My selfie girl

117 2 0
                                    

"Pre! sino naman yang tinitignan mo?" sabay lapit sakin ni Anthony, ang bestfriend ko.

"Sino sa tingin mo?" sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Si Adriana?" patanong nyang sabi sakin.

"Alam naman pala nagtanong pa! Tsk!' sabi sabay tingin ulit kay Adriana. Ang ganda nya talaga and she look so cute everytime she makes weird faces in front of the camera. Pero sad to say na ang cold nya sakin :'(

"Tsk! Tsk! ang torpe mo dude! lapitan mo kaya." sabi nya sakin.

"Hindi ako torpe dude! nilalapitan ko kaya yang babaeng yan. Binibigyan ko pa nga ng mga flowers, chocolates at teddy bears pero titignan nya lang ako tapos lalayo sakin. Kung kakausapin ko naman sya hindi sya nagsasalita pero pag ibang lalake ang kausap nya sasagot sya with matching tawa at pacute pa! Tinanong ko pa nga kung pwedeng manligaw pero tinaasan lang ako ng kilay at umalis. Grabe pre, hate nya siguro ako at hindi ako pinapansin." sabi ko kay Anthony na nakikinig lang sakin.

"Ang swerte mo nga pare kasi nilalapitan ka ni Aliyah na simula pagkabata ay mahal-" naputol ang sasabihin ko ng tinakpan niya ng kamay niya ang bunganga ko.

"Wag ka ngang maingay! Baka marinig ka nya!" sabi niya sakin sabay nguso kung nasaan si Aliyah. Hindi ko na talaga matiis at tinanggal ko na yung pagkakatakip sa bunganga ko.

"Pwe! pwe! grabe pare ang baho ng kamay mo! amoy tae!" sabi ko sa kanya. Kaderi lang ahh.

"Ay pasensya na pare. Nakalimutan ko kasing maghingi ng alcohol sayo ehh wala kasing sabon sa cr. Ikaw kasi dinestruct mo ako dyan sa patingin-tingin mo kay Adriana." abat sinisi pa ako. Gag* tong lalakeng to ahh. Pasalamat sya at bestfriend ko sya kung hindi bugbog sarado na yan ngayon.

"Gag* ka at sinisi pa ako! Tss.. labas muna ako at nagugutom ako." sabi ko sa kanya at tinungo ang daan palabas ng room.

"Addison! hingi ako ng alcohol ha!" pahabol nyang sabi.

"Sa bag kunin mo." sigaw kong sabi sa kanya na hindi sya nililingon. Nagmumuni-muni lang ako habang naglalakad ng may biglang sumigaw.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo. You go out in my way!" sigaw ni Abegail. Hindi lang sa pagmamayabang, patay na patay yan sakin. Pero makaturn-off lang dahil ni simpleng english hindi pa alam -_-'

"Yeah she is right!" isa sa mga alipores nya, si Addie.

"So you stop staying in her front!"isa pa sa mga alipores nya, si Agatha.

"Tayo na girls! Baka mas lalo lang masira ang mga beauty natin!" pfft. kung may beauty nga sila hahaha di hamak na paa lang sila ni Adriana eh.

"Wait!" sigaw nung babaeng nakabangga kay Abegail.

"What you want to us huh?" matapang na sabi ni Abegail.

"Im sorry for blocking up your way even its not my fault. I've already ask for sorry but you just ignore it. And insteed you just burst out like an angry geriatric person! Tsk..I'm just wasting my time in this dipstick person so good day." sabi nung girl at umalis na. Yung tatlong babae, ayun natameme. Hahaha matinde itong babaeng to ahh hahahaha transferee siguro yun.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CANTEEN

ADDISON'S POV

Ano ba yan, parang wala nang available seats dito sa canteen.

*Hanap

*Hanap

*Hanap

Ayun! meron pero may nakaupo na. Try ko nalang mag ask kung pwedeng makiupo doon. Nilapitan ko na yung girl. Wait, sya yung nakaaway ni Abegail kanina lang ahh. Baka malditahin ako nito kaya wag nalang. Tatalikod na sana ako at maghahanap nalang ulit ng mauupuan nang tinawag ako nung girl, nakita nya siguro ako.

My Selfie Girl (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon