Mark's POV
Lumitaw kami sa loob ng pilak na bundok na syang tirahan din ni Clue. Marami akong nakikitang mga glowsticks sa paligid at kita ko ang mga batong dingding kaya nasisiguro akong ito na iyon.
Mukhang nandito na tayo guys. Panimula ni Cedric. Luminga linga ako sa paligid pero parang hindi ko yata nakikita si Clue.
Teka lang parang hindi ko makita si Clue. Turan ko sa kanilang dalawa.
Oo nga at mukhang wala sya rito. Tugon naman ni Cedric.
Kung gayon saan naman sya pupunta? Madilim na ang paligid. May lakad pa ba sya ng mga ganitong oras? Tanong ni Anne.
Di ko rin alam Mako, baka may pinuntahan lang si Clue na mahalaga kaya wala sya. Hinuha ko sa kanila. Saan naman kaya pupunta si Clue?
Ang mabuti pa ay hanapin na natin sya ngayon. Maaring narito lang sya malapit sa bundok kaya susubukan kong iaanalyze ang kabundukang ito. Suhestiyon ni Cedric sabay ginamit ang isang malaking hologram na pinalitaw nya sa kanyang mga palad.
Nice one Cedric! Mabuti na lang talaga at may kaibigan kaming matalino at maalam sa teknolohiya. Tuwang tuwa na sabi ni Anne. Napasimangot ako bigla. Alam ko naman na hindi nya intensyon na pagselosin ako pero di ko pa rin maiwasang magselos.
Ewan ko ba, dati naman hindi ako ganito. Simula lang talaga ng naging girlfriend ko si Anne, nagkaroon na ako ng pagseselos kapag kinakausap nya ang ibang lalake or kapag humahanga sya rito.
Hindi naman sa selfish ako pero parang ganun na nga. I could be generous at most things pero I am selfish when it come to her. Gusto ko na ako lang nagpapahanga sa kanya, ako lang nagpapakilig, ako lang humahalik at yumayakap at marami pang iba. Akin lang ang Mako ko!
Heyy Mako! Nagulat ako nang tawagin ako ng aking Mako. Nasa harapan ko sya at tila nagtataka. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero bigla ko na lang syang niyakap ng mahigpit.
Ahmmm Mako hindi na ako makahinga.. Naririnig ko na lang na sabi nya kaya pinakawalan ko muna sya. Lalong nagtaka ang kanyang ekspresyon ng kanyang mukha.
Mark ano bang nangyayari sa iyo? Kanina nakikita kitang nakasimangot ngayon naman niyakap mo ako bigla. Let me guess, nagseselos ka na naman noh? Pambubuska ni Anne sa akin.
Lah hindi ahh! Pag deny ko kay Anne. Pero alam ko naman na hindi sya naniniwala sa akin.
Sus kilala kita Mako. Hindi na uubra na yang pag dedeny mo sa akin. Seloso ka kaya at matampuhin. Diretsong sabi ng Mako ko. Ouch! Sakit pala kapag naririnig mo sa girlfriend mo na sinasabi nyang seloso at matampuhin ako.
O sige na, nag seselos na ako. I'm jealous.. Again. Tugon ko sa kanya sabay pout ko sa harap nya. Ngumiti pa rin sabay yakap nya sa batok ko tapos ay tinitigan nya ako sa mata.
Nagseselos ka na naman kay Cedric ah. How many times would I have to tell you na hindi mo kailangang magselos sa kanila dahil walang malisya yun eh. Sabi nito sa akin kaya napayuko ako. Ewan ko ba bigla akong na speechless sa mga sinabi nya.
Kaya wag ka nang magselos pa. Diba ikaw naman love ko? You are the only one that I love. Malambing na panunuyo nito sa akin na biglang nagpangiti sa akin. Kinilig kasi ako sa mga sinabi nya.
Sorry na po Mako. Hindi na ako magseselos kay Cedric. Ikaw rin po ang kaisa isa kong mahal at walang babae ang makakahigit sa iyo aking sinisinta. Tugon ko naman sa kanya at sya naman ang kinilig.
Okay na tayo ah. I love you Mako. Sambit ni Anne sa akin. Yieee napangiti ako ng malapad. Kinilig ako dahil mahal ako ng mahal ko.
Opo, sorry ulit ah. I love you too sooo muchh. May mustra pa ng pagkilos ng aking labi. At syempre hindi natapos iyon ng hindi ko sya mahahalikan.
Guys may nasagap ang aking kapangyarihan. May isang nilalang na naririto sa bundok na kaparehas ng energy ni Clue. Biglang sabi ni Cedric sa aming dalawa. Tumalima kami agad at tinignan ang hologram ni Cedric. May nakikita akong gray na dot doon sa hologram. Baka ito yung nasasagap ni Cedric.
Nasaang parte sya ng bundok? Tanong ko.
Malapit lang dito at kayang kaya na i teleport tayo doon gamit ang aking kapangyarihan kaya madadala nito tayo doon. Sambit naman ni Cedric.
Kung gayon ay tayo na. Suhestiyon ko naman sa kanya at pumayag naman ito. Naglabas sya ng kapangyarihan sa kanyang palad ay agad kaming nag teleport.
Dinala naman kami ngayon nito sa isang madamong lugar ngunit kakaunti ang mga puno dito. Pagtalikod ko ay nakita ko ang mataas na bundok. Saang parte kaya ng bundok ito?
Guys ayon si Clue oh nakaupo. Sabi ng Mako ko sabay turo naman nya sa nakaupong si Clue. Nagliliwanag ang kanyang katawan habang nakaupo sa isang malaking bato.
Nakatingin lamang sya sa itaas na kung saan ay makikinang na bituin ang makikita. Pero kakaiba rin ang bituin dito. Mas maputi sya at parang mas malapit sya sa paningin ng mata kaysa sa mga bituin sa aming mundo.
Mabuti pa ay lapitan natin sya. Suhestiyon ni Cedric sa amin. Pumayag naman kami kaya naglakad na kami papunta sa kanya.
Nasa harap naman na namin ang likod ni Clue pero nagtataka ako kung bakit hindi pa sya humaharap sa amin? Imposible namang di nya kami naramdaman. I mean alam ko na malalakas ang pakiramdam nila base na rin sa mga ipinapakita ng mga sorsera.
Clue? Tawag ni Anne sa kanya pero di pa rin sya humaharap. Nagsisimula na tuloy akong kutuban ng hindi maganda.
Guys si Clue ba talaga yan? Nagtatakang tanong ko.
At bakit naman hindi? Narinig ko ang boses ni Clue sabay harap nito sa amin. Si Clue nga ang nasa harapan namin. Mukhang nagkamali lang ako ng akala.
Clue! Salamat naman at ikaw na yan. Tuwang tuwa na sabi ni Cedric. Napangiti lang ng bahagya si Clue sa sinabi ni Cedric which is nagpatakang muli sa akin. Kailanman ay hindi ko nakitaan na ngumiti sya kahit bahagya lang.
Anong ginagawa nyo dito? Masyadong madilim na ang paligid pero narito pa rin kayo. Turan nito sa amin.
Tapos na namin ang aming misyon Clue. Nakuha na namin ang bunga mula sa Eternitree. Pag imporma ni Anne kay Clue.
Magaling mortal, kaya ngayon ay atin nang ipadala ang ito kay Riddle. Samahan ninyo ako upang mabigay natin ang bungang ito sa kanya. Sabi naman nito sabay anyaya sa amin papunta sa ibang direksyon. Naglakad naman kami pero hindi pa rin naiaalis ang aking pag dududa sa kanya.
Bakit dito tayo pupunta hindi ba dapat sa bundok tayo tumungo? Tanong ko sa kanya. Humarap ito sa akin at tila naiinis ang kanyang histura.
Mortal kung ayaw mong maniwala sa akin, tumungo ka nang bundok mag isa. Matabang na sabi nito. Hindi ako natakot bagkus ay lalo akong naghihinala. Walang problema sa kanyang wangis pero sa ikinikilos at pag uugali nya ay alam kong may iba.
Clue wag mo namang pagsalitaan si Mark nang ganyan. Nagtataka lang naman sya kung bakit doon tayo pupunta. At alam mo, maski kami ay naninibago sa ikinikilos mo. Pagtatanggol ng Mako ko. Napangiti naman ako sa kanya. Concern talaga ang girlfriend ko. Kaya mahal na mahal ko eh.
Paumanhin pero waa kayong dapat ipagtaka sapagkat doon natin gagawin ang orasyon upang maipadala ang lunas para kay Riddle. Pagbabago ng emosyon nito. Nakumbinse naman silang dalawa pero ako slight lang. Ewan ko din. Mayroon akong di maipaliwanag na nararamdaman sa kanya.
Ipinagpatuloy namin ang aming paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang matarik na bangin. Bakit sa dinami dami ng lugar dito pa? Pwede naman sa loob ng bundok gawin.
Simulan na natin Clue ang orasyon. Suhestiyon ni Cedric pero ngumisi lamang ito.
Paumanhin mga mortal pero kailangan nyo nang mawala dito sa mundo namin. Biglang sabi nito sabay tulak nya na malakas sa amin. Ang tulak na may kasamang negatibong enerhiya ang nagpatulak sa aming tatlo kaya naman diretso kaming hulog sa bangin.

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...