5. TANONG PARA KAY MARIA KLARA

1 0 0
                                    

CHAPTER: TANONG PARA KAY MARIA KLARA


-Marie clare

"Uulitin ba?"

Naka titig kong tanong kay lyndon. Na ngunot naman ang noo nya. Tapos ay umiling.

Pagka tapos hinubad nya ang polo uniform nya. At ang T-shirt sa loob nito.

Ngayon topless na sya. Hindi ko maitatanggi. Ang sexy nya.

Ang ganda ng built ng katawan tapos... Tapos. May pandesal!

Lalo syang gumwapo dahil sa pagiging topless nya. Yummy!

Nagising na lang ako sa ulirat ng tumunog yung pintuan ng banyo
Dahil sa pag sara nya.

Maliligo yata? Ano ba namang tanong yan?! Sabagay. Pwede din makipag laro sya sa alaga nya?

Nung nainip ako sa kakahintay humiga ako sa kama nya at tumitig sa kisame.

Nag bilang ng alikabok. Kaso wala akong makitang alikabok.

Ano kayang na isipan nya at dito nya pa ako pinag hintay sa kwarto nya?

Pwede naman doon na lang sa kusina kung nasaan yung mama nya, para narin maka chikahan ko.

Maya maya bumukas na din yung pintuan ng kubeta. Bumungad saakin
Si lyndon na naka tapis ng tiwalyang puti ang ibaba.

Habang tumutulo pa ang basang buhok.
"Clare?" Tawag nya saakin habang naka ngisi.

Yung ngising pinakita nya saakin Ay
may ibig sabihin yung pinapahatid.

Na statwa na lang ako dito sa kama. Habang sya unting unting lumalapit saakin.

Na ibinibilis naman ng tibok ng aking puso Dahil sa kaba. Kaba na baka gusto nya ngang ulitin yung gabing pag kakamali namin.

Nung maka lapit sya saakin. Yumuko sya ng kaunti para mapalapit sa muka ko na naka tingala sa kanya.

Amoy ko ang bango nya. Mata sa mata ang ginawang pag titig namin sa isat isa.

Konting usad na lang nya saakin. Matutuka nya na ako. Kaya pumikit na ako at ngumuso.

"Hoyy! Gumising ka na dyan!"

Napa balikwas ako dahil may tumapik sa pisngi ko. At ginigising ako.

Agad naman akong napa balikwas. Grabe naman maka tapik?!

Si lyndon. Naka bihis ng short at T-shirt na plain white.

"Tara na sa baba." Agad naman akong sumunod sa kanya. Pagka baba nakita ko sa lamesa nila ang mga naka haing pag kain.

Bigla tuloy nag wala mga alaga ko sa tyan.

"O, Buti at gising kana ija?" Agad na bungad saakin ng mama nya. "Nag punta ako sa kwarto ni lyndon kanina. Naka tulog ka habang nasa CR si lyndon kanina."

Inumpisahan namin agad ang pag kain sa miryendang inihanda ng mama ni lyndon.

Ilang minuto bago kami natapos sa pag kain. Nag prisinta ako, na ako na lang mag hugas ng lahat ng pinggan.

Pero pinigilan ako ng mama ni lyndon. At si lyndon ang inutusan nya agad mag hugas ng mga pinagkainan namin.

Balak ko sanang samahan si lyndon sa kusina para may kadal dalan sya habang nag aayos sa kusina.

Ang kaso ayaw nya ng madaldal kapag kumikilos sya. Kaya niyaya na lang ako ng mama nya sa sala.

Para ma nood ng teleserye sa hapon. Na paborito daw ng mama ni lyndon.

"Alam mo ito lagi kong pinananonood tuwing hapon. Maganda yan." Sabi ng mama ni lyndon.

Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya. Hindi ko pa kasi gamay ang mama ni lyndon. Kaya hindi pa ako maka pag salita ng kung ano ano.

"Ay teka? Anong oras naba?" Sabay tingin sa orasan. "Nako sana maabutan pa." Dali dali umupo sa sofa ang mama ni lyndon pag tapos buksan ang T.V.

Ganon na lang ang pag ka dismaya ng mama ni lyndon nung makita nya sa screen ng t.v ang 'abangan bukas.'

Gusto kong pag tawanan ang mama ni lyndon sa reaksyon na ginawa nito. Halos parang batang nag lulupasay na para bang inagawan ng candy. At pahampas hampas pa sa binti.

"Ano po..." Hindi ko kasi alam kung ano ang itatawag ko sa mama ni lyndon. Bigla naman napa tingin saakin ang mama ni lyndon at ngumiti saakin.

"Tita nalang." Sabay ngiti.

"Tita. Bukas na lang kayo manood."

"Ano pa nga ba?"

Biglang namayani ang katahimikan. Ilang segudo din namin ginawa na nag tinginan lang kami ni tita Lynda.

Maya maya. "Sa totoo nyan. Gusto talaga kita masolo para makausap." tapos ay tumingin sya sa gawing kusina.
"Tungkol saan po tita?"

"Bakit naging kayo ng anak ko?" Biglaan ang tanong na binato saakin ni tita lynda.

Grabe! Hindi muna ako sinabihan na tungkol pala doon. Anong sasabihin ko ngayon?

Patay na!

Sasabihin ko na? 'Kasi po may nangyari saamin. Kailangan nya po panagutan yon.'
Ganon? Nakakahiya naman no?!
Tapos malay ko ba na ang alam ni tita lynda na yung anak nya virgin pa? Edi na bisto si lyndon na hindi na virgin?

"Ija. Ay, ano bang pangalan mo? Para hindi na ija ang itawag ko sayo."

Nangamot ako ng ulo. Oo nga pala kanina pa ako dito tapos hindi ko manlang nasabi pangalan ko.

"Marie clare po. Marie clare Tasia."

Hindi ko pa nasasagot ang unang tanong ni tita lynda. Meron nanamang panibago syang tanong.

Tumango ito at nag salita. "May nang yari na ba sa inyo ng anak ko?"

Yung oxygen dito sa loob ng pamamahay nila parang nawala. Dahil sa narinig ko. Tapos yung nag umpisa ng mangatog yung buong kalamnan ko.

Grabe! Deretsyahana talaga? Nag ka titigan kami ni tita lynda ng ilang segundo bago ko masagot ang tanong nya.

Hindi ko alam ang isasagot sa totoo lang. Gusto kong sabihin ang totoo. Ang kaso lang ayokong maging panget ang tingin saakin ng mama ni lyndon. At baka isipin ay easy to get akong babae. kapag nalaman na may nangyari nga saamin ni lyndon.

"Ano po...." Hinihingal na ako dahil sa lakas ng kalabog sa dibdib ko. Nakaka tense yung tanong na ibinato saakin ng mama ni lyndon.

Sasabihin ko ba? O sasabihing wala?
"Ahmmm! Ano po kasi tita... Ganto po kasi."

"Sabihin mo yung totoo ija." Hindi galit ang tono ni tita lynda pero nandoon ang pag ka seryoso ng boses nya.

Tangnamers! Namamawis kamay ko.

Yung mga tanong ng nanay nitong si lyndon. Nakaka hagard ha! Una, mahal ko daw ba si lyndon? Pangalawa, may nangyari na daw ba saamin?

Inaano ko ba tong mudra ni lyndon?!

Sasabihin ko ba yung totoo O hindi?

Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon