Tinanong kita kung ano ang iyong gusto sa sandaling hihilain na tayo ng katapusan,
Hawak ang aking mga kamay ay iyo akong tinitigan
Hindi mawari kung bakit sa kabila ng ngiting nakapaskil ay ang kalungkutan,
At ibinulong mo na nga ang kahilingan
'Kung maari sana'y wala ng katapusan, ngunit ganon pa man hindi natin ito mapipigilan'
'Hiling ko lang na ako ang unang bawiin ng kalangitan, dahil hindi ko kakayaning makita kung paano kang aagawin sa'kin ng kalawakan'Nangako akong pagbibigyan kita kahit walang katiyakan,
Nangako ako kahit hindi ko rin alam kung kakayaning kong panoorin kung paano mo akong iiwan
Nangako ako kahit malabong kayanin ko ang masaktan
Kaya mahal, patawad sapagkat una akong naratay, at inakay ng kamatayan
Hindi ko rin pala kayang hintayin na ako ang unang maiwan,
Patawad kung hindi ako ganon katapangNakita ko ang pagdurusa sa iyong mga mata,
Ang pakikiusap sa Diyos na sandali pa
Namasdan ko pa sa nanlalabong paningin ang pagtangis mo't pagmamakaawa na lumaban ako kahit kaunti pa
Minalas ko ang pagwawala mo ng lumuluwag na ang aking hawak
Kung paano kang lumuhod at ginupo ng iyong paghihirapPatawad kung madaya ako
Pasensya kung hindi ko napagbigyan ang tanging nais mo
Mahal, hihintayin naman kita
Mahal, magtatagpo pa rin naman tayong dalawa
Dito kung saan wala ng sakit at paghihirap
Hihintayin naman kita, hindi ko lang talaga kaya na una kang bawiin sa'kin ni Bathala
BINABASA MO ANG
100 TULA: Sa Panauhin ni Kupido
PoezjaOras na inilaan sa pagsulat: 13 araw at 6 na oras