Twenty Two

930 18 1
                                    

Portrait

Natapos ang semestral break kaya naman ay back to school ulit. naging busy ulit ang lahat dahil sa 2nd semester subjects namin lalo na at may practical research na kami.

Pinagpili kami ng groupings, kaya naman kinuha ako nila Zach at Zeus sa grupo nila. Nasa library kami ngayon at tahimik na gumagawa ng kung anong ilalagay sa background of the study namin.

Seryosong nagbabasa sila Zeus at Zach habang parehong nakasandal sa likuran ng upuan. nagmistulang multi tasking ako ngayon dahil sa dami ng pinapagawa saamin. habang naghahanap ng mga articles ay nagso-solve din ako paminsan minsan sa homework namin sa statistics.

Nag vibrate ang phone ko at nakitang may message roon galing kay Evo. unknown number pa rin pala ito kaya napangisi ako.

Unknown number;

Where are you? should I pick you up?

My reply;

Library palang kami.

Nang mag Five pm na ay nagpasya kaming ipagpatuloy nalang ang ginagawa sa bahay dahil may gagawin pa raw sila Zach. kaya naman ang iba naming group mates ay umuwi na rin. sabay sabay kaming lumabas ng library at umuulan pa kaya sumilong muna kami saglit. Ang ilan naming group mates na sila Keziah at Steph ay nauna na dahil meron na daw ang mga sundo.

Napatingin si Zach sa wrist watch nito at mukhang may lakad ang mga ito.

"Alis na kami, don't you have umbrella?" Zach asked. umiling naman ako agad, inikot naman ni Zeus ang paningin nito sa paligid, ang mga estudyante ay nagsisialisan na.

"Takbuhin ko nalang din hanggang shed." saad ko. natatawang ibinaling ni Zeus ang tingin saakin.

"Hintayin mo nalang si Evo, parating na 'yon." seryosong saad ni Zach at inayos ang librong kabibili niya lang sa library.

"Hindi na, hindi naman ganun kalakas ang ulan." saad ko at itinapat ang palad para madama ang patak ng ulan. Nagkibit balikat si Zeus at naunang tumakbo kaya naman sumunod kami ni Zach.

Lumiko ang mga ito patungong parking lot habang ako naman ay nagtungo na sa waiting shed while waiting for our driver to pick me up.

Pinunasan ko naman ang sarili ko gamit ang palad, napalingon naman ako sa babaeng pinupunasan ang isang construction paper na mukhang nabasa ng ulan. Nadia Gomez is still looking fresh kahit na mukhang stressed at pagod na sa school work. napatangin naman ako sa drawing nito at namangha dahil kahit na may bahid ng basa ito ay maganda pa rin at pulido ang pagkakaguhit.

Naiangat nito ang tingin saakin at ngumiti saka nagmadaling kinuha ang construction paper na pinapatuyo nito.

"Sorry, you can sit here." she said at inilahad ang space sa inuupuan nito.

"Thanks." I smiled at umupo na roon. inangat nito ang paper niya at pinagpag para matuyo.

"Gawa mo? ang ganda." I asked. nilingon ako nito ulit at tumango.

"Oo, salamat." she answered softly. her soft lips widened after. hindi na pala nakakapagtaka na habulin ito ng mga lalaki sa department nila, kaya pala minsan na rin itong natipuhan ni Evo.

I watch her do her things while waiting for our driver. wala man lang kahit anong mapuna sa kanya, she's an epitome of perfection.

May humintong puting fortuner sa harapan namin at mukhang sundo niya na iyon. she grabbed her things immediately at nagpaalam din saakin.

Naisandal ko ang ulo ko sa hamba ng waiting shed nang mapagtantong wala na pala akong kasama. napatingin nalang ako sa malayo at isa isang pinapanood ang mga sasakyan na paalis sa parking lot, natanaw ko din ang pamilyar na pulang bugatti kaya nanliit ang mata ko. he's still here? what makes him busy?

Destiny and our Beyond (Alfiera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon