"To all the students of Athens High, Please proceed to the open area"
"To all the students of Athens High, Please proceed to the open area"
"Bakit kaya tayo pinapapunta ng open area?"
"Sa narinig ko kanina may mga investors daw na pupunta, so baka yun ang dahilan"
"Eh? Saan mo naman narinig yan girl?"
"Sa principal natin"
"Bakit nga kaya tayo pinapapunta?"
"Parang di mo narinig yung sinabi nung babae"
"Ewan ko sayo Kitten, ang init nanaman ng ulo mo sa akin" Naka ngusong sabi ni Art
"Tara na nga mamaya masita nanaman tayo ng timingoloid nating School council president" naka simangot na sabi ko
"Bakit ba ang init din ng ulo mo kay Klio?" Tanong niya habang may mapang asar na ngiti
"Yang ngiti mo! Tatahiin ko yang bibig mo!"
"Hahahaha ang cute mo talaga kitten" tumatawang sabi ni Art -_-
"Tama na ang landian at pumunta na kayo sa open area!" Rinig naming sigaw ng lalaki at malamang sa malamang si timingoloid yun
"Yow Klio! Sige pasensya na una na kami" nakangiting sabi ni Art sabay akbay sa akin
"Sumama ka sa akin pusa"
"Ha! Bakit naman ako sasama sayo?"
"Kasi sinabi ko" mayabang na sabi niya
"Di ako aso para sundin ka!" Inis na sabi ko at nagsimula ng maglakad
"Di ka naman talaga aso kasi nga pusa ka, pusang gala" Nang aasar na sabi niya at nagulat nalang ako ng hinila niya ako papunta sa kabilang direksyon
"Anak ng! Hoy timingoloid ka bitawan mo ako!" Sabi ko habang nagpupumiglas sa hawak niya
Tinignan ko si Art at ang loko! Nang picture pa!!!!"Hoy Art tulungan mo ako dito!" Sigaw ko sa kanya pero dumiretso na siya papunta sa open area
"Hoy ikaw namang timingoloid ka bitawan mo nga ako! Di mo pwedeng gamitin sa akin ang pagiging School council president mo!" Iritang sigaw ko
"Ang ingay mo nakaka irita ka!" Sigaw niya din at nagulat ako ng bigla niya akong binuhat na parang sako ng bigas
"WAAAHHH! KLIO! WALANG HIYA KA NAKA PALDA AKO!!!!!"
"Okay lang yan tayong dalawa lang naman ang nandito" bored na sabi niya at tuloy parin sa paglalakad habang nasa ganung pwesto parin ako
"Ang bastos mong timingoloid ka! Kunin ka na sana ni lord! Ay mali sana kunin ka na ng mga kamag anak mong taga impyerno! Argh!" Wika ko at pinaghahampas ang likod niya
"Aray! Tumigil ka nga pusa! Masakit yang hampas mo!"
"Talagang masasaktan ka sa akin! Ibaba mo ako!" Sigaw ko ulit
Hindi na siya nagsalita at binaba na niya ako pero sa kung anong dahilan ay bigla siyang na out of balance kaya ang lagay? Ayun naka higa ako habang siya ay nasa ibabaw ko! Kung minamalas ka nga naman!!!
"Anak ng!"
"Pusang gala!"
"WAAAHHH SPG!"
Sabay kaming napatingin ni timingoloid sa huling sumigaw at.... Naku po!
"Naku Ian mali ang iniisip mo!" Pangungumbinsi ko kay ian dahil siya lang naman ang nakakita saamin -___-
"You hurt me meow meow ko!" Pag iinarte niya
"Tumigil ka nga!" Sabi ko sabay hampas sa braso niya
"Tapos na ba kayo maglandian?" Tanong ng isang timingoloid na nasa tabi ko
"Just shut up"
"Ikaw Klio! May gusto ka ba sa Meow meow ko?!" Tanong ni Ian kay Klio
"Hindi pa ako baliw at hindi pa end of the world" Wala lang na sabi ni Timongoloid
"Grabe ka naman Klio parang sinasabi mo na never mong magugustuhan si Meow Meow ko" Naka ngusong sabi ni Ian
"Never talaga, Bakit? Gusto mo bang Gustuhin ko siya?" Tanong ni Timongoloid habang naka ngiti ng nakakaloko. Nanlaki naman ang mga mata ni Ian at agad na umiling
"No way! Ako lang ang bagay kay Meow Meow ko!" Parang bata na sigaw ni Ian at umiiling pa
"Yeah whatever, Pumunta ka na sa Field" Utos ni Klio kay Ian
"Eh? Tara Meow Meow" Sabi ni Ian sabay hawak sa kamay ko
"May pupuntahan pa kami" Sabi ni Klio. Napatingin naman si Ian sa kanya
"Ha? Saan?" Takang Tanong ni Ian
"Date" Diretsong sabi ni Timongoloid at hinila ako palayo kay Ian na nakatulala at pakurap-kurap pa
"Hoy anong Date?!" Sigaw ni Ian pero malayo-layo na kami sa kanya at hindi na rin siya sumunod sa amin
"Hoy Timongoloid ka bitawan mo ang kamay ko hindi tayo talo!" Sigaw ko at hinila ng marahas ang kamay ko mula sa kaniya
"Bakit ano ba gusto mo? Babae din?" Nang aasar na sabi niya
"Siyempre hindi! Duh!" Sigaw ko
"Pero sabi mo hindi tayo talo?"
"Kasi nga pangit kang Unggoy ka Timongoloid pa!" Sigaw ko
"Bago ko makalimutan,kaya kita hinila dahil kailangan mong mag luto para sa mga bisita" Sabi niya. Ako naman ay napa 'ha?' nalang
Wow! Just wow! Hinila niya ako para lang magluto?! Pwede naman niyang sabihin nalang hindi yung nanghihila pa siya!
"At bakit ko naman gagawin yun ha? At saka nandiyan na ang mga bisita kaya baka late lang ma serve ang mga lulutuin ko!"
"They will stay here until 5 in the afternoon kaya dito sila magtatanghalian kaya bilisan mo na" Timongoloid
"Anong lagay? Libreng luto lang? Hoy may bayad yun"
"Fine, just cook for the visitors okay?" Sabi niya at nagsimula ng maglakad pabalik sa dinaanan namin
"Hoy ano to iiwan mo ako dito pagkatapos mo akong hilain?!!!" Inis na sigaw ko sa kanya
Lumingon siya pero hindi nagsalita, itinuro lang niya ako? Wait mali yung nasa likod ko yata kaya lumingon ako at nakita ko ang likod ng canteen -____- eh bakit dito pa kami dumaan pwede naman sa harap nalang.
Pagkatingin ko ulit sa kanya ay naglalakad na siya palayo.
Napailing nalang ako sa naisip ko."Tignan mo to, Timongoloid talaga pwede naman dumaan dito sa canteen para maka punta sa open area tsk, malala na siya"
***