Rhianne's POV
Umaga na naman yay!
Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo. After thirty minutes, ay tapos na akong maligo at mag-bihis. Kinuha ko na ang bag ko at mabilis na bumaba.
Mamaya na lang ako kakain! I-che-check ko pa yung bahay!
Kaya naman umalis na ako at pumunta na do'n sa bagong bahay namin.
Hiniram ko yung susi sa care taker ng bahay kaya naman nakapasok ako at na-check ko.
Okay naman yung bahay. Maganda at malaki kumpara sa dati naming bahay at malapit pa sa university.
Pagkatapos ko i-check ay napagpasiyahan ko narin umalis dahil anong oras na rin at baka ma-late pa ako pero,
Nagugutom naman ako!
Shems naalala ko hindi nga pala ako kumain hays. Kaya naman dumaan muna ako do'n sa sinasabi ni kuya na cafe.
"Good day ma'am!" Bati sa akin ng waitress.
Ngumiti naman ako.
"May I know your order?" Tanong nung waitress.
Ngumiti ulit ako kaya naman ibinigay niya na sa akin yung menu nila.
Pumili naman agad ako.
"One iced latte, two strawberry pancakes with chocolate--"
Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng bumukas ang pinto mula sa kitchen area at iniluwal non si CASPHER at ATE CASS?
Wait, what?
Pa'no sila napunta dito?
"A-Ah ma'am... Sorry po. Excuse me!" sabi nung waitress dahil aawatin na niya siguro si Ate Cass at Caspher dahil nag-sisigawan sila.
"Ano na naman bang ka-walanghiyaan ang ginawa mo sa university ha?!" Sigaw ni Ate Cass.
No emotion naman ang sagot ni Caspher.
"Naku caspher! Ayus-ayusin mo lang!" Sigaw na naman ni Ate Cass
"It's none of your business."
Siguro yung ginawa nila ni Mandy ang tinutukoy ni Ate Cass 'no?
Tinapunan ng masamang tingin ni Ate Cass si caspher.
"Umayos ka caspher ah!"
"Ma'am Elizabeth p-pwede sa loob niyo na lang po ituloy i-ito? Madami-dami na po kasing customer na nanonood.." sabi nung waitress kay Ate Cass dahil oo nga madami na ang nanonood.
Bumuntong-hininga si Ate Cass at inilibot niya ang tingin niya at nagulat siya ng makita ako.
"Rhianne? Omg! Nandito ka pala!"
Ngumiti lang ako.
"Sorry sa ingay namin kanina ah? Nakakainis kasi si Caspher! Kung ano- ano ang pinag-gagagawa sa loob ng university."
"Okay lang po.."
Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko.
"So, anong order mo?" Tanong ni Ate Cass.
"One iced latte, two strawberry pancakes with chocolate syrup.."
Ngumiti si Ate Cass at sinabi do'n sa waitress ang order ko. Habang nag-uusap si Ate Cass at yung waitress ay tumingin ako sa likod ko.
Shems.
Nasa likod ko si Caspher at masamang masama ang titig sa akin. As in.
Anong problema nito?
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampireA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.