Chapter 9 - Trust and Doubts

431 23 0
                                    

Chapter 9 – Trust and Doubts

"He's not with me!" natataranta kong sagot sa walkie-talkie and I ran desperately again. Ilang beses na ba akong tumakbo ngayong araw? Hindi ako na-inform na may marathon pala.

[Glaze is not here too!]

"What?!" sigaw ko. Mahahalata sa boses ni Natasha na sobrang nag-aalala siya para sa mga bata. Ano bang ginawa ng nurse nila at nakalusot ang mga bata?

Binaba ko na ang walkie-talkie at binilisan pa ang pagtakbo. I am so worried about the kids. They should be protected from this cruelty. Hindi ko maisip ang mabuhay na wala ang mga makulit na mga batang iyon.

Napahinto ako sa pagtakbo nang makita ko si Math at si Tito Renzo na hawak ang umiiyak na si Glaze at ang ngumingiting si Blaze. Nakahinga ako ng maluwag at nagulat na lang ako nang biglang maputol ang heels na suot ko. Bago pa ako makabawi, natumba na ako.

"Ate Shamiee!" rinig kong sigaw ni Blaze at tumakbo papunta sa akin. Napangiti ako nang makitang nasa maayos siyang kalagayan. I was about to stand up nang daganan ako ng tumatakbong bata.

"Aww tangin—palaka!" sigaw ko sa sakit. Gusto kong magmura ng ilang beses ngunit ayaw kong marinig iyon ni Blaze. Nang tignan ko ang aking braso at binti, may gasgas iyon.

"Blaze! Ate Samantha is hurt," sabi ni Math at inalalayan akong tumayo. Kinuha ko ang isang pares ng heels at binitbit iyon. I thought I'll walk barefooted, but Math took of his rubber shoes and gave it to me. "Just wear these. They may not fit but you have no other choice."

"Eh paano ang mga paa mo?"

"I survived a lot of attacks, this won't kill me," sagot niya. Inilagay ko ang sapatos niya sa lupa at sinuot iyon.

"If you say so, thanks," sabi ko at binitbit ang heels. Magaan sa pakiramdam ang suotin ito kahit maluwag. Tinignan ko si Blaze. "Saan ka ba nanggaling, Blaze?"

"I went to shee a shecret friend!" sagot ni Blaze. Napasimangot ito nang tignan ang kambal na si Glaze. "But she mean! She pushed me! I cried! She cried too!"

"I don't want you having new friendsh!" sigaw ni Glaze at lumakas ang iyak nito. Hinagod ko na lang ang likuran niya. "You left me! With that ugly nursh!"

"Sino ba ang new friend mo?" mahinahon kong tanong.

"A shecret friend! Blazshe is not going to twell anyone!" sagot ni Blaze. Napailing na lang ako. I thought kids are honest. Why is he keeping secrets now?

"Even your brother?" nakasimangot na tanong ni Math. The frowning face of the kid lit up and chuckled.

"I'm telling you shoon, kuya!" Blaze answered and hugged Math. He may not show it but I know he finds his brother's hug adorable.

"We have to go inside. Your mother is worried," sabi naman ni Tito Renzo na kanina pa nakatayo sa isang gilid. Hinawakan naman ni Blaze ang kamay ni tito habang si tito pa ang lumapit kay Glaze na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin.

Nagtaka naman ako kung bakit di sumama si Math kasama ang pamilya niya. Sinamahan niya akong maglakad at dahil suot ko ang maluwag na sapatos niya, mabagal ang aking pag-usad.

"Are you waiting for me because of your shoes?" tanong ko at tumawa. Tinignan ko siya at nanatili itong seryoso. "Don't worry, I'll give it back to you."

"What do you think of this place?" tanong niya at binalewala ang sinabi ko. Kumunot ang noo ko. I just find his random question weird.

"It's pretty organized," sagot ko at nilibot ang paningin sa paligid. Nahagilap ng aking paningin ang pathway. "It's a university that looks like a historical place on the outside and a touch of modernity on the inside."

Verson University: School of DoctorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon