To my dearest parentcakes,
First of all gusto ko kayong batiin ng Happy Happy 1st Anniversary!! Isang taon na simula nung nabuo ang KierVi at isang taon na kayong magkasama bilang magka love team. A loveteam na di inaasahang mabuo, a loveteam na nagsimula sa isang twitter post! Di inaasahang mag wowork out pero dahil sa taglay na talent at lakas ng chemistry niyong dalawa ay pumatok kayo sa puso ng mga madlang people. Isang taon na punong puno ng saya at pagmamahal. Sa loob ng isang taon na yun ay ang dami niyo ng magawa at narating together. We are very very proud of you both for everything that you've achieved! Sa loob din ng isang taon na yun ay ang dami niyo na ding nainspire at napasaya at isa na ako dun sa mga taong yun! Continue to inspire us and to make other people happy.
Alam kong hindi naging madali ang journey niyo. Madami kayong na encounter na challenges pero hindi kayo nagpatinag dito, ginawa niyo ang lahat at patuloy kayong lumaban para sa mga langarap niyo. Yes madami pa kayong pagdadaan in the future pero ang mahalaga ay ang manatili manatiling matatag ang samahan niyo, laban lang para sa mga pangarap niyo! Kaming fanmilies niyo ay nandito lang sa likod niyo, kasama niyo kaming lalaban upang maabot niyo ang mga pangarap niyo.
I want you both to know that you guys mean the world to me! Isa kayo sa biggest blessing na natanggap ko last year and sobrang grateful ko kasi kayo ang naging idols ko! Ang swerte ko kaya kasi kayo ang napili ng puso ko na idolohin, mahalin at suportahan kasi sobrang bait and talented niyong dalawa! Halos 8 buwan pa lang ako bilang fan niyo pero sa loob ng 8 buwan ay wala na akong ibang naramdaman kung di happiness and kilig. Sa loob ng walong buwan na yun never akong nalungkot at yung ay dahil sainyong dalawa
Thankful din ako na nakilala ko kayong dalawa kasi kayo ang nagiging source of happiness ko. Di ko kayang tiisin na lumipas ang isang araw ng walang KierVitamins kasi kung hindi ang lungkot lungkot ko at ang down ng araw ko. Bukod sa family and friends ko, kayong dalawa lang yung mga taong nakakapagpasaya saakin, at kayo lang yung mga taong nakakapagpagaan ng mood ko lalo na pag malungkot ako. Alam na alam ng mga kaibigan ko na kayo ang dahilan kung bat ako ngumingiti araw araw at kung bakit ako palaging masaya.
Thank u for being such a blessing in my life! thank u for being my sunshines and my happy pills and for being one of my inspirations to become a better person! Thank u for giving me a reason to smile eveyday
Thank you din kasi ng dahil sainyo I was able to build new friendships with my co fans, I have found another family through you guys.
Salamat family niyo for showering you with so much love, support and care especially sa parents niyo kasi kung wala sila, wala kaming iniidolong CK and Vivoree ngayon. Kudos din to them for raising you well! Salamat din sa friends niyo both showbiz and non-showbiz dahil lagi silang nandyan para pasayahin, mahalin at suportahan kayo sa lahat ng ginagawa niyo. Sa management niyo, thank you din po for all the love, care and support na binibigay niyo sa KierVi, thank you po for taking care of them and for giving them chances and opportunities to showcase their talents, do what they love and reach their dreams!
I want you guys to know that you are loved and supported by many and that you guys deserve every love, support and blessings that u are receiving and even those on their way! sobrang deserve niyong mahalin at suportahan kaya sa abot ng aming makakaya ay gusto naming iparamdam yun sainyo. Always remember na andito lang palagi ang famcakes para supportahan kayo sa lahat ng gagawin niyo hanggang dulo! Andito lang kami masayang nanonood habang inaabot ninyo ang mga pangarap niyo.
I wish u guys all the best at sana lahat ng mga pangarap niyo for ay matupad na! Don't worry andito kaming mga fans niyo handang tumulong sainyo para unti unti niyong matupad ang mga pangarap niyo, andito kami handang mahalin at suportahan kayo hanggang dulo! sana ay magpatuloytuloy na ung pagdating ng mga blessings sa buhay niyo kasi u deserve it all at syempre sa bawat blessing na darating sainyo, andito lang kaming mga fans niyo na masayang masaya para sainyo. lagi niyo lang tatandaan na mahal na mahal namin kayo.
Cheers to more months and years of love, happines and laughter. Alagaan and mahalin niyo ung isa't isa kasi I can see how happy you guys are when your together! Pinapasaya niyo ung isa't isa and that makes my heart happy knowing that you two are happy. Sana'y mas tumibay pa yung bond niyo as friends. Always smile because i love seeing your smile, sobrangnakakahawa siya and it can instantly brighten up my day!I LOVE YOU BOTH VERY VERY MUCH!💜