I'm Not Coming Back

57 4 10
                                    

Unique

Mayo 4, Araw ng Sabado.

Paano ko naman makakalimutan ang araw na yan? Habangbuhay nang nakatatak sa utak ko ang mga numerong yan dahil yan din mismo ang araw na napuno na ako, napagod. Pagod na pagod na akong magkunwaring masaya. Pagod na akong gawing ang gusto nila. Hindi na ako to. Hindi na ako yung Unique na kilala ko.

Pagod na pagod na akong magtago sa kasinungalingan pilit nilang pinapagawa sa akin. Pagod na akong itago ang pagmamahalan namin.

Mahigit isang taon na kaming magboyfriend ni Blaster, pero ni hindi ko sya magawang hawakan kapag nasa labas kami. Maraming mga matang nakatitig sa amin. Hanggang tingin lang ako sa kanya, at saka pa lang pag uwi namin sa condo namin, dun pa lang kami nagiging malayang gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga magkasintahan. Mahal ko sya, mahal na mahal. Pero pareho kaming may iniingatang pangalan. Nagsisimula pa lamang sumikat ang banda namin at pinayuhan nila kami na isekreto muna namin ang aming relasyon. Bakit? dahil nasa Pilipinas tayo. Hindi kami makakaligtas sa mga panghuhusga at paninira ng mga makikitid ang utak.

Tandang tanda ko pa ang gabing iyon, guest kami sa isang evening talk show, at bilang natural na gwapo si Blaster, tinanong sya ng host(na kung ako ang tatanungin, may kalandiang taglay at halata kong may gusto sya sa boyfriend ko).

"Ikaw Blaster, are you dating someone at the moment?" tanong ng haliparot na host.

Tumingin sakin si Blaster na para bang humihingi ng tawad, at sumagot ng "Wala akong dinedate, focus lang muna ako sa banda."

Naiintindihan ko naman, sanay na ako sa ganitong eksena. Pero ang hindi ko matanggap ay ang paglandi ng host na to kay Blaster pagkatapos ng guesting namin. Kitang kita ko kung paano nya pasimpleng hinalikan sa pisngi si Blaster at binigay ang kapirasong papel, na alam kong may nakasulat na number nya. Ibang klase din. At imbes naman na umiwas, sinakyan lang din ni Blaster at gumanti ito ng halik sa pisngi ng babae. Tangina, parang wala ako sa harap nila ah?!

Sa sobrang galit ko, nauna na akong umuwi sa condo, dinala ko ang sasakyan namin, kung paano sya uuwi? bahala sya sa buhay nya.

Hindi ko na kaya, sobrang sakit ng nararamdaman ko, pakiramdam ko harap harapan akong trinaydor ng lalaking mahal ko. Pakiramdam ko, hangin lang ako kanina na hindi man lang nya naisip na masasaktan ako. Idagdag mo pa yung "image" ng banda namin. Ang totoo nyan, sa simula pa lang hindi na ako masaya sa imahe ng banda, pero dahil mahal ko sila at ang musika, napilitan akong gawin ang gusto nila. Pero matagal ko nang gustong kumawala sa eksena, hindi ko maipakilala ang sarili ko, ang tunay na ako sa pamamagitan ng musika.  Parati nila akong kinakahon sa ideya na papatok sa masa, pero ni hindi nila minsan tinanong kung masaya ba talaga ako sa ginagawa ko.

Sinimulan kong magimpake ng gamit ko, kahit konti lang, pero siniguro kong dala ko ang mahahalagang papeles. Buo na ang loob ko, lalaya na ako. Aalis na ako sa katauhan ni Unique ng IV of Spades. Lalayo ako at titira sa lugar kung saan walang makakakilala sa akin, sa lugar kung saan walang matang nakatingin, sa lugar kung saan malaya akong maging ako.

Umalis ako nang walang paalam, walang iniwang sulat o ano man. Binura ko lahat ng social media accounts ko, nagpalit ng number at sinigurong walang makakaalam ng pupuntahan ko.

Napadpad ako sa isang maliit na bayan sa Camiguin. Masasabi kong napakalayo nito sa lugar na kinalakihan ko, pero ito talaga ang kailangan ko,bagong panimula. Medyo liblib ang bayan na to at hindi uso ang internet, madalas ding walang kuryente kaya di ako natatakot na baka may makakilala sa akin o mahanap nila ako.

Nagpakilala ako bilang Nick, nagtrabaho bilang pintor at musikero sa kung anu anong event. Minsan, sumasideline din ako bilang tagaluto sa isang maliit na kainan. Sobrang payak na pamumuhay, malayo sa mundong inalisan ko, pero dito, dito ko nahanap ang kapayapaan ng isip ko. Sapat lang ang kinikita ko, pero hindi ko ito ipagpapalit sa kahit ano.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Remembering Saturday (Blasnique) One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon