[Each] one longed for its other half, and so they would throw their arms about each other, weaving themselves together, wanting to grow together. - Aristophanes
Matagal kong tinitigan ang quote na nabasa ko sa internet bago bumangon mula sa pagkakahiga at naupo sa aking kama.
"Hoy Eli!" tawag ko ngunit walang tumutugon.
"Felix!" sigaw ko pero wala pa ring sumasagot.
Huminga ako ng malalim, "FELIX LEEEEEEEEE!!!" bigay todong sigaw ko pero wala pa rin siyang pakialam.
Kinuha ko ang aking unan saka nagpangalumbaba doon at tinitigan siya habang seryosong nagsusulat sa study table ko. (Or should I say table lang because I don't study)
"Can you please be quiet, Anna of the Southern Isles?" pang-aasar niya sa akin nang hindi man lang ako nililingon.
"Isa pang ulit sa pang-aasar mong 'yan at makakatikim ka talaga sa 'king Felix navidad ka!" ganti ko sa kanya.
Tumigil siya sa pagsusulat saka masamang tumingin sa akin, "Ok. what do you want?" tanong niya sa akin gamit ang napaka-arteng accent niya.
Umayos ako sa pag-kakaupo, "Naniniwala ka ba na lahat ng tao may other half?" seryosong tanong ko sa kanya.
Inirapan niya ako saka muling bumalik sa ginagawa, "Gagawa ba ako ng love letter ngayon kung hindi ako naniniwala diyan? Of course I believe that every one of us have our other half..."
"eh bakit wala pa rin 'yung sa akin?" tanong ko sa sarili ko
...and mine was the soon to be owner of this letter." pagpapatuloy niya habang may malaking ngiti sa mukha niya.
This time ako naman ang umirap, "You will never have her. Maraming nagkakagusto at nanliligaw sa kanya, Felix. Keep that in mind."
"Anna, I'm always on Australia at tuwing summer lang 'yung pagkakataon para makasama ko siya. Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi na I should confess my feelings to her dahil nga ang daming nakapalibot sa kanya? This is my chance. Ayokong sayangin 'yung pagkakataon and you're my best friend, right? You should support meeee!" aniya saka ngumiti ng pagkalapad-lapad habang tinatapik-tapik ang mga freckles niya.
Tsk. Akala mo cute. P-pero cute nga. Konti.
Natapik ko ang sarili dahil sa inisip. AHhHHhh!
"Gustong-gusto mo talaga siya, 'no?" tanong ko. Tumango siya bilang sagot.
Nahiga ako sa kama at tumitig sa kisame, "Sige na. Tapusin mo na 'yan."
I've never been in love.
Gusto kong maranasan 'yon. Gusto kong malaman kung anong pakiramdam ng may nagugustuhan at nang may nagkakagusto sa 'yo.
Plano ni Felix na ibigay ang letter na 'yon kay Erin kapag inaya niya ito na maging prom date sa prom night namin bukas. Napaka-kapal ng mukha, siya na nga ang dayo siya pa talaga ang mag-aaya kay Erin na maging date. Tsk.