Miya's POV
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?"medyo naiinis kong tanong kay Alice pagkalabas namin ng Cafeteria.
"Magpapasama lang sana ako sayo sa Mall. May kailangan kasi akong bilhin eh. Wala pa naman kasi akong friends bukod sainyo pero may nga klase pa yung tatlo at ikaw lang yung naalala kong free ngayon. S-sorry"
Huminga ako ng malalim,"Akala ko may klase kayo ngayon?"
"Meron nga dapat. Pero yung teacher namin sa time na 'to eh absent kaya ginawa nalang na lunch time"
"Oh sige sasamahan na kita"
Bigla namang nagning-ning ang mga mata niya,"Talaga,Miya?"
Ngumiti ako saka tumango.
********
"Miya super thank you talaga sa pagsama sakin ah?"sambit ni Alice habang kumakain kami dito sa Jollibee. Since di pa ako kumain dahil sa nangyari kanina at di rin siya kumain,nilibre niya ako dito.
"Wala yun"ininom ko ang pineappld juice ko,"Para saan ba yang bag na binili mo?"
"Para sa ate ko,nagtatampo kasi siya dahil di ako makakapunta sa birthday niya na gaganapin sa London. Eh nalaman ko namang favorite niya 'tong bag na 'to kaya naisipan kong baka pag binigay ko sa kanya 'to,hindi na siya magtatampo sakin"
Tumango nalang ako sak nagpatuloy sa pagkain.
"Siya nga pala,sino yung isang lalaki kanina sa cafeteria na nagsabi ng 'I think I like this girl'?"
"Ahh siya si Clint. Pinsan ni Lesley,yung kaibigan ko sa classroom"
Bigla siyang napaisip,"You know what,ang gwapo niya ah!"
Bigla naman akong napaismid sa sinabi niya,"Duhh? Yun gwapo? Eh kita mo naman yun,ang itim tas may eyeglass pa. Kung titignan mo lang yun,muka siyang nerd"
"Oo tama ka pero siya na ata yung pinakagwapong mukang nerd na nakita ko"bigla siya napatingin sakin"Baka naman kasi nagseselos ka?"nakangisi niyang sabi.
"H-hindi ah"iniwas ko ang tingin ko
"Okay sabi mo eh"sandali siyang natahimik saka biglang........."OMYGOSHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!"
Napatingin halos lahat ng tao kay Alice dahil sa biglaan niyang pagsigaw.
"Hoyy tinitignan ka na ng mga tao. Ano bang sinisigaw mo diyan?"
She rolled her eyes,"Wala ka bang napapansin,Miya Miller?"
"Huh?"
"Diba di naman tayo nag uusap ng ganito? Nagkakahiyaan tao diba? Sa chat nga lang tayo close eh. Pero look at us now"
Napaisip din ako sa sinabi niya saka ngumiti.
Kinuwento sakin lahat ni Alice lahat ng mga nangyayari sa kanya sa classroom nila. Madami daw siyang nakaklaseng bitch kaya di siya nakikipagkaibigan dun.
Kinuwento na niya lahat ng gusto niyang ikwento para daw di siya mapagod pa magtype mamaya pag nagchat kami. HAHAHAHA loko.
Agad na din akong nagpaalam sa kanya para bumalik na ng school dahil 5minutes nalang ay magsisimula na yung next subject ko. Si Alice naman ay uuwi na dahil wala na siyang klase.
Mabilis akong nakarating sa school dahil malapit lang naman sa pinuntahan namin ni Alice.
Buti nalang ay magkasabay kaming pumasok nung teacher kaya di ako nalate.
Dito sa subject namin 'to,inaantok ako. Ewan ko dahil ba sa lesson o dahil dun sa boses ng teacher na akala mo nahpapatulog ng bata.
Aishh diko kasi kaklase si Lesley dito sa subject na 'to kaya nabored ako.
Buti nalang sa last subject ay classmate ko siya. Kahit na naglelesson yung teacher,nagkwekwentuhan kami. Di naman niya kami pinapansjn dahil nagbabayad naman kami eh.
"Paano mo ba naging pinsan yung si Clint?"tanong ko nung maalala ko siya.
"Hoyy magkuya ka naman. Mas matanda yun satin ng two years eh"pagsuway niya,"Bakit? Sobrang gwapo kasi nun no?"
Napairap naman ako bigla"Mas matanda? Bakit? Atsaka di siya gwapo"
"3rd year college na si Kuya Clint. Engineering ang course niya at pareho sila ng kuya ko."tumingin siya sa teacher namin"Gwapo yung si Kuya Clint. Ewan ko lang sayo bulag ka siguro. Isa siya sa pinagpapantasyahan ng mga students dito. Malakas dating nun kahit nakaeyeglass at maitim"
Oo alam kong gwapo din yung Petmalung yun kaso diko type. Aishh.
Buong subject si Petmalu ang topic namin ni Lesley. Siya kasi eh. Kwento ng kwento about sa kanya eh as if namang interesado ako.
Uwian na namin. Balak sana naming sabay lumabas ni Lesley pero nakaabang na pala sa harap ng classroom namkn yung kuya Hanzo niya kaya yun,wala na.
"Hi Miya!"halos mapatalon ako sa pagbati ni Petmalu sakin.
Maglalakad na sana ako paalis nang harangan niya ako kaya napasubsob ako sa dibdib niya.
Ewan ko parang may bulate atang gumalaw sa tiyan ko.
"Ano ba,Petmalu"
"Petmalu,tss"pairap niyang sabi,"Anyway,gusto ko lang makipagkaibigan sayo hehe"
Tinignan ko siya ng mabuti,"At bakit?"
"Syempre kaibigan ka nung babaeng natitipuhan ko so dapat kaibiganin din kita"
"Si Alice ba ang tinutukoy mo?"
Tumango siya,"Liligawan ko din sana siya. Mukang wala naman siyang boyfriend eh. Okay lang naman sayo yun diba,friend? Tutulungan mo ako sa mga gusto----"
"Hindi mo siya pwedeng ligawan"sabi ko saka muling naglakad.
"Bakit naman hindi"tanong niya habang sumusunod parin sakin.
"Pag sinabi kong hindi pwede,hindi pwede."
Napangisi siya,"Nagseselos ka siguro no? Kasi crush mo ako kaya---"
"Sapak you want?"
"Eh bakit nga kasi di pwede ha?"
Pumikit ako,"Dahil gusto ko si Alice"
Sandali siyang natahimik saka bumulalas ng tawa,"Nagpapatawa ka ba? Ano ka tomboy?"
"Bisexual"Pagtatama ko sa kanya.
"Ang ganda mo tas magkakagusto ka lang sa kapwa mo babae? Sayang ka"huli niyang sabi saka ako iniwang tulala
BINABASA MO ANG
Love is Love
Teen FictionAng istoryang ito ay naglalaman ng buhay ko,charot! Tungkol ito sa isang babaeng bisexual. Wait. Kung dumating kaya ang isang lalaki sa buhay niya,sa babaeng alam niyang mahal niya pa din kaya siya titingin? Hmmm.