CHAPTER 06
CAMPCLEOPATRA
"HINDI KO NA ALAM.." nagising ako dahil may naririnig akong umiiyak.
"I don't even know if they're alive!" pabulong pa nitong sabi. Base sa boses nito ay mukhang si Reia iyon na umiiyak. Pagmulat ng mata ko ay nakita kong natutulog pa rin si Forseti sa tabi ko. Dumako naman ang paningin ko sa labas ng bintana, madilim pa sa labas.
I slowly rose from leaning on Forseti's shoulder while looking at my watch. It was 5:10 am.
"Hey, don't say that. I'm sure they're fine.." narinig ko ang boses ni Nami na inaalo si Reia. Pagtingin ko sa kanila ay nag-uusap sila doon sa may driver's seat. Nagdadrive si Reia habang si Nami naman ay nakaupo sa upuan na nasa likod lamang ni Reia.
I heard really loud snores and when I looked where it came from, I saw Sage and Rhyder sleeping beside each other. Sinasabi ko na nga ba.
"Nakita mo ‘yong mga tao kagabi. Ang dami nila at madami din sa kanila ang nainfect ng zombie. What if nandoon pala sila Mama at Papa-"
"Rei, don't think of negative things!" sabi naman sa kaniya ni Nami. Dahan-dahan akong umalis mula sa kinauupuan ko at tinignan kung magigising ba si Forseti, I don't wanna wake him up. When he didnt't, I headed for them, even though I was limping.
"Hey.." tawag ko sa kanila. Napalingon sila sa akin.
"Sorry..did we wake you?" tanong ni Reia sa akin, ang isang kamay niya ay nagpupunas ng luha sa mata habang ang isa naman ay nasa manibela. She looked at me once before looking at the road again. Nakita ko rin sa daan ang iilang sasakyan na mukhang galing din sa Calibri city.
"Hindi naman." Sagot ko nang tuluyan nang makalapit sa kanila.
"Nagreklamo kasi si Rhyder na antok na daw siya kaya nakipag-palit siya kay Reia, then I decided to accompany her for a while." Sabi naman ni Nami. Umusog si Nami at pinaupo ako sa tabi niya.
"Uhm, narinig ko ang pinagusapan niyo, I'm sorry." Wika ko sa kanila.
"It's okay. We just miss our families.." sabi naman ni Reia. I thought about Daddy, I know he can take care of himself very well. But I also thought of their families. Ang swerte ko kasi nakausap ko pa si Daddy at alam na ligtas siya pero ang mga kasama ko, hindi nila alam kung ligtas ba ang mga pamilya nila.
"We can't help but to think that our families may be included in the mass of people earlier.." sabi ni Nami. Nilingon ko siya at nakita ang nagbabadyang pumatak na mga luha sa mata niya. I rubbed her back.
Kailangan kong pagaanin ang pakiramdam nila. Hindi ako magaling mag-comfort ng ibang tao but I need to say something at least.
"I think your families made it safe.." sabi ko sa kanila.
"Bakit?" tanong ni Nami. This is not a lie but I'm not sure either.
"Our arrival at Cambria City should be at 4 am yesterday, malamang ay gising na ang mga pamilya niyo para sunduin kayo. It was also around that time when the virus was reported to be spreading here. I'm not entirely sure but there is a big chance that your parents have evacuated by that time. At ang mga taong nakita natin kanina ay bago pa lang na umalis sa kani-kaniyang cities dahil baka kakagising pa lamang nila." Paliwanag ko sa kanila. Pinahid ni Nami ang mga luha.

BINABASA MO ANG
Cleopatra: The Zombie Slayer
Bí ẩn / Giật gânFirst, there was a mysterious virus. Next came the apocalypse. Then death. And the girl who stood at the center of them all is Cleopatra, the Zombie Slayer.