Mabilis na hinawakan ni elena ang aking kamay ng mahimigan niyang may balak akong gawin.
"Saan ka pupunta lestine?" Tanong niya sa akin.
Napalunok ako. Hindi ko din alam, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay ginoong antonio ang balak ng mag amang fagen sa kanyang ama.
"Kailangan nating iligtas si don felipe buenaventura" sabi ko pa sa kanya kaya naman mapaawang ang kanyang bibig.
Kitang kita ko ang gulat sa kanyang pagmumukha. "Paano mo gagawin iyon lestine?" Tanong niya pa sa akin.
Napaiwas ako ng tingin. "Hindi ko din alam, pero kailangan kong gumawa ng paraan" sabi ko pa sa kanya.
Narinig namin ang pagalis ng kalesang sasakyan ni mr. Fagen. Kaagad kaming tumakbo ni elena patungo sa may bintana para tanawin iyon.
Mabilis ang pagkabog ng aking dibdib. Para akong hihimatayin sa pinaghalong takot at kaba. Pero napabalikwas kami ni elena ng magsalita ang totoong felicia sa aming likuran.
"Saan niyo balak pumunta?" Diretsahang tanong niya sa amin.
Hinawakan ni elena ang aking kamay. "Wala po binibining celestina" magalang na sagot sa kanya nito.
Pero tumaas lamang ang isang kilay ni felicia habang nakatingin kay elena. Nagpabalik balik ang tingin niya sa aming dalawa at nagtagal ang tingin niya sa akin. Sa paraan ng tingin niya ay ramdam na ramdam kong pinagaaralan niya ang aking reaksyon.
"May sinabi ka ba sa kanya felicia?" makahulugang tanong niya sa akin.
Bayolente akong napalunok. "Wala po binibini" magalang na sagot ko din sa kanya.
Pero mariin niya lamang akong tiningnan hanggang sa may isang lalaking pumasok sa bahay.
"Pinapatawag niyo raw ho ako, binibining celestina" bati nito.
"Oo, gusto kong igapos mo ang dalawang ito at ikulong sa may bakanteng kwarto sa baba" seryosong utos niya dito kaya naman kaagad kaming nataranta ni elena.
"Binibini..." sabay na sambit namin, hindi kami kapwa makapaniwala.
Napangisi lamang ang totoong felicia. "Ikukulong kayo duon hangga't hindi pa natatapos ang aming plano ni ama. Mahirap na..." sabi pa niya kaya naman kahit magpumiglas ay nagawa kaming igapos ng lalaking iyon at magkasama kaming ikinulong sa may bakanteng kwarto sa baba.
"Anong gagawim natin dito? Anong klaseng paguutak ba meron ang felicia na yan. Baliw na ata" pagrereklamo ni elena.
Hindi ako nakapagsalita, patuloy pa din sa iniisip. "Lestine" tawag niya sa akin.
"Mamamatay si don felipe, siguradong masasaktan si ginoong antonio" malungkot na sabi ko.
Napabuntong hininga din ito. "Pwede nating baguhin ang tadhana lestine, pero hindi sa panahong ito. Nakasulat na sa libro ang buhay ng bawat tao dito" pagpapaintindi niya sa akin.
Pero napailing ako. "Pero si cedes, napigilan ko ang pagkamatay niya. Pwede elena, kaya natin" pagpupumilit ko pa sa kanya.
Pero sa huli, wala kaming nagawang dalawa. Ilang beses naming sinubukang tumakas pero masyadong mahigpit ang pagkakatali sa aming dalawa ni elena.
Duon na kami nalipasan ng gabi, hanggang sa muling pumutok ang araw.
Febuary 5, 1899
BINABASA MO ANG
His last Comeback
Historical FictionHanggang saan mo kayang ipaglaban ang iyong pagibig na hinubog ng mahabang panahon? "Muli tayong mabubuhay, at hinihiling kong muli tayong magkita mahal ko..." "Susubukan ko" nakayukong saad ng lalaki. Sunod sunod na tumulo ang luha ng babaeng ngay...