Falling In Love at a Coffee Shop

291 12 1
                                    

Wow! Its been so long since I wrote a KV imagines eh? This one's for you!💜😊
*****************************

"Aah...napakaganda naman ng panahon ngayon!"-masayang saad ng binatang naglalakad habang nakapamulsa. Malaki ang ngiting nasa mga labi niya ngayon. Binabati niya ang lahat ng taong madadaanan niya kahit na hindi niya naman kilala.

" Magandang umaga Joe!"-bati niya sa lalakeng nagbibisekleta.

"Kevin ang pangalan ko."-sagot naman nito sa kaniya habang nakataas ang kilay.

"Ang ibig kong sabihin, sabihin mo yan sa kaibigan mo!"-sigaw niya dito ng nakalayo na ng kaunti ang lalake.

" Wala akong Joe na kaibigan!"-sigaw rin nito pabalik sa kaniya, ngunit nag patuloy nalang siya sa paglalakad habang hindi parin naaalis ang ngiti niya sa labi.

" Lola! Ako na po dyan."-sabi niya sa isang matandang babae na may binubuhat na isang kahon kaya kinuha niya iyon.

"Ay salamat ijo, palagi mo nalang akong tinutulongan sa pagbubuhat ng mga kahong dinidiliver sa akin. Siguro ay kukunin na kitang tagabuhat rito sa coffee shop."-natatawang saad ng matanda habang nag-uunat unat. Napatawa nalang siya nun.

"Kahit naman po hindi niyo ako kukunin ay ako parin ang tagabuhat niyo dito. Saka basta para po sa inyo."-sabi naman niya at kinindatan ang matanda.

"Ay naku, naku, gusto mo lang makaescor sa apo ko eh."-sabi nito kaya napatawa nalang siya ulit.

Totoo naman kasi ang sinasabe ng matanda. Matagal na kasing may gusto si Charles sa apo niyang si Vivoree na tumutolong sa kaniya sa kaniyang maliit na coffee shop. Ngunit kahit anong gawin ni Charles para lang mapapayag niya ang dalaga na ligawan nito ay hindi parin siya pinapayagan. Ang palagi kasing sinasabe ng dalaga sa kaniya ay hindi pwede. Pero kahit anong rason ng dalaga sa kaniya ay hindi parin siya sumosoko at palagi niya pang dinadalaw sa coffee shop at dinadalhan ng pagkain o bulaklak na gusto nito.

" Doon mo nalang ilagay sa gilid."-utos ng matanda sa kaniya at tinuro kung saan niya ilalagay ang mga kahon.

Pagkatapos niyang nilagay ang kahon ay napalinga-linga pa muna siya sa loob ng coffee shop.

"Hindi pa siya nakakarating, nandoon pa sa bahay."-sabi ng matanda kaya napatingin siya rito.

"H-hindi ko naman po siya hinahanap eh, p-pinagmamasdan ko lang po ang coffee shop."-palusot nito saka ginala ulit ang mata niya sa loob.

Maliit lang ang coffee shop ngunit komportable naman ang dating saka maraming mga bulaklak na nakadesenyo sa bawat sulok ng bintana kaya mas maaliwalas tignan.

" Asus! Iyan ang palagi mong palusot sa akin kapag hinahanap mo siya. Hay naku Charles, sinasabe ko sayo' wala sa bokabularyo ng apo ko ang pagboboyprend!"-sabi ng matanda sa kaniya kaya napanguso nalang siya.

"Kung ganon, edi lagyan natin ang bokabularyo niya!"-nakangiting saad niya habang tinaas baba ang kilay. Inilingan nalang siya ng matanda at inutosang ayosin ang mga silya at mesa, binigyan niya naman ito ng saludo saka sinunod ang utos.

Sa dalas niya ditong pumupunta ay para narin siyang nagtatrabaho dito. Siya kasi ang inuutosang magbuhat at mamili ng mga kakailanganin para sa paggawa ng mga pastries at kape. Siya rin ang nagbibigay ng mga orders ng customers habang busy ang matanda at ang dalaga naman ang nasa counter at kumokuha ng mga orders.

" ijo, lampasohan mo narin ang sahig dahil maya maya ay bubuksan na natin itong coffee shop."-muling utos ng matanda sa kaniya habang may ginagawa naman ito sa counter.

"Aye, aye captain."-pagsaludo niya ulit saka kinuha na ang basahan at palanggana. Sekretong napatawa nalang ang matanda dahil sa kaniya.

Maya maya pa ay binuksan na nila ang coffee shop kahit na hindi pa nakadating ang apo ng matanda.

KierVi  ImaginesWhere stories live. Discover now