Ninth day of her happiness

1.2K 17 0
                                    

Milka's POV:

"Ms. Isabella tatapatin na kita. Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa. Malala na ang sakit mo sa puso, ano mang oras ay pwedeng umatake ulit ang sakit na pwede mong ikamatay."

Laglag panga akong tumingin kay Dr. Alonzo.

"P-pero doc m-mabubuhay pa ako ng matagal diba? Diba doc? D-diba?"

"You have a last stage of heart disease. Kailangan mong humanap ng heart donor para humaba pa ang buhay mo. Mas mabuti kung mas maaga mas maagap. Pinag aaralan pa kung ilang araw o buwan ang itatagal mo, siguro mamaya o bukas pa lalabas ang test."

Nakatingin lang ako sa kawalan habang pinapaliwanag sakin ni doc ang tungkol sa sakit ko. Panay ang tulo ng luha sa aking mga mata.

Saan na naman ako makakahanap ng donor?
Senior high palang ay nag papakunsulta na ako kay Dr. Alonzo, inaagapan naman ang sakit ko.

Pero hindi ko naman inakalang aabot sa ganito ang lagay ko. Namana ko yung sakit ko sa Lolo ko but she passed away 2 years ago.

Masaya pa kami dati eh nung mga time na buhay pa si lolo at hindi pa nambababae si daddy.

Simula kasi nung namatay si lolo, lagi nalang umuiwi ng lasing si daddy at kung minsan naman ay nahuhuling nambababae ni mommy.

Sa simula lang ako umiyak pero kalaunan nasanay narin naman.

Pinunasan ko muna ang luha ko bago tumingin kay doc.

"M-mauuna na po ako" ani ko at pilit na ngumiti.

"Kailangan na nating makahanap ng donor sa lalong madaling panahon bago pa mahuli ang lahat"

Tumango lang ako sa kanya.

Nung nag papa therapy palang si Lolo at sya din ang nagaasikaso, pero dahil huli na ang lahat ay hindi na naagapan pa.

Lumabas ako ng office ni doc at nagtungo na ng kotse para makauwi agad.

Pag dating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto para makapag isip isip.

Pano nalang kung hindi ako makahanap ng donor? Pano pag namatay ako? Babalik kaya dito si daddy? Iiyak kaya sila o malulungkot?

Siguro hindi, wala naman silang pake sakin eh ni kamustahin nga hindi nila magawa umiyak pa kaya?

Hindi ko alam kung gusto ko bang mabuhay o mamatay nalang. Mamatay kase sa tingin ko pag nawala ako wala namang pake si mommy, si daddy, o kaya naman yung mga tinatarayan ko sa school.

Baka nga matuwa pa sila pag nawala ako kase wala ng maninigaw at magtataray sa University.

Mabuhay... Kasi pano nalang si nanay Elma? Si.... Hansel? Si nanay Elma na lagi akong kino-comfort tuwing malungkot ako, nag aalala sakin tuwing nagkakasakit ako o kaya naman ay umaatake nanaman ang sakit ko sa puso.

Yung isa sa mga taong nag paramdam sa akin na mahalaga ako at syempre minahal ako.

Si Hansel na lagi akong iniinis pero sa huli, napapasaya ako. Sya yung tipo ng lalaking kahit malungkot ka, nandyan parin sa tabi mo.

Mas uunahin nya yung nararamdaman mo kesa sa mararamdaman nya.

Kung tutuosin, maswerte ako dahil nakilala ko ang isang katulad nya. Well paniguradong lagi kang tatawa tuwing kasama mo sya. Gentleman din sya.... Kaya ang swerte yung babaeng makakatuluyan nya.

Wala ka ng hahanapin sa kanya sweet din sya kaya yung mapapangasawa nya laging kikiligin.

Napangiti nalang ako ng mapait dahil sa isiping iyon.

11 days for her happinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon