Lawrence Simbulan

23 0 2
                                    

Ako si Ried,tubong San Simon Pampanga, 18 taong gulang at kasalukuyang nag aaral sa LPU.Ako ay may taas na 5'9 kayungmanggi ang kulay,balingkinitan ang katawan, matangos ang ilong at mahusay sa paglalaro ng basketball, dahil dito nagkaroon ako ng mga tagahanga, lagi akong nasasali sa inter barangay at kada barangay na aking nilalaruan ay laging may babae akong nakikilala at nakakatext, ngunit di ko ito niliigawan sapagkat ayokong magkaroon ng nobya at para sa gayun din marami pakong makilalang ibang babae. Pero sa kabila nito meron akong babaeng gustong mapa-ibig.

Sya si Kathryn Isang kolehiyala sa sikat na unibersidad sa Bulacan. Sya ay may taas na 5'5 maputi, maamo ang mukha, mahihin na wariy di makakabasag ng pinggan. Ng ako ay makakuha ng tyempo kinuha ko ang kanyang cellphone number, at ng panahong ding iyon ay nagkatext na kami.Napaka lakas ng aking loob para sabihin na sya ay liligawan ko, akoy masayang masaya at kinikilig pa! Pero makalipas ang ilang sandali,ang masayang masayang si reid ay parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Ng mabasa ko ang kanyang reply,at ganito ang sinasabi; hindi ako nagpapaligaw at ayoko pang magka boyfriend, tsaka balita ko marami ka daw babae! Para bang nawasak agad ang abut langit kong ngiti! Eka nga round 1 palang knockout na! Pero di ako nawalan ng pag-asa,dahil sa lakas ng pag-pana sakin cupido patuloy parin ako sa pagsuyo sa kanya,ngunit wala parin. dahil sa ako'y naguguluhan na kung itutuloy kopaba ang panliligaw, kumunsulta nako sa bestfriend ko. Isang gabi nakausap ko ang aking ama, mayroon akong gustong babae pero parang di nya ko type ang sabi ko.

Tumugon ang aking ama, Alam mo reid anak, di lahat ng gusto mo ay makukuha mo, may mga bagay talaga na kahit gusto mo ay hindi mapapa sayo, dapat tanggapin mo ito, pero kahit ganun, wag kang susuko, parang basketball lang yan, nataloka man ngayon, pagbutihin mo lang,malay mo sa pagtitiyaga mo kayo rin ang magkita sa finals! ginawako ang sinabi ng aking ama, nagtiyaga ako at tila'y nahabag sakin si cupido at sa wakas ay pinansin na nya ako, eto na kami ngayon may pagkakaintindihan na at umaasang maglelevel up pa at umaasang makasama sya sa finals! ang makatabi sa harap ng altar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana tayo parin sa FinalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon