Prologue

21 1 0
                                    

Sikat si Tyron.

Sikat din naman si Clint.

In short pareho silang sikat.

"Tyron!? OMG! g-girls si Tyron yon, right??... Dali habulin natin, bilis!

(~~,)

"Oh sh*t, he's with Clint..Oooh my..."

(.~~)

Eh ano naman pakialam ko sa sinasabi nila? Makakain ko ba ang pag-iisip na pareho silang sikat? Lalakihan ba ni mama ang baon ko pag inisip ko na pareho silang sikat? Kikita ba ako ng malaki sa pagtitinda ng load, sinturon, RTW at street foods kung alam kong sikat sila pareho?

Aish, mga babae kung tumili sa kanila parang mga shunga. Di kaya sila magkapolyp sa ngala ngala nyan sa kasisigaw?

Ano naman mapapala nila sa kakahiyaw ng pangalan ng dalawang yon? Tsk, tsk..

Kung bumili na lang sila ng mga paninda ko edi sana nkatulong pa sila sa isang kayod kalabaw na kagaya ko. Diba? Tsk, tsk.

Pambihira oo. Palibhasa kasi mga anak mayaman. So what if they're rich?

"Hey miss."

"Ay butiki! Aray." Napaso ako at natapon ko naman ang braise sa...

"Aynaku mama, s-sorry po..pasensya po talaga." Naku ang tanga ko talaga! Natapunan ko sya sa mukha at...tumulo sa  abs este shirt nya. "Sandali lang po sir kuku-." Tatalikod na sana ako para kumuha ng pamunas..ahmm..something like tissue? nang may humawak sa kamay ko. "Sir, mabilis lang ta-" Hindi ko na naman natapos ang dialog ko. Direktor ba sya? Kasi CUT sya ng CUT eh!

"Dalhin mo na lang ako sa bahay nyo. Dun na lang ako maghihilamos." Surely?? Este...

"H-ha?! Ano po yon sir? Pano mga paninda ko?" Tama rin talaga bigyan sya ng pabor gaya nyan dahil kasalanan ko na natapunan ko sya ng braise pero..syempre mas importante ang kikitain ko diba?

"Bibilhin ko na lahat yan, makapaghilamos lang. Ang lagkit kasi...at ang baho." Mind reader sya? Itatanong ko pa sana. Talaga? ay sure yan lang eh. Kahit paliguan pa kita. "Hahaha."

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Patay! Sa sobrang tuwa ko na bibilhin nya lahat ng paninda ko eh humalakhak ako. Nasaisip ko lang yon ah. Haisst mukhang mapupurnada pa yata.

"Ah eh, wala po sir. Natuwa lang ako masyado. Alam nyo na ubos paninda ko eh. Diba ang swerte ko? Hehehe". Totoo naman yon diba? Umiling na lang sya, pinahid ang mukha at inamoy ang damit.

"So miss, pwede na ba tayong umalis?" Tanong nya.

"Ay oo sir, right away!" Mabilis kong sagot at nagsalute pa ako. "Sean, halika nga, pakiligpit na neto lahat, pakibalot at tayoy uuwi na! Wag na magtanong may bibili na nito lahat, ok?"

.................................................................................................................................

A/N

Bukas makalawa you will know who that is.

Byieee for now..

See yah when we see...yeah...hahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Declare WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon