Una at huli.

1.4K 28 5
                                    


Nung iniwan niya ako, akala ko end of the world na.


Madaling araw na naman, wala pa rin akong tulog. Nakahiga lang ako, nakatingin sa taas, nag iisip isip nang biglang may tumulong luha sa mga mata ko. Naiisip na naman kasi kita.

Kamusta ka na kaya?

Okay ka na ba?

Anong ginagawa mo ngayon?

Kumain ka na ba?

Masaya ka ba?

Mahal mo pa ba ako?

Madami  pang tanong ang nasa utak ko kahit alam ko namang hinding hindi mo na to masasagot... dahil di ko din naman kayang tanungin ka.


5 months na simula nung naghiwalay tayo. Lahat ng sakit, damang dama ko padin. Yung kirot sa puso ko, anjan pa din. Yung mga sinabi mo sa akin, kabisadong kabisado ko pa bawat salita. At ikaw, andito pa din sa utak at puso ko.


Oo, tandang tanda ko pa din yung araw na yun. Yung umayaw ka na, yung sumuko ka na.

Tinanong kita nun sa text, nanginginig pa mga kamay ko habang nagttype, "OO o HINDI lang. Kakapit pa ba ako sayo?"

Mga ilang minuto, nagreply ka naman. At dun, sa oras na yun, namatay ako.

Ang haba ng sinabi mo pero eto lang mga naiintindihan ko,

"HINDI NA"

"I'M SO TIRED"

"I CAN'T DO IT ANYMORE"

Nagreply din naman ako sayo, for the last time. Sabi ko lang, "Okay po :)"  pero nung time na yun, gusto ko sumigaw ng malakas pero wala nang boses na nalabas sakin dahil sobra sobra na din yung iyak ko. Sinasaktan ko sarili ko physically kasi gusto ko mabawasan yung sakit na nararamdaman ko emotionally.


MAHAL KITA EH, SOBRA.

Kung gaano kita kamahal, ganun din ako kadurog. (fck naiiyak ako habang tinatype to)


Sa totoo lang, dati, sobrang nacocornyhan ako sa mga taong kala mo mababaliw na dahil sa pag-ibig, di ko akalain babalik sa akin lahat ng sinabi ko.

Dahil kinaumagahan after our break up, niyaya ako ng pinsan ko kumain sa labas. Fuck, tuwing naaalala ko sarili ko nun, para akong tanga. I was crying habang nagddrive, nagoorder ako ng food nang umiiyak, I was laughing pero umiiyak pa din, sabayan pa ng sad music ng resto. Tinatawanan nga ako ng pinsan ko kasi I was even shouting, "Ayoko na! Di ko na kaya!"  at pinagtitinginan na ako ng ibang tao.

Pero during that time, wala na akong pake sa sasabihin sa akin ng ibang tao. Ang iniisip ko lang nun, gusto ko na mawala yung sakit na nararamdaman ko. I can't even breathe properly, sinusuntok ko na dibdib ko kasi nararamdaman ko talaga yung sakit sa puso ko.


Ang labo naman kasi ng tadhana, ni hindi pa nga kita nakakasama, nahawakan, o nakita man lang sa personal, kinuha ka na agad sa akin.

Eto ang hirap sa LDR eh, kahit anong ayos mo sa problema, may mga bagay talaga na di naaayos ng mga salita lang.


Some people even ask me kung bakit tayo nag hiwalay. May third party daw ba? Di na daw ba natin mahal ang isa't isa? May nahanap na daw bang iba? Di daw ba natin kaya ang LDR?

Pero hindi eh. Yung dahilan lang naman talaga is that we were both dealing with our own problems na akala natin maaayos natin ng magkasama pero hindi, 

Kumbaga parang inignore lang natin yung problem instead of fixing it. Kaya sumabog tayo.


Akala natin we met dahil kay God, kasi lahat parang tadhana dahil parang coincidence lahat, akala natin perfect timing...

Di natin inisip na SOBRANG WRONG TIMING.


Ilang months  din akong gabi gabi umiiyak. Pinagdadasal ko na bumalik ka sa akin. Pero wala eh. 

Sa huli napagod na din ako.

Sa huli, nagpasalamat nalang ako sa Diyos na nakilala kita.

Isang lalaking nagmahal sa akin ng sobra sobra. Taong sobrang naappreciate ako at buong existence ko. Ikaw yung nagparamdam sakin kung gaano ka sarap ang magmahal. Ikaw yung lalaking di ko akalaing nag eexist, na akala ko sa libro lang nageexist. Ikaw yung 'The one that got away', 'sayang' at 'almost' ko. Salamat sayo.


Oo, mahal pa kita.

Pero masaya ako sa kung ano mang nakikita ko ngayon sayo. Masaya ako na masaya.

Kaya today, I'm letting you go and letting myself live happy.

It was nice to meet you.


(ayoko na pahabain, masakit hehe)

end.

Nung iniwan niya ako..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon