Time Machine

15 0 0
                                    



Hindi maalis sa isipan ko ang tanong ng teacher namin kanina. 


 "Kung ikaw ay isang time traveller, ano ang gagawin mo?"


 Time travel?


 Psh. Imposible.


 Hindi ko alam kung bakit napadpad sa time travel ang lecture ni Ma'am kanina. Math teacher siya at hindi science. Kailangan ba ng math equation para makapag-time travel?


 Pero aaminin ko, napaisip ako sa tanong ni Ma'am.


 Naalala ko pa ang sagot ng mga kaklase ko.


 "Magta-time travel po ako, mga limang minuto bago ako magsipilyo kagabi. Dapat kinain ko muna yung cake na nasa ref bago ako nagsipilyo," sagot ni Ken. Kaya itlog palagi ang score sa exams, e. Puro pagkain ang nasa utak.


 "Pupunta po akong ng future para po makita ko na girlfriend ko. Sa future po kasi siya nakatira," si Kevin naman ang sumagot. 


 Puro kalokohan lang ang isinagot kanina.


 Ugh, ewan! Ba't ko ba iniisip 'to? Imposible namang makabalik pa sa nakaraan o makapunta sa hinaharap, e.


 Tsk.Habang naglalakad pauwi, napansin ko ang babaeng patawid. Napatingin naman ako sa sasakyan na paparating sa pwesto nung babae at ito naman si babae, hindi ata napansin ang paparating na sasakyan.


 Dahil na siguro so kaba at takot ay tumakbo papunta sa babae at agad na tinulak para maiwasan ang sasakyan. 


 Sa isang segundo lang ay nanumbalik sa akin ang mga nangyari sa buhay ko, alaalang nagpapatunay na isa akong tao na nabuhay sa mundong ibabaw.Hindi ko naramdaman ang pagbangga ng sasakyan sa'kin dahil agad namanhid ang katawan ko.


 Napatingin ako sa babaeng niligtas ko at nakita ko sa kanyang mga mata ang takot.Ganito ba matatapos ang buhay ko? 


"Kung ikaw ay isang time traveller, ano ang gagawin mo?"


Parang gusto kong bumalik sa nakaraan.

--

Napabalikwas ako ng bangon.


 Agad kong nilibot ang paningin ko sa paligid. Pamilyar, nasa kwarto pala ako. Ang sama naman ng panaginip ko. Umalis na ako sa kama at naligo para mahimasmasan nang konti. Ilang minuto lang ay natapos ako sa pagligo at pagbihis, nagtungo -agad ako sa kusina para mag-agahan. Nadatnan ko si Mama na nanonood ng TV, mukhang nanonood siya ng balita. Binati ko siya at hinalikan sa pisngi, like what we usually do in the morning. Umupo na ako at nagsimulang kumain. Nakinood na rin ako ng balita, mahilig din kasi ako manood. 


Habang nanonood, napansin ko ang date sa balita. Kumunot ang noo ko. "Ma, anong araw ngayon?" tanong ko. 

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon