itrato sa’yo. Maraming beses ko ng ipinakitang nagsisisi ako. Pero bakit hindi mo pa rin maibigay sa akin ang isang bagay na ikatatahimik ng puso’t isipan ko? Sa bawat araw na dumadaan, palagi kong hinihiling sa Diyos na sana magbago ang isip mo. Na sana dumating din yung araw na kakausapin mo ako, yung magkakaayos tayo. Yun lang naman. Hindi ko na hinahangad na magkabalikan tayo, pero yun man lang magkaroon tayo ng peace of mind, maayos at matanggal natin yung gap sa pagitan nating dalawa, ok na sa akin yun.
Mahirap ba yung hinihiling ko? Haay… Ano pa bang dapat kong gawin para mabigay mo yun sa akin?
Sa lahat ng mahirap intindihin, kayong mga babae ang pinaka. Mas malala pa kayo sa mathematics equation, sa calculus, geometry at trigonometry. Kahit anong pilit kong gawin para maunawaan kayo, dumarating pa din yung time na kusa akong susuko at sasabihing, “Ewan ko sa ‘yo”. Pero hindi ba parang ang unfair? Bakit kaming mga lalaki lang ang dapat umintindi? Hindi ba pwedeng kayo naman ang umintindi sa amin? Kayo namang mga babae ang manuyo. Kayo naman ang paminsan-minsang mag-effort. Kase kung magagawa nyo yun, hindi naman kami sira ulo para hayaan kayong magmukhang tanga kung para sa amin ang ginagawa nyo. Ano sa tingin mo? Ikaw na nagbabasa ngayon nitong sinulat ko, kaya mo bang gawin yun? Intindihin ang taong mahal mo hanggang kaya mo.
Pride. Yan naman palagi ang umiiral sa karamihan sa atin kaya ganito ang nagiging resulta. Hindi naman tayo sasaya kung puro pride lang diba? Well, kung sasaya man tayo dahil sa pride siguro saglit lang. pero ang hirap lang talaga e. ang hirap na yung mahal mo ay mas malaki pa sa kanya yung pride niya. Mababalian ba ng buto kapag binaba ang pride saglit? Mahirap ba talagang ibaba ito lalo na kung para sa taong mahal mo? Bakit?
Ewan ko sa ‘yo. Ewan ko sa inyo. At lalong ewan ko sa sarili ko. Wala na akong maintindihan. At mukhang walang makakaintindi sa nararamdaman ko. Wala na atang patutunguhan ang buhay ko talaga. Alam kong maikli lang ang buhay ng tao, may naisip tuloy ako. Kung gagawin ko ba yung nasa isip ko, ibibigay na niya yung hinihiling ko? Kung bigla ko kayang iparamdam sa kanya na mawawala na ako, hahabulin niya kaya ako, magkukusang lumapit, at sya naman ang gagawa ng effort para magkaayos kami? Haays. Natutukso akong gawin yun.
Alam mo yung pakiramdam na sa tuwing makikita ko syang masaya sa iba, sobra sobrang sakit naman ang tumatama sa akin pero may side pa din na masaya na din ako para sa kanya, yung ngiting hindi ko na nabibigay sa kanya ngayon ay nabibigay na ng ibang tao. Yung pakiramdam na kapag nag-iisa na lang sya at nakatingin lang sa mga ulap, lalo akong nahuhulog sa malalim na patibong ng pag-ibig, mas lalo ko pa syang minamahal. At yung pakiramdam na pag nakita ko syang umiiyak, kahit hindi ko alam ang dahilan, mas doble yung sakit na nararamdaman ko. PUCHA! At sa oras na malaman ko kung sino ang may gawa, hindi ako nagdadalawang isip, uupakan ko kaagad. Kung malakas ang tama ko sa kanya dati, mukhang mas malakas yung ngayon. At sa pagdaan ng panahon, lalo lang itong lalala tulad ng isang cancer na hindi na kayang agapan pa ng kahit anong klaseng gamot.
Hindi lang ako parang natalo sa sugal, para akong ninakawan at sinunog pa yung natitira. Buhay pa ako, pero nakakamatay na ang nararamdaman ko. OA man pero yun ang alam kong tamang salita para masabi kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ko maikwento sa inyo kung gaano kami kasaya noon. Ayoko ng isipin. Pero patuloy pa ding nagpaflashback sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Hindi ko kayang balikan ang masasayang araw na yun ng aking buhay. Ayokong paasahin pa lalo ang sarili ko na maaayos ulit ang lahat. Ayokong lokohin ang sarili ko at sabihing ayos lang ako. Ayokong isiping isang araw magiging ok ako. Dahil ang totoo, hinihintay ko lang na kusang mapagod ang utak ko kakaisip sa kanya, kusang mapagod ang puso ko pagmamahal sa kanya, at mapagod ang katawan ko sa mga bagay na ginagawa ko kung ano ang maisip ko.
Mawala man ang sakit na ito, siguro ay sa panahong wala na din ako sa mundo.