Prologue:
Isang babaing nagtago sa igloo noong nagpa-snow si San Pedro ng talento sa pagsasayaw ang na-recruit sa sikat na dance troupe, ang BDT o Bangtan Dance Troupe.
Meet Xyla Peach Montero, ang dakilang journalist ng Camrod High na naging instant member ng nasabing grupo.
'Di usong mag-audition. Karakarakang tinanggap. At kahit na ayaw nyang sumali eh napilitan sya. Ikaw ba naman ang kaladkarin papunta sa dancing room.
Pero may isa syang problema. The very known lead dancer of BDT na si Jungkook ay ayaw sa mga kulelat pagdating sa pagsasayaw. Dahil ang ating bida ay nakakadena ang bewang kaya hindi makakembot, nagkaroon ng isang matinding gulo sa pagitan nilang dalawa.
Will she quit on dancing kahit na hindi naman talaga sya dancer? O pwede ring pagtyagaan nya ang hudas na pag-uugali ni Jungkook lalo pa't ang pogi nito?
Matututo nga ba sya kung paano sumayaw at hindi ang mag-warm up na lamang sa tabi? O baka forever poste na lang ang role nya sa BDT?
Ba't nga ba sya natanggap if in the first place eh bawal ang mga taong parehong kaliwa ang paa?
Tunghayin natin mga dakilang ARMY kung ano ang mangyayari kay Xyla. At kung bakit dancing queen ang title ng kwento nya.
BINABASA MO ANG
Dancing Queen (BTS: Complete) ✓
FanfictionXyla Peach Montero, the new member of Bangtan Dance Troupe na hindi marunong sumayaw. Ang tanong: Pa'no sya nasali sa grupo ng sikat na mga dancers? Matatanggap pa kaya sya ni Jungkook sa grupo nila lalo pa't ayaw nito sa mga kulelat sa pagsasayaw? ...