Kabanata 36

290 7 0
                                    

Kabanata 36

Bag

Naalimpungatan ako nang makarinig nang katok sa pinto. Unti-unti akong bumangon, bahagya pang naninibago sa lugar kung nasaan man ako nang maalala kong nasa mansyon nga pala ako ng mga Grey, na mansyon ko rin.

"Pasok, bukas iyan." namamaos ang boses kong sabi.

Bumukas ang pinto at niluwa niyon si Paevin na naka-formal attire. Iniiwas ko ang tingin ko, kinusot-kusot ang aking mata at pinasadahan ng daliri ang aking buhok.

"Are you comfortable of being here?" he asked and sat at the sofa. He even crossed his legs while looking at me intently.

"Not really pero siguro kapag nag-tagal na rin ako rito'y magiging kumportable na rin ako." I said honestly.

Tumango siya't tumingin sa kaniyang bisig-orasan, "It's already eleven-fifteen. May pasok ka ng twelve hindi ba?"

Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa sinabi niya. "Oh my god! Hindi pa ako nakakapag-ayos!"

"Bilisan mo. Ihahatid na kita sa eskwelahan mo."

"H-Ha? Hindi na kailangan. I can take a cab."

"Ihahatid kita." He said in finality.

I sighed at kinuha ang aking nag-iisang uniporme. Hindi pa iyon plantsado. Nilingon ko siya't binigyan ng nag-tatanong na tingin habang nakataas ang aking uniporme.

"I'll call Manang Awring para platsahin--"

"Hindi! I mean... nasaan iyong plantsa?"

"Lalo kang male-late kung ikaw pa ang mag-paplantsa niyan. Just leave it their at ipapa-plantsa ko na lang iyan kay Manang Awring." turo niya sa aking kama.

Tumango ako't hindi na nakipag-argumento sa kaniya. Naligo na ako kanina, bago umalis sa bahay ngunit napag-pasiyahan kong maligo ulit.

Nang matapos ay lumabas ako. Nakita ko ang plantsado kong uniporme sa kama. Napangiti ako nang malungkot. Dati-rati'y si Nanay ang nagp-plantsa ng aking uniporme ngunit ngayon... si Manang Awring na.

Habang nag-susuklay sa harap ng vanity mirror ay pumasok si Paevin na may dala-dalang bag na naka-plastic pa. Kitang-kita ko ang tatak ng bag na dala-dala niya... Chanel.

Ipinatong niya iyon sa kama at hinarap ako. "Our Mom told me that you should change your bag. Hindi ko sana gusto dahil baka hindi ka pumayag ngunit kinukulit ako."

Tipid akong ngumiti, "Salamat."

Nilapitan ko ang bag at pinagmasdan iyon.

"Do you like it?" tanong niya sa marahang boses.

"Oo naman. Kaso hindi ako sanay ng handy bag." nahihiya kong sabi.

Kailan man ay hindi ako nagkaroon ng handy bag. Kung hindi back pack ay shoulder bag at iyon ay hindi branded gaya nang hawak-hawak ko ngayon.

Nang pumarada ang sasakyan niya sa harap ng aming paaralan ay hindi ko mapigilan ang mahiya. Hindi kasi ako sanay na bumaba mula sa kotse. Pakiramdam ko'y pag-uusapan ako.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar. Nahihiya kong nginitian ang aking katabi nang makitang nag-tatakha nito akong tiningnan.

"Salamat."

Walang imik siyang tumango.

Nang makitang wala naman akong kakilalang pumapasok sa gate ay mabilis akong lumabas. Kinawayan ko siya't umuna na.

Nang maka-pasok sa loob ay may kung anong tumunog sa dala-dala kong bag. Nag-takha naman ako marahil ay hindi ako nag-lalagay ng cellphone sa aking bag. Ngunit nagulat ako nang may madukot na cellphone sa bag... Iphone!

Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon