CHAPTER TWELVE

571 25 6
                                    

" NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER TWELVE

"Hey son what happened to you?" Maang na tanong ni Whitney sa anak ng best friend niyang si Cassandra pero namatay noong ipinanganak ito.

"Some trouble mommy, by the way napadalaw ka po? Kumusta po kayo ni daddy?" Pang-iiba ni Kenjie sa tanong ng taong nagpalaki sa kanya hanggat napunta siya sa mga tunay niyang ninuno.

Hindi naman lingid sa kanya ang katutuhanang isa siyang purely blooded American, kaya nga malakas ang loob niyang niligawan ang pamangkin ng taong nasa harapan niya dahil alam naman niyang hindi siya dugong Harden.

"Okey lang anak pero teka lang huwag mong ibahin ang usapan. I knew you iho hindi ka naman basagulero sa pagkakaalam ko ah but why now?" Hindi kumbinsadong wika ni Whitney.

Kaya naman wala na ring nagawa ang binata kundi ang ipinagtapat ang katutuhanang nagsagupaan sila ng asawa ni CA.

"What? Are you telling me na ikaw ang tinutukoy ng pinsan ko na tumawag sa kanya?" Panghuhuli ni Whitney although may hints na siya.

"Yes mommy, ako ang tumawag. Nararapat lang na malaman niya ang panloloko ng dalawa sa mga taong nakapaligid sa kanila." Tugon ni Kenjie pero ang isipan ay nag-iisip kung paano makaganti sa kaaway na lalaki.

Dahil nakatalikod ang binata ay hindi nakita ang pag-iling ng ina-inahan na mas lumapit pa.

"Come here to mommy anak. Alam kong nagmamahal ka kaya mo iyan nasabi. Hindi man ako ang tunay mong ina pero itinuring kitang tunay na kadugo. Si Cassandra bestfriend namin ni Jhyne, na ina ni CA. Alam mo naman siguro kung ano ang ibig kong sabihin anak. Masakit ang mabigo anak lalo at unang pag-ibig mo, pero anak parehas kayong mahalaga sa akin ng pamangkin ko. Ngayon pa lang anak ako na ang nakikiusap na huwag mong hayaang darating ang punto ma magkamuhian kayong dalawa. Kung bigo ka sa kanya tanggapin mo na anak na hindi kayo ang nakatadhana. Ako ang kinakabahan sa inyong dalawa." Nakabuntunghiningang sabi ni Whitney.

Bahagi ng kanyang plano ang paniwalain ang lahat ma kaya niyang tanggapin na hindi sila ng babaing pinakamamahal.

"Mahal ko po si Crystal Angela mommy kaya huwag ka pong mag-alala dahil hindi ko magagawang saktan siya." Sagot ng binata.

Tama wala siyang balak maghiganti sa babaing pinakamamahal pero ang lalaking karibal niya'y hindi niya ito mapapatawad. Pero kailangang mapaniwala niya ang mga ito na wala siyang balak na ikakasira ng lahat.

"Aasa ako sa salita mong iyan anak dahil gaya ng sabi ko kanina'y parehas kayong mahalaga sa akin." Muli ay sabi ni Whitney.

"Opo mommy makakaasa ka po." Tugon ng binata.

Nagpatuloy sila sa kanilang kuwentuhan hanggang sa naisipang umuwi ni Whitney.

"Lintik lang ang walang ganti hayop ka!" Ngitngit na piping sambit ng binata na nakikinita na niya kung paano niya ipapabagsak ang walang modong lalaki.

Few days later...

"Anong plano ninyo mga anak? Kasi ako I need to go home na kahit na gusto ko pang makasama kayo ng mas matagal." Wika ni Clyde isang gabi habang naghahapunan sila.

"Hindi mo na ba maipagliliban iyan daddy? Para ayusin ko muna ang bakasyun ko para sabay-sabay na tayong uuwi ng Pilipinas." Sagot ni CA sa pagitan ng pagsubo.

"Walang kasama ang kuya mo sa Pinas anak, ang ate mo nama'y kung saan-saan na rin lumalagalag alam mo naman any trabaho mayroon siya kaya kailangan na ng kuya mo ang kahalili." Tugon naman ni  Clyde.

NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon