Chapter 6

82 5 0
                                    

Trisha's POV

Hinalikan ni Ramson si Rhoxanne at nakita namin yong lahat. Hinila na ni Ramson si Marvin papalayo kay Rhoxanne. Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari dapat sinampal na ni Rhoxanne si Ramson pero ngayon tulala lang siya.

"Yaeh, ayos tol naka-score ka agad!" sabi ni Henry. Hay timang talaga!

"Shut up your fucking mouth, Henry!" Sigaw ni Ramson. Ano ba talagang plano nito? Kanina lang inaya pa nila akong dalawa ni Marvin kung pwede ko ba daw silang maging partner! My gush na!

Lumapit ako kay Rhoxanne dahil hindi naman na siya gumagalaw. Tinapik ko siya ng isang beses at inulit ko pa, nakalima na akong tapik pero hindi parin tumatalab. Kinurot ko siya at ayun nagising na siya sa kanyang pagkakatulog, de joke!

"Trish, ang sakit naman!" reklamo niya.

"Pano naman kasi best kanina ka pa dyan nakatulala!"

"Huhuhuhu Trish, my lips are not virgin anymore!"

"Condolence to your lips!"

"Uwi na tayo, baka hinahanap na ako nila Mom!"

Tumungo na kami kila Sandy na ngayon kausap na niya si Henry. Si Marvin naman ay mukang natauhan na tapos si kuya Marcky tumatawa parin. Ito namang si Ramson nakahawak sa kanyang mga labi na parang baliw.

"Sandy, uwi na tayo!" sabi ko.

"Ah sige, gabi narin baka hinahanap na tayo si Babe--- este tayo, hinahanap na tayo!"

"Kuya, mauna na po kami salamat po ulit at pasensya na po!" sabi ni Rhoxanne.

"Sige, basta balik kayo ulit dito kapag may time kayo!"

"Ok po!" Sabi ko.

Lumabas na kami ng Restaurant na tumungo agas sa parking lot kung nasaan yng sasakyan. Parang sumakit yung braso ko ah parang humihila sa akin! What? Si Henry hinihila ako!

"Hiramin ko muna tong kaibigan niyo!" sabi niya tapos pinasok niya ako sa sasakyan sa may bandang passenger seat.

"Ano bang problema mo!" inis na sabi ko. Pilit kong binubuksan yung pinto ng sasakyan peron nakalock ang peste.

"I just want to talk ." seryoso naman siya.

"Ano ang gusto mong pagusapan!?"

"Can you give me your phone?"

"No, i don't!"

"Just give it to me, may kailangan lang akong tawagan!"

"Oh ito!" Sabi ko sabay abot ng phone ko. Ano ba yan kainis!

Nag-dial siya at nagring ang phone ko at agad namang sinagot ng nasa kabilang linya.

"I'm coming now Dad, nakitawag lang ako sa Girlfriend ko!" ay gago hindi naman niya ako girlfriend!

"Hoy hin----" tinakpan niya yung bunganga ko. Hindi tuloy ako makapagsalita.

"Yes, kasama ko ngayon yung bago kong GF! Yes, ipapakilala ko siya sa inyo soon, dad!" Hindi ko marinig yung nasa kabilang linya at ang alam ko lang papa niya yon dahil tinatawag niyang dad. "Ok bye, dad!"

"Thanks, you can go now!" Pagkatapos niyang gamitin ang phone ko yun lang ang sasabihin niya! Tapos sabi niya Gf pa niya ako my gush number ko ang ginamit niya! Lumabas na ako ng kotse at pumunta kila Sandy.

"Anong pinagusapan niyo?" tanong ni Sandy.

"Wala kaming pinagusapan, hiniram niya lang yung cellphone ko tapos pinantawag niya sa dad niya at sinabi niya pang Girlfriend niya ako huhuhu!" Napaiyak nalang ako habang sinasabi ko kung anong nangyari.

"Ssshhh...tahan na trish ok lang yon, hindi naman totoo!" Sabi ni Rhoxanne.

"Tara uwi na tayo baka hinahanap na din ako ni kuya!" baka pagalitan pa ako non.

Pinaandar na niya yung sasakyan at una muna naming dinaanan kung saan tumutuloy sila Rhoxanne sa isang Hotel.

"Sige bye see you tomorrow!"

"Bye!" Sabi namin ni Sandy.

"May sasabihin ako sayo, trish!"

"Ano yon!"

"Inaya akong maging partner ni Henry yiiiieeh!" Hala kilig naman siya! Yung walang hiyang yon.

"Ahehe buti pa ikaw may partner na ako ala pa!"

"Si Marvin di kaya si Ramson! Diba inaya ka nila!" Oo inaya nila ako pero sa tingin ko hindi ako kumbinsido. Tapos si Ramson sigurado akong hindi na niya ako aayain dahil parang gusto niya si Rhoxanne at masaya ako don. Si Marvin naman hindi ko alam.

Nasa tapat na kami ng bahay at kaya bumaba na ako. Lagot si kuya nasa gate hinihintay ako, tinignan niya pa yng relo niya saka tumingn sa akin ng masama.

"Sige thank you best!"

"See you tomorrow!"

Umalis na siya ako naman nanginginig yng kamay. Natatakot ako kay kuya kasi naman super istrikto niya. Grabi magalit yan de joke pinagsasabihan niya lang ako.

"Anong oras na, bakit ngayon kalang?" yan na lagot!

"Pumunta--"

"Pumunta kila Marcky tapos kumain kana kasi sobrang dami niyong in-order, tama !?" ay alam niya lahat! Yan lahat ng pinupuntahan ko alam niya.

"Opo, kuya!"

"Sige pasok na sa loob matulog ng maaga para hindi ka na naman ma-late magising!" Ay ang bait talaga ni kuya kaya love na love ko yan.

"Sige po kuya, tulog ka narin po!"

Pumasok na ako sa loob saka pumunta sa kwarto ko. Agad akong nag-shower at nagpalit ng damit. Tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Yung buhok ko ang gulo tapos yung salamin ko ang kapal ng glass niya.

"Kailangan ko na talaga ng make over!" Saka ako bumuntong hininga.

Humiga na ako sa kama at natulog na para hindi nanaman ako ma-late sa pagpasok sa school. Pero mamaya magbabasa muna ako ng libro kailangan kong mag advance Reading. Isang oras akong nagbasa ng book and after that natulog na ako.

Kinabukasan

"Yes, himala mas nauna akong nagising kay kuya ahehehe!" sabi ko.

Nakabihis na ako ng lumabas ako sa kwarto ko at inayos ko narin ang mga gamit ko. Ready na akong pumasok.
Naglakad ako sa may kusina para kumain. Sa umaga tinapay lang kinakain ko alam mo na para ano.
Nagring nalang yung phone ko kaya kinuha ko at sinagot.

"Hello!"

"Best asan kana, magta-time na!" aray masakit sa tenga yung sigaw niya!

"Eh ang aga pa ka---" napatingin ako sa may Wall clock at 8:20 am na. Late na ako!" Sige andyan na ako!"

Pinatay ko na yung tawag at kumuha ng tatlong piraso ng slice bread. Pumunta ako sa labas at hinanap si manong Niño.

"Manong saan po kayo!" Sigaw ko pero walang sumasagot. Bigla ko nalang naalala day off niya pala ngayong byernes.

Lagot na talaga! Ni-lock ko na yung pintuan at lumabas na ako ng gate saka ko ito ni-lock. Wala pa namang dumadaan na taxi dito sa tapat ng bahay namin. Kaya maglalakad nalang ako hindi ko naman ng pwedeng tawagan si Sandy kasi kapag pinuntahan niya ako edi parehas na kaming late. Sinimulan ko ng maglakad at aking paglalakad may mga tatlong lalaking naglalasing at nakita nila ako.

"Wahahaha! Mukang ashwang!" tawa nung isa. Makatawa naman eh siya nga mukang asong ulol!

"Oo nga pre wahaha!" sabi naman nung isa yung big head.

"Mga pre baka pwede nating maging pampalipas oras!" sabi naman nung mukang adik. Anong balak nito!?

"Sige, ok nayan masarap yan kasi bata pa wahahaha!"

Tumayo silang tatlo at naglakad papalapit sa akin. Ako naman ay umaatras lang, natatakot na ako nanginginig ang aking mga kamay. Ito na ang katapusan ko.

Abangan......

Yes yes yow sweethearts😘 Another chapter na naman ang natapos ko kaya stay and relax, enjoy reading😘

The FASHIONISTA, SADISTA and NERD (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon