It's a Promise

114 7 0
                                    

Naalimpungatan ako.

Ano ba naman yan.

Ang ingay naman sa baba.

Ano ba'ng meron???

Ahh. Oo nga pala.

Wala nga pala ako sa Manila.

Nandito kami ngayon sa bahay ng lola ko sa probinsya.

Nakatulog pala ako sa sobrang pagod sa byahe.

Tsk.. Nabadtrip na naman ako.

Ayoko naman kasi talagang sumama rito eh.

Mapilit lang talaga si Mommy.

Birthday kasi ni Lolo, Daddy ni Mommy.

Darating daw ang buong pamilya pati mga family friends, kaya dapat daw kumpleto kami. Personal wish daw iyon ni Lolo.

At dahil bakasyon ngayon, siguradong magtatagal pa kami dito.

Hay. Panigurado nandito rin si Allen, ang babaeng nirereto sa'kin nila Mommy. Anak siya ng isa sa mga family friends namin. Maganda naman siya. Wala namang duda tungkol dun. Gwapo rin naman ako. Syempre, lalong walang duda yun. Bagay nga raw kami, sabi ng marami. Pero ewan ko ba, parang naiilang ako pag sinasabi nila yun. Siguro kasi, hindi pa ako sure kung gusto ko ba talaga siya, o nadadala lang ako sa pang-aasar nila. Though, attracted din naman ako sa kanya at alam kong ganun din siya sa akin. May mga bagay lang talaga siguro na kailangan munang pag-isipan at hindi dapat idaan sa pagmamadali. 

Ahh. I forgot to introduce myself. Ako nga pala si Zedred. My family call me Zed and my friends call me Red. Kayo na lang bahala kung anong gusto niyong itawag sa akin. I'm 17 years old. Single. Kaya naman sobrang habulin ng babae. I don't brag. It's the truth. Nasa pamilya na namin ang magandang lahi. May foreign bloodline kasi kami, actually marami. My great grandfather is a Half-Filipino, Half-Spanish. My great grandmother is a Half-Filipino, Half-American. Marami pa, hindi ko na lang babanggitin lahat.

Makababa na nga.

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga.

Marami na yatang bisita sa baba.

Nagbanyo muna ako at inayos ang sarili ko sa harap ng salamin.

Pagbaba ko, hindi na ako nagtaka kung bakit maingay sila.

Dumating na rin ang iba naming kamag-anak.

Ang saya-saya nilang nagkwekwentuhan. Si Mommy at Daddy tawa nang tawa, kausap kasi nila sila Tito. Ewan ko lang kung anong pinaguusapan nila.

"Uy, Zed! Kumusta?" pinsan ko yun, si Ron.

"Ayos lang. Medyo bored lang. Ikaw, chick boy pa rin?" natatawang sabi ko. Babaero kasi talaga 'tong pinsan kong 'to. Panigurado kaya sumama siya dito, para makakilala na naman ng magagandang 'chicks'. Tsk.. Loko..

"Ahaha. Wala, eh. Ganun talaga. Ikaw naman, wala pa ring girlfriend?" nang-aasar ang loko.

"Loko! Hindi naman kasi ako katulad mo. Ayokong makipagrelasyon nang lokohan lang. Hindi ko ugaling manakit ng babae, noh!"   Totoo naman. Hindi ko kayang makakita ng babaeng umiiyak dahil sakin. Gentleman ako.  ^.^

"HAHA! Tara, labas tayo. Mag-sight seeing tayo." 

"Asus! Alam ko namang hindi magagandang tanawin ang hinahanap mo, eh. Magagandang babae!" pang-aasar ko.

"Kasama na rin yun. Sige na, samahan mo na ako."

"Sige, tara. Para naman malibang-libang ako."

Ayun nga ang nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon