Chapter IV

43 3 0
                                    



Psyche

Uwian na. Pero hindi ko kasabay sila Eury at Artemis dahil bibili pa ako ng bagong gamit ko sa pagpi-paint. Ayaw ko silang isama kasi sakit lang sa ulo ang dala ng dalawang yun pero kasama ko naman si Hestia kasi may bibilhin rin daw siya.

"Magkikita nalang tayo sa K-pop cafe, nasa labas yun ng mall na ito eh pero relaxing naman doon" Sabi ni Hestia kaya napakunot ang noo.

"Halos nasa magkabilang dulo kasi ng mall na ito yung bilihan mo ng painting at ng bibilhin ko kaya sa K-pop Cafe nalang tayo magkikita. Nakapunta kana doon diba?" Tanong ni Hestia.

"Okey sige doon nalang tayo magkikita, baka may bibilhin pa akong iba o matatagalan ako ha? okey lang ba yun sayo?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Okey lang" Yun ang huling sinabi sa akin ni Hestia bago kami naghiwalay ng landas.

Agad naman akong nakapunta sa paroroonan ko at pumili ng mga gamit na kinakailangan ko dahil medyo matagal tagal narin simula noong huli akong sumubok mag paint, simula noong first love ko.

Oh akala niyo si Eurydicé lang ang may first love? meron rin ako no!

Teka, efa-flashback ko.

[Flashback]
Two years ago

"Hoy!" Sigaw ng taong nasalikuran ko.

"Ano nanaman?!" Inis kong sambit saka binalingan ng tingin ang tumawag sa akin

"Ang gwapo ko no?" Nakangising sabi niya habang nag pogi sign pa at kitang kita ko yung magandang ngipin niya na may braces.

'Oo, ang gwapo mo' sabi ko sa isip ko.

"Yuck! Kadiri ka naman" Sabi ko sa kanya at umakto na parang nandidiri habang pinipigilan ko ang sarili ko na mamula. 

"Psyche pahalik naman kahit isa lang!" Sabi niya habang ngumuso pa sa akin kaya napangiwi ako sa kanya.

"Tumigil ka nga Eros!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Sige na! bagay naman tayo eh! kahit sa Greek mythology ay tayo ang nagkatuluyan!" Nakangising sabi niya sa akin.

"Singwapo ko naman yung Eros na nasa greek mythology ah? moreno lang ako!" Ngising sabi niya kaya gumuhit ang ngiti sa mga labi ko pero agad kong pinigilan yun.

Hindi dapat ako mainlove sa kanya.

"Ikaw naman Psyche, maganda ka naman kaya bagay tayo" Nakangiting sabi ni Eros at inakbayan ako.

Biglang uminit ang mga pisngi ko at may naramdaman akong libo libong bultahe na dumadaloy sa aking katawan.

Eto naba ang tinatawag nilang sparks?

"Talaga?"

"Oo naman, pero syempre mas maganda ang orihinal na Psyche no!" Natatawang sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin pero deep inside ay namamatay na ako sa kilig sa mga pinagsasabi ng lalakeng ito. Aasarin pa sana niya ako nang dumating na sila Apollo at inaya nila si Eros na mag lunch sa labas.

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon