Chapter 30 : The King

1.9K 98 16
                                    

Chapter 30 : The King


“Thatʼs obviously the Periodic Table of elements,” tumaas ang kilay ni Nol sa akin. Tinaasan ko lang din siya ng kilay.

“Ano namang ibig sabihin niyan?” Henry asked.

Li  H  Si  Ca  B  B  Si

“Bakit wala 'yung mga atomic number nila?” tanong naman ni Winston.

“Thatʼs it.” napalingon kami kay Nol.

“What do you mean?” I crossed my arms.

“Itʼs the atomic numbers. Li stands for Lithium and its atomic number is 3. Convert it to English Alphabet and we will get C.” Nol explained while writing on the board.

“Now, I get it.” sabi ni Henry.

“Thatʼs too easy,” sabi ko naman.

“Pero hindi mo agad—” inirapan ko si Nol.

“Hushhh!” pagtataray ko. Henry and Winston chuckled.

“Sa Canteen ang next destination naʼtin.” sabi ni Henry.

“Letʼs go!”

Tumakbo kami papuntang canteen. Maraming estudyante na nandoon ngayon. Napalingon lingon pa kami sa paligid para maghanap ng next code.

“Dito!” may tumawag na isa sa mga tindera ng Canteen. Lumapit kami sa kanya.

“Sabi ni Sir Martin, kailangan niyong maubos ang mga cakes at ang cokes bago ko ibigay ang code sa inyo.” aniya at tinuro ang lamesa kung saan nakalagay ang tig-iisang piraso ng cake.

They have different flavors. “Pumwesto na kayo,”

“I donʼt like sweets,” nakangiwing sabi ni Winston.

“Start!”

Nagsimula na kaming kumain. This is so basic, actually. Madali lang maubos ang isang piraso ng cake at isang can ng coke.

Napatingin ako sa mga kasama ko Henry is doing good. Nol looks calm. Si Winston naman ay panay ang ngiwi. I canʼt help but chuckle.

I am the first one to finish eating. Sunod si Henry at Nol. Lastly, Winston.

“Nasaan na po 'yung code?” tanong ni Henry sa tindera. Kinuha naman niya iyon sa bulsa niya at iniabot sa kanya.

Agad kaming lumapit kay Henry at tinignan ang nakasulat sa papel.

01001101  01000001  01001110
01000111  01001111

01010100  01010010  01000101
01000101

“Binary,” sabi ko.

It brought back a horrible memory. I cleared my throat. “Weʼll decipher this,” ani Nol at kinuha ang papel kay Henry.

“Nakakalito ang Binary code sa totoo lang. Medyo nahihirapan ako,” nagpameywang si Henry.

Umupo muna kami habang dine-decode ang nasa papel. “This is going to take time,” Nol brushed his hair backwards.

Naalala ko nuʼng Abduction Game, matagal akong naghihintay sa loob ng Music Room— mukhang nahirapan si Nol noon dahil Binary code ang ginamit ni Sir Michael.

Detective Trainees (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon