Naniniwala ka ba sa multo?Kahit di mo sila nakikita, nandyan lang sila sa tabi-tabi,malay mo, katabi mo lang siya,pinagmamasdan ka,o hindi kaya binabantayan ka nila,Masasabi mo ba kung ilan ang kasama mo ngayon?
This is actually a true story.... my true story
Since noong bata ako,hindi ako naniniwala sa multo,tinatakot pa ako noon ng mga kaklase ko,pero lagi ko sinasabi sa kanila... "Walang multo", sabi sabi pa nga nila na may third eye sila pero di ako naniniwala...
Noong Grade 6 ako,May kaibigan ako,itago na lang natin sa pangalang Ericson,actually may third eye siya, and nakakakita siya ng mga multo,sa school namin, nakakakita siya,One time, pumunta kami sa lumang office malapit sa madilim at tahimik na building,sabi niya may nakita siyang multo,babae daw sabi niya sa akin,ang sagot ko lang ay "Weh?Di nga?baka niloloko mo lang ako..."sabi naman niya "totoo yung sinasabi ko".Naging usapin kasi sa classroom namin na may multo sa luma,madilim,at tahimik na building malapit sa lumang office.Pero di ako naniniwala,kasi hindi pa ako nakakakita...
Until nung nag First Year ako,doon na nagsimula ako makakita ng iba't ibang bagay na di makita ng ibang tao,tuwing lumalapit ako sa lumang building na yun,bigla na lang tumataas ang balahibo ko,minsan naman nakikita yung iba't ibang bagay na hindi makita ng ibang tao,katulad na lang ng Madreng nakalutang sa ere,at kahit minsan sa gilid ng mata ko nakikita ko sila,sinubukan ko ikwento sa mga kaibigan ko pero sabi lang nila,"guni-guni mo lang yun,baka sa imahinasyon mo yun"... sabi ko sa kanila "Imposible,kahit wala akong iniisip minsan nakikita ko sila".Hindi naman lahat ng multo nakikita di ba?
One time,English subject namin,pupunta kami "speech lab",eh, yung speech lab namin located sa lumang building na yun,ganun din yung computer lab namin,kaya kadalasan nakikita ko sila,di ko lang sinasabi sa kaklase ko,baka masabihan pa akong "weirdo".Ayun pag punta namin sa speech lab,bigla na lang nanlamig batok ko tapos tumaas yung balahibo ko,Alam ko nandyan lang sila.Tapos nung nag Computer Subject,pupunta kaming computer lab,minsan nakikita ko yung madreng nakaitim na nakalutang sa ere,nakakatakot,minsan di ko na lang pinapansin.
Tapos month of Feb,Disco night,syempre party party kami,tapos picture picture,eh yung isa kung kaibigan may nakuha sa camera niya,isang babaeng nakaputi, ganun din sa phone ko,nung nagpicture picture kami may nakuha din ako lalaki katabi ko,halos tumaas balahibo ko.
Nung nagsecond year kami, may project sa bahay ng kakaklase namin,yung kaibigan ko ang pangalan niya ay gel na kasi may third eye din eh kasama diya sa pagawa ng project , pagpasok ko sa bahay ng kaklase ko, pagtapak ko sa hagdan nila nanlamig buong katawan ko,may nakita ako anino ng isang lalaki,tinanong ko yung kakaklase ko,"may namatay na ba dito sa bahay niyo?".. "oo,lolo ko" sabi niya sa akin,"matagal na kasi itong bahay na ito eh","ahhh..."sabay tango ko sa kanya...
Tapos Club Activity time namin(kasi bawat estudyante may sariling club),katabi ko yung kaibigan ko na may third eye,may nakita ako babae naka puti,katabi lang ng teacher namin sa room,"gel,may babae nakaputi katabi ni sir"sabi ko sa kanya."alam ko,wag mo na lang pansinin"sabi ni gel sa akin.Napansin ko na palibot-libot lang ang babaeng multo sa room namin,pero di ko na pinapansin.
Ngayon,habang nagtytype ako,alam ko may kasama ako ngayon,nasa tabi ko lang siya. Ikaw ang bahala kung maniniwala ka sa kanila o hindi? ipinapahayag ko lang kung ano ang mga karansan ko,ikaw ang may desisyon kung maniniwala ka,alam mo ba na may kasama ka ngunit na di mo nakikita?
BINABASA MO ANG
"Katabi mo lang siya,Di mo lang nakikita"(one shot story)
HorrorNaniniwala ka ba sa multo?Kahit di mo sila nakikita, nandyan lang sila sa tabi-tabi,malay mo, katabi mo lang siya,pinagmamasdan ka,o hindi kaya binabantayan ka nila,Masasabi mo ba kung ilan ang kasama mo ngayon?