01

6 0 0
                                    

Raena Jimenez, 19, currently working. Maaga akong nagmature. Naisipan ko magtrabaho nung 16 palang ako. Ever since bata palang ako, ang ginagawa ko lang talaga is mag aral, manood ng tv, mag computer, matulog at kumain. 

Nang tumatanda ako, nakakaramdam rin ako ng pangangailangan. Pangangailangan ng pagmamahal galing sa isang tao. Nung High School ako, yung mga kaibigan ko may kanya-kanyang nobyo at nobya. Ako lang ang wala dahil hindi ako interesado noon. Consistent honor student kaya ako kaya ayoko ng jowa.


Nagkaroon kami ng Reunion sa kadahilanan na mag a-abroad ang isa sa ka-batch ko at invited ako sa Reunion. 

Tinawagan ako ni Jedda.

"Beh, tinawagan ako nila Carlo kanina. May reunion daw tayo sa Friday. Pupunta ka ba?"

Si Jedda ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan. May jowa rin to pero walang preno sa katangahan tong kaibigan ko na to. Sobrang lakas magpakatanga pagdating sa nobyo niya. 

"Oo, ikaw ba? Baka naman hindi ka payagan ng jowa mong praning?" 

"Gaga, pipilitin ko. sayang naman kung hindi ako makakapunta. Ang tagal na rin nating hindi nagkita. May jowa ka na ba? Inaalikabok ka na yata, Rae."

"Siguraduhin mo lang na makakapunta ka kundi puputulan ko ng itlog yang jowa mo. Sige na, text nalang tayo Jedda may mga inaasikaso pa kasi ako." 

"Nako, ayan ka nanaman Rae, umiiwas sa usapang "jowa" haynako, sige na nga. Gawin mo na muna yan. Text us later!" 

Binaba ko ang tawag.


Napahiga ako sa kama. Tinitignan ang mga poster ko sa dingding at ang mga stars at moon na luminous sa aking kisame. 


Napaisip ako.


Kailan ko kaya mahahanap yung taong tititigan ko katulad ng pagtitig ko sa mga buwan at bituin?


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dating AppWhere stories live. Discover now