Danreb's P.O.V
Nagising ako sa tunog na narinig ko. Hindi siya maingay, ang sarap. Ang sarap sa tenga pakinggan ang tinig na yon. Tila ba'y anghel na umaawit.
Ilang minuto ko pang pinakinggan ang tinig na yon hanggang sa maisipan ko ng tumayo.
Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang hinigaan ko. Ng sumilip ako sa labas e papalubog na ang araw kaya agad akong nagpalit ng suot at lumabas ng kwarto.
Pagkalabas ko ng kwarto e naabutan ko si Kuya Chad na may hawak na gitara at nasa sala, may kasama rin siya, tatlong (3) babae at isa(1) pang lalake. They're singing, and their voices is so great, I never thought that Kuya Chad also knows how to play guitar.
Pinanood ko lamang sila at sobrang nag-eenjoy ng mapansin ako ni Kuya Chad na pinapanood sila.
Agad naman siyang tumayo at bumati sakin, ganon rin ang iba niyang kasama. Tumango at ngumiti lamang ako sakanila.
'Ah, sir? Diba po may banda kayo non? Sabayan niyo po kami dito!' Pagyayaya ni Kuya Chad sakin.
Nahihiya ako.
'Sige na, sir! Parinig naman ng boses niyo.' Sabi ng isang matandang babae na base sa itsura e nasa mga 50 years old.
'Pumayag na po kayo, sir. Sige na po.' Dagdag naman nung isang babae.
'Nakakahiya naman po kasi e. Ang gaganda ng boses niyo. Hehe.' Sabi ko at napakamot nalang sa batok.
E, totoo naman na sobrang galing at ang ganda ng boses nila. Minsan yung mga di mo aakalaing singer e sila pa yung may gift na tulad nito na sobrang gagaling.
'Wag ka na pong mahiya, sir! Haha.' Sabi ni Kuya Chad at hinila na ako paupo sa isang sofa na made of kahoy don.
Naupo naman ako kahit nahihiya ako.
'Ako po pala si Dana, sir!' Sabi nung isang babaeng na sa paningin ko e nasa 30plus na.
'Sir, ako po pala si Nang Linda.' Sabi nung matandang babae.
'Ako po sir si Jhemz.' Sabi nung lalake.
Nagtataka ako sa isang babae sa tabi ni Nang Linda dahil nayuko lamang siya at tila ayaw magpakilala.
Nahalata siguro ni Nang Linda yon kaya marahan niyang siniko yung babae at parang nagulat yung babae.
Wow.
Ang ganda niya, seriously. Ang ganda niya, morena at simple siya but then sobrang ganda niya, idagdag mo pa yung bangs niya na abot kilay.
'A-ah-ah.. A-ako po pa-pala si Tina, Kristina po, s-sir!' Sabi niya at halata sakaniya na nahihiya siya.
Ngumiti muna ako bago ako nagpakilala sakanila.
'I'm Danreb Olivar Mcsaint. Nice meeting you all.' Sabi ko at sanay ngiti sakanila.
Ngumiti naman silang lahat pero halata paring nahihiya si Tina sakin, I don't know why.
'So, ano palang alam mo na kanta sir?' Tanong bigla ni Kuya Chad sakin.
'Ah-eh.. Kayo na pong bahala, baka alam ko rin yung gusto niyo. Haha.' Sabi ko nalang kasi nakakahiya baka di nila alam yung gusto kong kanta, one of those is Memories by Shawn Mendes.
'Ano kaya? Umm..' Sabi ni Kuya Chad at nag-iisip ng kanta.
'Ang Huling El Bimbo nalang ng Eraserhead!!' Bilang sigaw ni Tina na ikinabigla naman naming lahat.
Nahiya siya kaya napayuko siya at lahat naman kami'y natawa dahil don.
'Oh, alam niyo ba yun sir?' Tanong ni Ate Dana.
BINABASA MO ANG
Memories Afterall (BoyxBoy)
Fiksi RemajaMaibabalik pa ba ang tiwalang ilang beses ng nasira? May pagkakataon pa bang bumalik ang dating masaya na alaala? Sapat na bang magmahal at magpakatanga ng ilang beses para masabi mong, "Tama na, pagod na ako."? Muli pa bang pagtatagpuin ng tadhana...