Charles
Mula sa bahay ng aking handler ay dumaan muna ako sa favorite restaurant ko para makabili ng makakain dahil nakaramdam ako ng gutom. Pagdating ko sa loob ng restaurant ay dumiretso na ako sa counter para makapag order, ioorder ko na din sila Mama at Papa pati na si Clyde bilang pasalubong
Masaya akong binati ng mga crew ng restaurant "Good evening Sir! Ano pong order nila?"
"Good evening din ate, isa ngang Ham and Bacon Carbonara tapos isang Soft Shelled Shrimps tsaka isang Chicken Stars"
"With drinks po ba sir?"
"Yung Carbonara at Chicken Stars lang ate"
"Sige po Sir, anong drinks po ba?"
"Pineapple Juice na lang po"
"Ok po sir, that would be 529 pesos"
Inabot ko kay ate ang bayad pagkatapos ay hinintay ang aking order sa may waiting area. Habang naghihintay ako ay nagcheck muna ako ng phone ko. Nakita ko na ang dami ng post tungkol sa fashion show. Naiisipan ko na mamaya na lang ito isa isahin dahil siguradong matatagalan ako nito dahil sa dami ng mga post.
Makalipas ang 30 minutes ay may lumapit saakin na may dalang dalawang supot
"Sir eto na po yung order niyo"
"Ayy sige salamat kuya"
Papalabas na ako ng restaurant ng napahinto ako sa paglalakad dahil may nakabungo akong tao. Nilingon ko ito upang mag sorry sana at laking gulat ko ng makita ko kung sino siya
"Ni-Niña?!?"
Nakita ko na nagulat din siya sa muli naming pagkikita
"Charles?!?"
Bago ko pa makalimutan ay nag sorry na ako sakanya dahil medyo malakas yung pagkakabanga namin sa isa't isa
"Uyy sorry ha!"
"Ano ka ba ok lang noh! Sorry din. Oo nga pala anong ginagawa mo dito?"
"Ahh bumili lang ako ng food for take out. Ikaw anong ginagawa mo dito tsaka sinong kasama mo?"
"Uhmm kasama ko yung family ko, may family dinner lang tapos konting bonding na din"
"Ahh ganun ba, o sige sige mauna na ako at bumalik ka na sakanila para masulit mo yung oras mo kasama sila"
Nagpaalam na ako dito para ako'y makaalis na pero nagulat ako ng mag salita siya
"Ayyyy wait lang Charles"
Nilingon ko siya bago sumagot "Yesss"
"Uhmm gusto ko lang sanang mag pasalamat sayo sa lahat ng tulong mo saakin kanina! thank you for making my first fashion show a memorable one, I had fun being your partner. Ingat ka pauuwi"
Nakangiti ko naman siyang sinagot "Wala yun, I'm glad to know that I was able to help you. I also had fun especially since I was with you. Ingat din sayo at sa family mo, enjoy being with them. It was nice seeing you again Niña, Bye!"
Nagbeso lang kaming dalawa pagkatapos ay umalis na din ako at bumalik naman na din siya sa table ng family niya.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Clyde, ang nakababata kong kapatid